CHAPTER 17

164 15 1
                                    

Umagang kay pagod. Nakasalampak ako sa sofa namin habang kinikisap ang mga mata oo nga pala't linggo ng araw ngayon at mag sisimba kami. Tama mag sisimba kami ni Mama at syempre nag sisimba kaya ako pag araw ng linggo, gising nadin pala si Mama at nakikita ko na ang mukha niya na nagluluto ng almusal namin.

Nagtungo ako roon para masigurado kung ano ang niluluto nito. Lumapit pa ako sa tabi ni Mama at inamoy ang luto nitong sinangag na may halong mga tigslice na hotdog.

"Ang sarap naman po niyan Ma" puri ko dito pero mukhang tunganga lang ito na nakatitig pa sa kawali.

"Ma!" Pag ulit ko na ikinagulat nito.

"Ano ba Skyler nakita mo nang may niluluto ako!" Inis na sabi nito at napakamot nalang ako sa batok.

"Sorry naman kanina kapa kasi tunganga dyan Mama, may problema po ba?" Nag aalalang tanong ko.

"Wala pagod lang ito, maghanda kana at kakain na tayo" utos nito habang nilalapag ang mga pagkain.

Tumango naman ako saka naunang pumunta sa banyo para makapag linis na ng sarili. Pagkatapos ay dumiretso naman ako sa hapag ng tapos na si Mamang makakain at siya naman ang naligo.

"Mama pagkatapos mag simba punta naman tayo sa park" paki usap ko.

"Napaka laki mo na para sa park" halatang ayaw nito.

"Eh Mama sige na ngayon lang naman" pagpupumilit ko habang nag pout pa at nag puppy eyes.

"O sya sige na!" Napahinga tuloy ng malalim si Mama.

Napatalon talon naman ako sa saya ng pumayag ito. Ito naman ang araw na makakapag relax at enjoy ako gusto kong pagmasdan ang mga batang nag lalaro doon lalo na't pag nakikita silang masasaya ay lalong gumagaan ang pakiramdam ko.

Nag pangrus ako ng nasa harapan ko na ang malaking simbahan naupo kami roon ni Mama may katabi din kaming babae na humihikbi kaso baka mapansin na naman akong nakiki alam sa problema ng iba kaya hinayaan kona lang.

Marami ang nasermon ni Father at may mga aral pa. Dapat pala ay sinama ko dito si Kairus o kaya naman si Via at yung mga kasama niya para naman may matutunang aral at magbago na. Ipagdarasl kona lang sila na mamatay na. Charr! Sorry Father.

"Anak halika na" pag aya sa akin ni Mama.

"Mama kung papipiliin ka mas gusto niyo po bang bumalik si Papa at makita?" Biglang pag tanong ko habang parang batang ni nanamnam ang ice cream.


"Ano bang sinasabi mo tigilan mo nga ako, mauuna na ako sayo at mag luluto pa ako." Nauna na nga ito at hindi na pinansin pa ang tanong ko.

Bakit ba ang hirap kay Mama na sagutin ang mga tanong ko tungkol kay Papa. Kahapon ang sabi sa akin ni Kai na may mali sa mga sinabi ng babaeng iyon pero kailangan niya pa yun alamin. May kakaiba nga sa babae na yun at yung lalaki napakalakas ng impak ko doon hindi naman sa sinasabi kong siya na talaga ang Papa ko at inaalam pa yun ni Kairus.

Nag lalakad ako patungo sa park unang kita ko pa lang ang mga batang nag tatawanan at naglalaro naupo ako sa isang bench habang pinagmamasdan sila. Napangiti nalang ako sa nakikita napaka saya nila at syempre may mga magulang din na kasama at binabantayan sila.

Nabaling naman ang tingin ko sa isang batang lalaki na nag lalaro ng kanyang bola na mag isa sa may gilid. Kaya agad ko naman itong pinuntahan mukhang wala din ang magulang nito dahil wala namang nakatingin sa kanya.

"Hello bata!" Maligayang bati ko dito na ikinagulat nito pero napaka suplado din at inisnab naman ako.

"Ahmm.... Wala kabang Mama o Papa dito bakit mag isa kalang?" Tanong ko pero kagaya ng kanina ay iniwasan padin ako at patuloy padin sa pag dribble ng bola.

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now