CHAPTER 76

106 7 1
                                    

Bakas parin ang gulat sa aking mga mata, nakatingala ang aking mga mata sa kalangitan habang malalim parin ang iniisip. Hindi parin mawala wala ang boses na paulit ulit na pumapasok sa isip ko, ang boses ni Kairus. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil sa nagawa ko. Kaya pala iniba ni Haxe ang usapan dahil nanduon si Kairus, nag papasalamat parin naman ako kay Haxe.

Maya maya pa ay tumunog na naman ang ring ng phone ko, siniguro ko muna na hindi si Kairus iyon kundi si Haxe may bagong messages.

From ; Haxe babe

Sorry kanina, balak sana kitang kamustahin kaso baka hindi ka pa handang kausapin si Kai, tsaka Sky malapit na ang graduation. Balak natin?

Hindi ko rin alam kung anong balak ko, magulo parin ang lahat.

Me ;

Salamat Haxe, hayaan mo mag kikita pa naman tayo. Pero ngayun baka hindi pa.

Pag kareply ay agad na bumalik na ako sa kama para makapag pahinga na. Ayuko na munang i-stress ang sarili, gusto kong bawasan ang mga palaisipan sa utak ko.

Hanggang ngayun wala parin silang ideya, si Xeon lang talaga ang may alam. Mabuti nalang at ginawa niya ang sinabi ko, ngayun ay nandito na naman ulit siya. Hindi ko tuloy maiwasan na mahiya sakanya dahil madalas na ang pag bisita niya sa akin.

"Mukhang nag e-enjoy kana sa probinsya."

"Ah oo." Hindi ko naman talaga maiwasang mahiya sakanya, mukhang new haircut siya kaya mas luminaw ang mukha niya. Pati ang kakinisan ng balat ay lalong lumantad, nakasuot lang ito ng white polo at ang cardigan niyang brown short at white na sapatos.

"Akala ko bumalik ka ng manila?"

malayo ang tingin niya, mula sa pag lalakad namin sa buhangin. "Ah hindi pa, sa linggo pa ang balik namin ang bilis nga." aniya at nakasuksok naman ang mga palad niya sa tigkabilaang bulsa.

Tipid na ngumisi ako. "Ayus narin yun para hindi ka na namamalagi rito." Doon siya napatingin sa akin at mukhang naguluhan pa sa sinabi ko.

"Ayaw mo talagang nakikita ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Impit na natawa ako sa reaksyun niya. "Hindi naman. Sa dinami rami ba naman kasi ng mapag babakasyunan dito pa talaga." Saad ko at umiwas ng tingin.

"O baka natatakot kalang na baka sumunod si Kai rito?" sabi niya habang napapatango nalang.


Napairap ako. "Ewan ko sayo, huwag mong iiba ang usapan."

Ayuko din kasing makarinig na naman ulit ng balita tungkol sakanya. Lalo lang ako napang hihinaan ng loob.

"Pero Sky, aaminin ko nakailang tanong na sa akin si Kairus about sayo."

Napayuko siya at mas mukhang siya ang nahihirapan sa sitwasyung ito, hindi ko tuloy maiwasang maawa sakanya. Nadadamay narin ng dahil sa akin. "Hanggang kailan pa ba Sky? Hanggang kailan mo siya pag tataguan?" hindi ako makatingin at makasagot sakanya, blangko din ang isip ko sa tanong niya. Hanggang kailan pa kaya?


Humugot ako ng hangin, "Hindi ako nag tatago, dumidistansya lang."

Totoo naman kasi hindi ako nag tatago ng dahil lang sa ginawa ko. Dumidistansya at lumalayo para sa ikabubuti niya, isipin niya nalang siguro na ito ang nakasalalay para sa kinabukasan niya. Kung nasa tabi niya ako baka walang puntahan ang kinabukasan ni Kairus.

"Is it because of Ms. K? Sky, alam kong may ginawa siya saiyo ni Tita. Kung ano man yun pwede ka naming matulungan." mabilis na umiling ako.

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now