CHAPTER 34

91 8 0
                                    

"Ate Sky!" Bibong salubong sa akin ni Tali kaya nang makalapit ay agad akong lumuhod para magkatapat kami.

"Hi Kuya." Boring na salubong nito sa kapatid niya, magkapatid nga naman.

"Hello Kuya Kai!" Bati naman ni Tali kay Kairus na nag aantay lang.

"Hi Kino!" Kalabit ko rito kaya medyo lumiwanag yung mukha at sabay nila akong niyakap. Sweet!

"Kamusta school niyo?" Tanong ko nang bumitaw na ang dalawa sa pag kakayakap.

Lumakad na kami at nasa gitna ang dalawang bata, hawak ko si Kino nasa kay Kairus naman si Tali. Nag palit silang dalawa ewan ko sa mga batang itoh.

"Nag color lang naman kami Ate sobrang dali lang noon, tapos si Kino po tinulungan ko." Kwento ni Tali.

"Hindi kaya, ako ang tumulong sayo 'noh nahihirapan ka kasing kulayan yung violet kasi nasusuka ka sa kulay." Paliwanag naman ni Kino.

"Hindi naman, Ikaw nga diyan hindi mo madrawing yung puso ang simple lang nun."

Hala na, nag iiringan na nga ang dalawa para tuloy silang baby version ko at si Kairus. Ampt, bakit natatawa ako?

"Tali, Kino dapat bati lang kayo." Paunawa ko naman.

"Opo Ate, nag tutulungan minsan kami ni Tali." Ani naman ni Kino kaya napatango naman si Tali.

Tahimik lang at nakikinig si Kairus, mukhang hindi kayang makisabay sa mga bata kahit siya isip bata nga din minsan dinaig pa ang mga bata magkaron ng topak.

Nasa backseat ang dalawa at kami sa may harap. Tahimik lang ang byahe dahil yung dalawa kung ano ano ang pinag-uusapan.

"Kuya where are we going?" Biglang tanong ni Kino, siguro napansin niyang iba ang dinadaanan namin.

"We're going to Tali's home." Ani Kairus.

"Really?"

"That's good Kino so that we can play there at ipapakita ko sayo yung mga laruan ko."maligalig na saad naman ni Tali.

Naalala kong may binili pala akong laruan para sakanila kaya agad ko itong iniabot at pinakita iyon. Mabuti naman nga at nagustuhan naman nila hindi ako nag kami sa pinili, couple naman yun kaya bagay sa dalawa.

"Thanks Ate!" Sabay sambit ng dalawa.

Sa wakas ay nakauwi na din kami sinalubong kami ng mga maid's para kunin yung mga baags namin saka ko nakita na pababa si Papa sa hagdanan, nakangiti ito kaya sinalubong namin ni Tali.

Nag kiss si Tali sa pisngi sabay yakap at ganoon din sa akin si Papa pero sa noo niya ako hinalikan.

"Good that your here Anak." Matamis na saad nito.

Natuon ang mga tingin niya sa dalawang lalaki na nasa may pintuan, mukhang nahihiya pa e! Nginitian naman ni Kairus si Papa pero si Kino biglang nag beso saka nag pakilala na din.

"Mr. Silverious." Masayang bati ni Papa at tinapik ang likod nito.

"Just call me Kairus Mr. Ryan."

"Haha Sige, masyadong pormal mas mabuti pang Tito nalang din ang itawag mo sa akin."

Tumango naman si Kairus. "Napilit ka pala ni Sky, buti naman."

"Hindi ko po siya Pa pinilit, kusa po—"

"Kamusta po kayo?" Lang-hiya pinutol niya ang sasabihin ko kay Papa, bakit guily ba siya kasi yun ang totoo. Tuwang tuwa na pumunta rito.

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now