Chapter 7

1.3K 30 2
                                    


"HELLO, darling! What on earth happened to you? I've been expecting your call. akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo."

Bahagyang inilayo ni Angela sa kanyang tainga ang earpiece dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka mabingi siya sa matinis na boses ni Kaye, ang gay friend niyang paminsan-minsang tumatayong alalay/make-up consultant niya

May chain of salons na ito sa New York at naging kostumer na rin nito ang ilang kilalang personality sa Hollywood. Magkagayunman ay walang pagdadalawang-isip nitong iniiwan sa mga mapagkakatiwalaang assistant ang negosyo oras na kailanganin niya. At hindi naman kataka-taka iyon dahil malaki ang nagawa niyang tulong upang umunlad ang negosyo nito.

"I'm sorry, Kaye," naglalambing na sagot ni Angela. "Nakalimutan ko talagang tawagan ka, but, I was about to call you up. Naunahan mo lang ako." Pagkasabi niyon ay pinagalitan niya ang sarili sa pagiging makakalimutin. May ugali pa naman ang binabae na maging nerbiyoso kahit hindi naman kinakailangan.

"Hmp! Talaga yatang kailangan na kitang regaluhan ng brain gum para mabawasan ang pagiging forgetful mo," patuloy nito sa paggagalit-galitan. "So how was your father's funeral?"

"Malungkot, what do you expect?" Napabuntong-hininga si Angela. "So, how's New York?" tanong niyang nais nang ibahin ang usapan.

"I'm not in New York, darling. I wanted to surprise you kaya sinabi kong mula sa New York ang tumatawag," tumitiling sabi nito, biglang nahalinhan ng excitement ang kanina ay paggagalit-galitan nito. "I'm in Singapore right now. At the airport. And guess who's with me?"

"Who?" Nangunot ang noo niya kasabay ng pagbangon ng pagtataka. Bago sila maghiwalay ni Kaye tatlong araw pa lamang ang nakararaan ay wala itong nababanggit na pagbibiyahe.

"I'm going to put him on the phone, all right?" anitong binigyan ng diin ang katagang "him."

Sandali itong nawala sa linya bago mayamaya ay humalili ang baritonong boses na kilalang-kilala niya.

"A-Abdul...?" Nasa tinig niya ang di-pagkapaniwala nang sambitin ang pangalan ng masugid na manliligaw. At sa lahat ay ito lang ang binigyan niya ng pag-asa.

"Hello, my angel," masayang bati nito sa kanya. "Surprised?"

"Y-yeah," tugon niyang muntik pang mabulol. "How are you? What are you doing in Singapore with Kaye?"

"I'm coming after you, sweetheart," anito at ang sinabi ay sinundan ng isang masayang halakhak. "I told Kaye that I wanted to meet your family. It's a pity that I didn't get the chance to meet your father. I'm sorry. By the way, how are you feeling now?"

"I-I'm okay now. It's sad... but death is something that we have to accept. We buried him this afternoon."

"We're coming over, I hope it's all right," muli ay excited nitong sabi.

Nais sana niyang sabihing, "May magagawa pa ba ako?" Ngunit naisip ni Angela na ang pagdating ni Abdul sa Villa Soledad ay isang magandang ideya. Makatutulong din ang presensiya ng lalaki upang makaiwas siya nang tuluyan kay Danny.

"I'll be glad to see you, Abdul. What time is your arrival? I'll send the driver to fetch you at the airport."

Sinabi ni Abdul ang oras ng pagdating ng mga ito sa NAIA. Nalaman din niyang sakay ang mga ito sa private jet ng lalaki. Wala na rin daw siyang dapat ipag-alala sa driver dahil ang lahat ay nasa ayos na. May susundo na sa mga ito sa airport at maghahatid sa dalawa sa kanyang kinaroroonan.

Hindi na siya nagtaka sa mga sinabi ni Abdul dahil sa yaman nito ay walang imposible. Hindi lingid sa kanya na halos sa mga hotel na ito tumira dahil sa mga business dealings nito sa iba't ibang lugar. Halos nalibot na nito ang mundo sakay ng pinakamodernong private jet na pag-aari ng sarili nitong kompanya.

Gems 20: This Beautiful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon