Chapter 6

1.4K 29 0
                                    


MAKULIMLIM ang panahon sa araw ng libing ng ama ni Angela. Tila ba nakikiramay sa pagdadalamhati ang lahat sa pagkawala ng isang institusyon. Magkagayunman, matapos ilapag sa hukay ang kabaong nito ay nahawi ang makapal na panginorin at naglagos ang mga silahis ng araw.

Ikatlo at kalahati ng hapon ay nagsimula nang mag-alisan ang mga nakipaglibing. Isa-isang nagpaalam ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan hanggang sa siya, ang kanyang ina, at ang kanyang Lola Soledad na lang ang naiwan doon bukod sa driver na si Mang Dado.

Inakala niyang sila na lang ang naroon, ngunit nang igala niya ang tingin sa paligid ay nakita niyang naroon pa rin pala si Danny, si Mae Li, at ang papa ng babae.

Kausap ni Danny ang mag-ama, at bagaman hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng tatlo ay tiyak niyang nagpapaalam na ang mga iyon sa lalaki.

Mayamaya pa at inihatid na nga ni Danny ang mag-ama sa sasakyan. Nakita niyang humalik pa si Mae Li sa pisngi ng binata bago sumakay sa Pajero.

Nag-iisa na lang ito nang magbalik sa kinaroroonan nila. Tahimik lang si Angela nang maupo ito sa kanyang tabi. Walang sinuman sa mga naroon ang maaaring makaalam sa kanyang damdamin dahil ikinubli ng suot niyang itim na salamin ang kanyang mga mata.

"Wala pa ba kayong balak umuwi, lola?" tanong niya sa abuela nang makitang tapos na ito sa pagdarasal at gayundin ang kanyang ina?

"Bakit hindi ang mama mo ang iyong tanungin?" amuki nito sa kanya.

"Gusto ko pang manatili para bantayan ang papa mo. Maaga pa naman. Kung gusto mo nang umuwi ay ipahahatid na kita kay Danny. Okay lang ba sa iyo, hijo?"

"Wala akong ibang lakad sa araw na ito, Tita Milen. Isa pa'y doon din naman ako uuwi sa inyo," sagot nito.

"Mabuti pa ngang mauna ka nang umuwi, hija. Sasamahan ko na muna rito ang iyong mama," ani Lola Soledad.

Dahil tapos na rin naman ang paghahatid sa kanyang ama sa huling hantungan ay ipinasya niyang mauna nang umuwi sa dalawa. Hindi na siya tumutol nang pumayag si Danny na siyang maghatid sa kanya. Matapos magpaalam sa abuela—at sulyapan ang ina—ay sumama na siya rito patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan.

Walang-imik siyang naupo sa unahan matapos nitong buksan ang pinto para sa kanya. Nang sumakay na rin ito ay pinili niyang ihimlay ang katawan sa upuan at ipikit ang mga mata, nang sa gayon ay walang mamagitang pag-uusap sa kanila.

Nang buhayin ni Danny ang makina ng sasakyan ay kasunod nitong binuhay ang stereo. Nanlamig siya nang pumailanlang ang awitin ng Bee Gees: "Our Love (Don't Throw It All Away)," na nagkaroon ng malaking bahagi sa nakaraan nilang dalawa. Ibig niyang tumutol at sabihing patayin na lang nito ang stereo ngunit tuluyan nang namanhid ang kanyang katawan.

Maybe I don't wanna know the reason why

But lately you don't talk to me,

and darling I can see it in your eyes...

Wala siyang nagawa kundi damhin ang musikang muling nagpakirot sa sugat na hindi niya alam kung kailan maghihilom.

I want you near but you're so far away

To let your love flow back to me,

I can't believe I let this feeling die...

Oh, Danny... piping sigaw ng puso ni Angela. Ang bawat salita sa awiting iyon ay tila balaraw na tumatarak sa dibdib niya, gumugutay sa kanyang pagkatao.

(You alone) You alone are the living thing that keeps me alive.

And tomorrow, if I'm here without your love,

Gems 20: This Beautiful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon