Chapter 16

1.4K 29 0
                                    


"WALA ka pa bang balak na kausapin ang iyong mama, Angela?" tanong sa kanya ni Lola Soledad kinagabihan.

Mula nang dumating sila ni Danny dakong ikatlo ng hapon ay hindi na siya lumabas ng kuwarto. Nagmukmok na lang siya roon, habang iniisip kung bakit sa kabila ng pagtanggap niya sa alok na kasal ni Abdul ay patuloy pa rin siyang ginugulo ng alaala ni Danny.

Hindi ba dapat ay masaya siya? Hindi ba dapat ay mapanatag na ang kanyang kalooban?

Pero hindi. Pakiramdam niya ay lalo lamang naging magulo ang sitwasyon.

At ngayon ay isa pang isipin ang inuungkat sa kanya ng abuela.

"Wala akong gustong sabihin sa kanya, lola," pagtatapat niya. "We have not communicated with each other for years. I don't see any reason why we have to talk now."

"She's your mother, Angela. And she's my daughter. Kaya nasasaktan akong makita na binabale-wala mo ang babaeng nagbigay sa iyo ng buhay."

"Gusto n'yo bang malaman kung bakit naging bato ang puso ko sa kanya, lola?" tanong niyang tila may bikig sa lalamunan. Handa na ba siyang ipagtapat sa abuela ang ginawa sa kanya ng ina noon?

"Bakit hindi mo sabihin sa akin, hija? Baka sakaling maunawaan ko at magawan ng paraan para magkasundo na kayong dalawa."

Matapos ang sandaling pananahimik ay napailing si Angela. "No, I'm sorry I can't," sabi niya. Hindi pa siya handang ipagtapat dito ang nakaraan.

"Igagalang ko ang iyong desisyon, Angela. Pero sana ay huwag mong hayaang masayang ang panahon. May mga bagay na hindi ipinagpapabukas. May kasabihang nalalaman mo lang ang kahalagahan sa iyo ng isang tao kapag wala na siya. Huwag mo sanang hintaying magkatotoo sa iyo ang kasabihang iyon."

Nang bumaba siya para sa hapunan ay isinantabi na muna niya ang pagkamuhing nararamdaman pa rin para sa kanyang ina. Habang kumakain ay pasimple niya itong pinagmamasdan.

Noon lang niya napansing malaki ang inihulog ng katawan nito kaysa sa dating balingkinitan ngunit malusog na pangangatawan. May kakaiba sa anyo ng kanyang ina na hindi lang niya matukoy kung ano. At may pakiramdam si Angela na hindi ang pagkamatay ng papa niya ang nag-iisang dahilan ng pagkahapis nito.

Mayamaya ay naisip din niyang marahil ay dahil hindi ito patahimikin ng konsiyensiya.

"May plano ka ba para bukas, hija?" tanong nito na nagpahinto sa ginagawa niyang pasimpleng pag-aanalisa rito.

"I don't have any plans for tomorrow," kaswal na sagot niya. Nang sulyapan niya ang abuela ay nginitian siya nito.

"Gusto sana kitang isama sa pupuntahan kong charity work bukas. Naikukuwento kita sa mga kaibigan ko at sa mga madre sa kumbento kaya gusto ko sanang ipakilala ka sa kanila nang personal."

"Why don't you come with her, hija? Nang hindi ka naman nagmumukmok lang dito sa bahay. It's a great idea, don't you think so?" segunda ni Lola Soledad.

Alam niyang isang paraan iyon ng pagsasabi nitong sana ay pumayag siyang sumama sa ina. Dahil nais niyang pasayahin ang abuela ay napilitan siyang sumang-ayon. Nakita niya nang magliwanag ang mukha ng kanyang mama kaakibat ang ekspresyon ng pasasalamat.

Nang sumunod na araw, maaga pa lang ay iginayak na ni Angela ang kanyang sarili para sa lakad nila nito. Nang sumilip siya sa labas ay nakita niyang nililinis ni Mang Dado ang sasakyan ni Danny. Ibig niyang pagtakhan iyon ngunit nang makitang malinis na rin naman ang van ng pamilya ay iwinaksi niya ang isiping baka kasama nila ito.

Gems 20: This Beautiful PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon