CHAPTER 69

72 4 0
                                    

"Stop crying..."

Napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang lalaking nakayakap sa akin na parang kanina pa akong tinatawag. Mahigpit ang yakap niya sa akin, hinarap niya ang mukha ko sakanya sabay pinunasan ang mga mata ko gamit ang kanyang mga daliri, kita ko ang kanyang pag-aalala.  Bumaling ang tingin ko sa kausap kong doctor pero wala na sila sa buong silid.

"A-anong nangyari Kai? Asaan na si Doc. Laporte?" tanong ko habang hinahanap ang doktor sa silid.

"Kaalis palang nila but what they did to you bakit parang nawala ka sa sarili mo?"

"N-nawala sa sarili?" nag tatakang tanong ko.

"Yeah, you called Tita many times while you're crying..."


Bigla na naman tuloy bumalik sa isipan ko iyong mga sinabi ng doktor.


"K-Kairus, ayukong m-mawala si Mama ayukong iwanan niya agad ako ng maaga... Kairus baka hindi ko kayanin, hindi ko kaya..." hindi ko na naman kayang pigilan at muling napaiyak, niyakap niya ako at halos mahigpit lang akong nakakapit sa kanyang damit.


"Shh... She will be alright, I know your Mom will fight for you hindi ka niya iiwan.. tahan na." kahit anong gawin ko ay patuloy parin sa pag buhos ang mga luha ko halos hindi na ako makapag salita ng maayos kaya tanging pag hikbi na lamang ang nagagawa ko.

Hinaplos niya ang aking buhok hanggang sa likod naramdaman ko din ang pag hinga niya ng mabigat. "It's hard to see you crying I can't help it, so please don't cry.." kaunting sandali akong sumulyap sa kanyang mga mata.

Mukhang namumula narin ang mga mata niya at handa ng dumaloy ang luha galing sa kanyang mga mata, malungkot ngunit may pag-asa parin sa kanyang mga mata na siyang ginagawa ko ring linawanag sa madilim kong parte. Kahit kailan ay hindi ko makitang lumuha si Kairus sa kahit ano pa man pero ngayun na nandito siya at kaharap ko ay naiiyak narin siya ng dahil sa akin.

"B-bakit ka umiiyak?" iniangat ko ang tingin sakanya, pilit na ngumiti ito sa akin.


"Kung ano ang nararamdaman mo ay nararamdaman korin, hindi ko kayang makita kang umiyak kaya gusto kitang samahang umiyak. hinawi niya naman ang mga tulo ng luha sa pisngi ko.


Sa mga salitang kanyang sinabi ay naramdaman ko ang pag gaan ng loob ko. Ganito pala talaga ang pakiramdam, ang pakiramdam na may taong makikiramay sa iyo sa lahat ng bagay. Hindi lang pala sakit ng ulo ang dala ng lalaking ito kundi siya ang taong nag bibigay ng pag-asa sa akin.

"Remember that your not alone with this fight may magagawa pa tayo, ipapaoperahan natin si Tita."


"P-pero.."

Hindi madali iyon, marami ang pag gagastusan ayukong umasa nalang sakanya. Ayukong maging kawawa sa harap ng mga magulang niya. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa sarili dahil mismong pang opera sa magulang ko ay hindi ko matugunan.


"We will find away, lahat ng problema ay may sulusyon kaya kapit lang tayo Sky."


Napasinghot ako ang mawala na ang pag iyak ko, tipid na ngumiti lang ako. Hindi ko man alam kung paano, wala man akong ideya kung saan ako kukuha ng paraan para maging ligtas si Mama naniniwala naman ako sakanya, na may sulosyon pa.



Nakailang araw narin bago naka ICU si Mama kailangan daw ng sapat na pera para tuluyang maoperahan si Mama hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hanggang ngayun ay patuloy parin ako sa pag iipon, hindi parin sapat. Nag bigay narin si Papa, ang pamilya ni Haxe at sila Xeon lahat ng mga kaibigan ko ay narito para damayan ako. Malaki ang pasasalamat ko pero hindi parin sapat ang perang nakuha ko. Kulang pa.




When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now