CHAPTER 44

83 7 0
                                    

Nakarating kami ako ng maayus sa bahay, nasa tapat kami ng gate ni Kairus na mag kaharap. Pumilit ngiti ako at sobrang nakakailang na siya simula nung nag lalakad kami pauwi. Hindi ko mapigilang ang dibdib ko at bakit nag kakaganito ito.

Nakalimutan ko na nga yung dapat na sasabihin niya kaya gusto kong linawin niya ulit iyon. Umepal kasi si Kuya, parang may galit yata sa mundo para ibundol ang sarili sa sasakyan ni Kairus. Pasalamat nalang si Kuya at hindi nagalit si Kumag.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo, hindi ko kasi nalinaw kanina." Pilit ngiti ko.

Napakamot ulo naman bigla si Kairus habang nag pilit ngiti. Umayos na siya ng tayo at inilagay ang isang kamay sa bulsa.

"My birthday's coming.. I want you to go." Pilit ngiti nito.

Yun ba talaga ang dapat sasabihin niya? Grabe akala ko naman kung ano , pupunta naman talaga ako sa birthday niya actually may nakahanda na ngang regalo para sakanya. At sana magustuhan niya iyon.

Napahinga ako ng maluwag, anong ine-expect mo Sky?! "Y-yun ba? Oo nga.. oo tama mag b-birthday kana alam ko na yan e. Huwag kang mag alala pupunta ako." Natatawang saad ko.

"And I want you to wear this."

Kumunot ang noo ko ng ilahad sa akin nito ang isang paper bag na may laman. Hindi ako natuwa roon , bakit niya ako bibigyan ng ganyan? Ano bang nasa isip niya? Na Hindi ko afford ang mga pangmalakasan na damit? Na hindi ako makakabili ng mga mamahalin at magagandang suot?!

Naging seryoso ang tingin ko. "Bakit mo sakin binibigay yan?"

"Iniisip mo bang hindi ako mag susuot ng maayus na damit sa birthday mo?"

Minsan ko ng nakahalubilo ang mga kamag-anak ni Kairus at alam ko ang tingin nila sa akin. Oo mahirap lang kami pero hindi naman yata tamang ipaglantaran pa iyon.

"Anong tingin mo sakin Kairus? Hinuhuthutan ka ng pera, bibigyan mo ako ng mga ganyan para ipakita sa iba na kapantay mo ako, para ano kasi ayaw mong makita ako ng iba na ganito lang ako?" Saad ko habang pinipigilang maluha sa harapan nito, alam kong nabahala lumapit ito pero agad akong lumayo sakanya.

"Kaya ko namang bumili ng gamit e, may pera naman ako. At hindi ko kailangan ng pera mo, Oo ganito ang estado ng buhay ko pero mahalaga sa akin ang kung meron ako." Nanghihinang saad ko.

"Sky, mali ang iniisip mo." Bigla nalang naging maamo at kaawa awa ang mga mata nito.

"At ano? Katulad ng ginawa mo kay Eiro. Pinagmukha mo kaming mga walang pera? Pinagmukha mo kaming mababa..." Hindi ko na mapigilang mapagtaasan ito ng boses.

"Hindi ko kukunin yan, o baka nga hindi nalang ako pumunta!" Sigaw ko rito.

Naluluhang tinalikuran ko ito ng hind siya pinagbigyan ng pagkakataong makapag salita. Wala na akong pakialam pa, dahil iyon naman talaga ang punto niya e. Noon hinahayaan ko lang na ilibre niya ako sa mga simpleng bagay dahil wala akong magawa. Pero iba na kasi ngayun e, hindi ko maintindihan pero bakit kakaiba na yung pakiramdam ko.

Paano nalang kapag lumalim ito? Edi masasaktan lang din ako. Mas mabuti ng malaman niya kaagad na hindi ko intensyon ang perang meron siya at wala akong balak sa kayamanang meron siya, alam kong damit iyon at kahit simpleng bagay lang ikinagagalit ko na.




Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama. Wala akong ibang ginawa kundi ang iyakan ang unan ko wala akong pakialam kung masipunan ko pa man ang punda ng unan ko. Ako naman ang mag lalaba e, basta gusto ko lang ilabas ang puot na naramdaman ko sa ginawa niya.

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now