CHAPTER 82

66 2 0
                                    

Hindi ko maiwasang mapasimangot ng makarating sa hotel na dinaluhan namin kung saan ang lugar ng birthday party mg kaibigan ni Tristan. Silang dalawa pinag tulungan ako para piliting sumama rito, kahit na hindi ko man kagustuhan ay napilitan. Tagal narin simula noong nag pupunta ako sa mga ganitong bonggang party at ang huling punta ko pa noon ay sa birthday ni Kairus.

Napailing iling ako dahil sa pag pasok ng lalaking iyon sa isipan ko. Nakaupo lang ako rito sa pabilog na couch habang nag-iisa, nakipag sayaw na kasi ang kaibigan ko roon dahil may kakilala siyang nandito din, inaya nila akong makisama sa iba pero tumanggi nalang ako dahil hindi ko naman talaga gusto sa lugar na ganito.

Nang dumaan ang waiter ay tinawag ko ito at humingi ng isang red wine. Masyadong mamahalin ang party na ito dahil halos sila ay naka ayus ang suot, ang sinuot ko lang ay isang simple elegant dress na hanggang tuhod lang ang haba, at syempre hindi papayag si Haxe na hindi ako aayusan sa mukha.

I was about to drink my glass when I heard the mcee introduce the birthday celebrant kaya duon natuon ang tingin ko. Malakas na nag sipalakpakan ang lahat sabay na kinantahan ito. Hindi ko na iyon pinag tuonan pa ng pansin at uminom nalang, tamang tama at masasarap ang inumin rito.

Maraming ganap na nangyayari sa lugar habang ako ay binabad ang sarili sa pag inom, iginala ko naman ang tingin ng makita na papunta si Tristan na may kasama, ito ang birthday celebrant na sa tingin ko ay kaibigan niya. Nakaakbay pa ang lalaki sa kapatid ko. Tristan smile when he saw me at mabilis na pumunta sa gawi ko habang nakasunod naman ang kaibigan nito.

"Sky, bakit dito kalang?"

"Hindi ayus lang, aantayin nalang kita para sabay na tayong umuwi." Sabi ko naman.

"Oh, so sweet sister." Napatingin ako sa nag salita at ganoon din si Tristan. Nakabukod nasiya at nasa tabi na ni Tristan.

Ngumiti ako sakanya para bumati, "Happy birthday, thanks for inviting us here specially my brother." ani ko at inilahad ang palad para makipag kamay, hindi niya iyon pinansin kundi ay niyakap ako nito.

Hindi ko inaasahan ang ginawa nito at nakaramdam ako ng pagkailang sa higpit ng pag kakayakap niya. Medyo naamoy ko na ang alcohol dahil kanina pa sigurong uminom. Ilang sandali pa ay kumalas na ako sa yakap niya, hindi naman kami close para gawin niya nalang iyon basta. Sa ginawa pa lang niya ay hindi ko na gustohan iyon.

"Sorry, I was just amazed that Tristan has a beautiful sister like you, how lucky he is." Pansin ko ang pag kagat labi nito na lalo kong ikinailang.

Halata ring hindi nagustuhan ng kapatid ko ang sinabi ng kaibigan niya dahil sa tono nito. Pinilit ko nalang na maging maayos sa mga oras na ito.

"If I have a sister like you, I'm sure I'll always take care of you." sabay kumindat pa ito.

Pansin ko ang tingin nito sa akin na lalong nag pailang sa akin. Hindi ako komportable sa sinabi niya, kung ganoon siya sa iba ay huwag sa akin. Dahil sa mga mata niya palang at sa paraan ng pag titig niya ay baka may masuntok na ako rito.

"Stop that Lance, you make Sky uncomfortable." naningkit ang mga mata ni Tristan at inilayo sa akin ng kaunti.

Alam niyang hindi ko nagugustuhan ang mga pinag sasabi ng kaibigan niya kaya dapat na ilayo niya ito sa akin. Medyo tinamaan narin ako ng alak kaya hindi ko rin alam kung ano ang magagawa ko. I am not into trouble pero sa pag kakataon na ganito ay baka hindi na ako makapag pigil, hindi lang din babae ang pinapatulan ko sa sampalan, kahit mapalalaki din yan.

"Chill Tristan, wala namang masama sa ginagawa ko."

"Wala pa." malamig ngunit may kung ano sa tono ng kapatid ko.

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now