CHAPTER 61

88 5 0
                                    

Malakas ang musika sa paligid lahat ng tao ay nakatingin, pero sakanya lang ang atensyun ko.
Ang kanyang mga mata na puno ng kulay, ang mapupulang labi na malawak ang ngiti. Ang buong pag katao, kitang kita ko kung paano siya sa akin tumingin mas lalo akong nahuhulog.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko, wala na akong ibang nanaisin pa kundi siya lang talaga.

"S-sabi ko naman kasi sayo hindi ako marunong sumayaw." Saad ko sa lalaking malawak ang ngiti sa harap ko.

"Hayaan mo nalang na kontrolin ka ng paa mo." Sabi niya habang nakahawak sa bewang ko.

Wala na rin sa isip ko ang mga tao dahil siya lang ang nakikita ko. Iniisip ko na kami lang dalawa sa lugar na ito, yung walang mga matang nakatingin.

"Ayan medyo nakasabay kana." Masayang sabi niya at maingat naming sinusunod ang step ng sayaw.

"Thanks Kairus." Pasalamat ko rito hindi dahil sa natututo na akong sumayaw kundi dahil sa ginagawa niya, lahat ng mga ginawa niya sa akin.

Simula noong unang nakita ko siya hanggang sa naging malapit kami sa isa't isa kahit pa noon ay hindi maganda ang naging simula ng pag kakakilala namin sa isa't isa. Pero sobrang treasure sa akin ang pag dating niya, kung hindi ko kaya siya nabangga noon hindi kami magiging kalapit sa isa't isa ngayun?

"Thanks to you Sky." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, patuloy parin kami sa pag sayaw.

"Para saan?" Tanong ko, gusto ko lang talagang malaman ang dahilan dahil ang alam ko lang naman ay siya itong maraming nagawa para sa akin.

"For everything.. wala na akong ibang hinahangad na regalo dahil nandito kana.."

Pigilan ko mang ngumiti ay hindi ko magawa kusa na rin akong napangiti ng matamis. "Kahit pa Kai, may regalo parin ako.." kumunot ang noo nito.

Hinablot ko ang isang simpleng regalo at doon ko ipinakita iyon, isang simple couple bracelet para sa aming dalawa.

"Alam ko kasing lahat ng mga regalo ay nasayo na kaya heto nalang.." itinapat ko pa iyon sa mukha niya.

"Simple but I'll treasure it, thanks.." seryosong tugon nito.

"N-nagustuhan mo ba?" nahihiyang aniko.

Binigyan ako nito ng simpleng ngiti. "Of course, walang ibang mas maganda sa mga regalong natanggap ko kundi ito lang." At hinawakan nito ang kamay ko.



"Alam ko kasing naging importente sayo yung relong nabasag ko noon, kaya yan nalang pamalit."

"R-relo?" nag tatakang tanong niya.

Tumango ako. "Oo, yung nasira ko noong sabi mong babayaran ko.."

Natatawang natampal ang kanyang sariling bibig. "Naaalala mo parin yun? Sky, simula ng tinapon ko yun ay saka ka namang dumating sa akin.. maraming mga bagay ang bumalot sa isipan ko noon but when you came it's changed a lot because you change me.."


Napayuko ako pinipigilang mapangiti sakanya. Hindi narin mapigilan ang lakas ng pintig ng puso ko.

Humugot ito ng hangin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa mga palad ko. Kaunting nag kalapit ang aming mga mukha dahilan para malanghap namin ang sariling mga amoy, mabuti nalang talaga at niligo ko ang sarili ng perfume!



Isang hakbang nalang ng kanyang mga paa ay didikit na ang kanyang labi sa akin. Napalunok ako, dapat kasi pipikit ako sa mga ganitong scene e, kasi nga sa mga romantic drama na napapanood ko ay kapag nasa kissing scene na dapat pipikit, ganon diba?



When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now