Chapter 18 - Last Part

2.7K 43 10
                                    


"SHE killed our baby, Danny! She killed our baby!" halos histerikal na bulalas ni Angela. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga palad. Kasunod niyon, naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Danny mula sa likuran.

"Sshh... tama na, tama na..." bulong nito at hinaplos ang buhok niya.

"Pinipilit ng Lola Soledad na kausapin ko ang mama at pinagbigyan ko siya. Pero hindi na ako dapat pang isinama ng mama sa kumbento kanina. Lalo lang niyang ipinaalala sa akin ang nakaraan. Nang makita ko ang mga bata, nang marinig ko ang kanilang tawanan, parang ipinakita pa ng mama kung ano ang nawala sa akin!"

"I'm sure hindi iyon ang nais mangyari ni Tita Milen," anitong pinapalubag ang kanyang loob. Subalit sa kabila ng pang-unawa ay mahihigingan ang galit at panghihinayang sa tinig nito.

"I'm so sorry, Danny," sabi ni Angela nang iangat ang luhaang mukha. "Wala akong kasalanan. Hindi ko kagustuhang mawala ang magiging baby natin noon. Nilansi ako ng mama. Nilagyan nila ng pampatulog ang inumin ko at nang magising ako ay wala na ang baby natin."

Nakita niya nang magtiim ang mga bagang nito. "Wala kang kasalanan, Angel. Hindi rin kita sinisisi. Nanghihinayang lang ako. Pero ang lahat ay nakaraan na. Anuman ang gawin natin ay hindi na magbabalik iyon. Ang kailangan lang ay matuto tayong magpatawad."

"Magpatawad? Madaling sabihin iyon pero napakahirap gawin, Danny. Lalo na kung pinagdaanan mo ang pinagdaanan ko."

"Natitiyak kong nagsisisi na ang iyong mama sa ginawa niya noon," patuloy nito sa malumanay na pagsasalita. "Ngayon ko lang na-realize kung bakit, mula nang nalaman ng Tita Milen ang tungkol sa nakaraan nating dalawa, ay madalas ko na siyang mapansing tahimik na nakatitig sa akin. Siguro'y naisip din niyang ako ang ama ng dinadala mo noon."

Tinitigan niya si Danny at hindi nagtagal ay napansin niyang namumula na rin ang mga mata nito sa pinipigil na pag-iyak. Kasunod niyon ay pinisil nito ang pagitan ng mga mata, habang walang tigil sa pagngangalit ang mga ngipin.

"Kay dali mong sabihing patawarin ko ang mama," puno ng hinanakit niyang sabi, "pero ako, Danny, kailan mo ako mapapatawad sa ginawa kong paglayo sa iyo?"

Hindi nito nagawang sagutin ang tanong niya. Parang piniga ang puso ni Angela sa isiping mas madali pa para dito ang patawarin ang kanyang mama kaysa sa kanya. Gayong ang naging kasalanan lang naman niya ay inuna niyang isaalang-alang ang kapakanan nito.

"I-I understand kung mahirap sa iyo ang patawarin ako ngayon. But I know in time you will," sabi niyang pinigil na ang patuloy na pag-alpas ng emosyon. Nakadama siya ng awa sa sarili.

Nang lumipas ang mga sandali at hindi niya marinig ang inaasahang maririnig mula kay Danny ay kinolekta niya ang nagkawindang-windang na damdamin. She collected her pride.

Matapos ang ginawa niyang pagtatapat ay inaasahan niyang magiging maayos na ang lahat sa kanila. Umasa siyang sasabihin nito, na kasabay sa paglimot nila sa nakaraan ay ang pagsisimulang muli.

Pero wala siyang narinig kay Danny. At nakapanghihinayang. Dahil kung hiniling lang nito nang mga oras na iyon na talikuran niya ang binitiwang pangako kay Abdul ay gagawin niya.

Pero naisip din ni Angela na marahil ay hindi rin nito magawang talikuran si Mae Li.

"I-I'm sorry... I'm sorry," sabi niya habang tinutuyo ang mga luha sa pisngi.

"Wala kang dapat ihingi ng paumanhin," pormal pa ring sabi ni Danny.

"No, I—" Ngumiti siya upang ikubli ang paghihirap ng kalooban. "Dahil sa ginawa ko ay naabala kita. I'm sorry."

Gems 20: This Beautiful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon