Maddie's POV
It's been three years since naghiwalay kami but the pain is still there. Maybe because may parte pa sa buhay ko na ayaw ko mag move on. Baka bumalik pa siya sa akin. Pero may parte din na gusto ko na umusad, dahil nakakapagod na. Maghintay sa wala.
"BOO!" ginulat ako ni eya.
"Nakakainis ka naman eya. Nagulat ako sayo."
"Eh ate mads, di uso move on sayo? Charot!"
"Excuse me. I moved on already. Wala na yun sa akin."
"Sus! Nakita kita kahapon na you stalked her. Pano ka mag move on? Kung panay stalk ka? Di ka uusad niyan ate mads." sabi ni eya sa akin.
"I just checked her if she's doing great without me. That's what i did."
"Tapos? Later ikaw yung masasaktan ulit? Ate maddie even tho sabihin mo sa amin naka move on ka na. You won't kung palagi mong babalikan yung mga alala niyo." sabi ni eya.
"Eya's right." rese said. She's my cousin, isang taon lang akong matanda sa kanya.
Umupo siya sa tabi ni eya. I called them both kasi i need someone to talk to. Wala kasi si tyang and majoy.
"It's been three years since you guys broke up, pero ate mads parang fresh lang sayo ha. Parang naging anniversary niyo the moment kayo naghiwalay. We always celebrate it." sabi niya.
"Ngayon lang naman rese. After neto, promise i will move on na."
"Narinig na namin yan last year ate." sabi ni eya.
"Okay sana if fresh pa, okay pa yun ate mads, pero matagal na kayong hiwalay. Hindi pwede ganito ka nalang palagi." dagdag niya pa.
"Pano ko ba kasi siya makakalimutan?"
"You have to forgive yourself first, and everything will follow." sabi ni rese.
"Eh ikaw naka move on ka na ba sa kaibigan ko?" asar ni eya kay rese.
"Of course." agad niyang sagot.
"Sige chat ko si jol-" eh pano ba naman binatukan siya ni rese.
"Pero serious ate mads. Let her go. Forgive yourself, tapos na kayo."
"Ang sakit pala talaga. Kahit ano naman gawin ko talo ako eh. Hindi ko siya kayang ipaglaban sa pamilya ko. Napagod na rin ata siya kakaintindi sa akin, sumuko rin siya ganon." sabi ko.
"Relate ka rese?" asar sa kanya ni eya.
"Wala tayong magagawa ate mads, if sumuko sila, i mean siya." i smirked at her.
"Akala ko ba naka move on kana."
"Ikaw yung nagluluksa dito. Wag mo ako idamay nanahimik ako. Sumbong kita kila tyang." sabi ni rese.
"Gusto ko na umusad, pero hindi ko alam kung pano."
"Para naman akong sirang plaka dito. Ate mads you have to forgive yourself nga. Kasi tapos na, wala ka ng magagawa kung paulit ulit mong babalikan. Hindi mo nga siya bukambibig sa amin, mamaya naman you will stalk her. You blocked her sa main account mo while you have dump na you will stalk her doon." rese said.
"hoy!" eh kasi naman, i'm just you know checking her.
"Naka ilang flings na siya when you stalked her, you always end up crying and calling us." dagdag niya pa.
"Nandito naman kami ate mads, okay lang sana. Willing kami makinig sa rants mo kasi kaibigan mo kami. Pamilya na turing natin sa isa't isa pero ate maddie stop na. You keep hurting yourself while siya she's having fun already."

YOU ARE READING
Until, we meet again.
RastgeleSa bawat pagkakataon, tinatanong ko ang aking sarili ko hanggang kailan ko ba balak saktan ang sarili ko.