Chapter 12

1.3K 28 1
                                    


Present time  

INISIP noon ni Danny na pinaikot lang ito ni Angela sa mga palad niya. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang paniwala ng binata. Na ang nakaraan nila ay isang simpleng laro lamang para sa kanya.

Hindi man lang ba nito naisip na malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang pagkababae? At kung nagawa niyang ipagkaloob dito ang lahat-lahat sa kanya, hindi pa ba sapat na katibayan iyon na kailanman ay hindi siya naglaro sa kanyang damdamin?

Kailanman ay hindi siya nagsinungaling sa kanyang nararamdaman.

At ngayon nga ay may mahal na itong iba. Pinili na nito si Mae Li upang maging kabiyak ng puso. Kailangan pa niyang malaman iyon bago niya matanggap sa sariling wala na siyang dapat asahan kay Danny. Na ang pag-ibig niya para sa binata ay dapat na niyang kalimutan once and for all.

Pinahid ni Angela ng likod ng palad ang luhang bumasa sa kanyang pisngi. Bukas ay darating si Abdul, ang lalaking nagpapahayag ng gamundong pag-ibig nito sa kanya.

Kung talagang matagal nang tapos ang lahat-lahat sa kanila ni Danny, dapat lang sigurong bigyan na niya ng pagkakataon ang kanyang puso na magmahal ng iba.

Pitong taon na niyang iniiyakan ang kabiguan ng kanyang pag-ibig. Baka panahon na rin para tapusin niya ang kahibangang iyon at hanapin ang kanyang kaligayahan.

Visualization. Iyon ang sabi sa kanya ni Kaye na dapat niyang gawin kung gusto niyang magkatotoo ang mga minimithi niya sa buhay. Maraming beses na rin niyang na-practise iyon. Ilan sa na-visualize ni Angela ay nagkatotoo na. Ang pagbabalikan na lang yata nila ni Danny ang malabong magkaroon ng katuparan.

Kung kay Abdul na lang kaya niya ibaling ang kanyang pagmamahal? After all, matagal nang nanliligaw sa kanya ang lalaki. He was a good man. He had a growing business empire and a grandmother who adored her.

Dalawang beses na rin silang nakapagbakasyon ni Kaye sa vast mansion ng abuela nito sa Inglatera. At bagaman arabyano ang abuelo at ama ni Abdul ay solidong katoliko ang lalaki dahil sa impluwensiya ng lola. Madalas nitong sabihing kung tatanggapin niya ang alok nitong kasal ay siya lang ang magiging Mrs. Abdul Jamiah Bin Ladden.

Sa piling nito ay magbubuhay-reyna si Angela at maaaring hindi na rin niya problemahin ang kakainin ng kanyang mga anak hanggang sa magiging mga apo.

Madaling mahalin ang kaibig-ibig na personalidad ni Abdul kung magagawa niyang buksan sa lalaki ang puso niya.

At bakit nga hindi, kung iyon ang magiging gamot sa sugat na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang puso?  


KINAUMAGAHAN ay madali niyang naipaliwanag sa kanyang mama at lola ang tungkol sa darating niyang bisita. Kung dati-rati ay agad niyang kinakikitaan ng pananabik si Milen kapag darating ang isang taong may sinasabi, ngayon ay simpleng pagsang-ayon lang ang naging tugon nito nang itanong ni Angela kung maaaring manatili roon nang ilang araw ang lalaki.

"Bahay mo rin ito, hija. Ang bisita mo ay bisita rin namin. Hindi mo kailangang magpaalam," nakangiting sabi sa kanya ni Lola Soledad.

"Tama ang iyong lola, Angela," ang kaswal na sang-ayon naman ni Milen. "Itong Abdul na ito... kasintahan mo ba siya?" pagdaka ay tanong nito matapos ilapag ang hawak na tasa ng kape.

"Isa siyang masugid na manliligaw," kaswal na sagot niya. Hinintay ni Angela ang susunod na reaksiyon nito ngunit maliban sa isang tango ay wala na itong sinabi.

"He's a very wealthy man," patuloy niya. "Pero hindi iyon ang nagustuhan ko sa kanya. He has a heart for other people. Maraming foundations na sinusuportahan ang kanyang kompanya. Mayroon din siyang isinunod sa pangalan ng kanyang yumaong ina, to honor her."

Gems 20: This Beautiful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon