CHAPTER 54

94 6 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako rito, babalikan ko na sana sila Xeon roon para pakinggan ang pag-uusapan nila ng biglang tawagin ako ni Via. Hindi ko narin tuloy narinig ang pinag-usapan nila pero mas mabuti na rin iyon dahil mali ang makinig sa usapan ng iba.


Paano ba naman kasi kapag dinaluyan ka ng kuryusidad diba, e hindi ko naman mapigilan.


"Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa mo Via." Saad ko.

Magkaharap lang kaming dalawa rito sa labas ng room, wala pa naman sigurong mga sub-teacher dahil may mga studyante pa sa labas kaya dito na rin kami nag-usap ni Via.


"Hah, alin? Sa pagtawag ko ba sayo kanina lang?" Kunot noong tanong nito.


"Hindi yun, ang tinutukoy ko ay ang nangyari nung nakaraan. Diba sabi mo may problema ka bakit lahat ng yun ay parang plano niyo lang."


Tinutukoy ko kasi yung nakaraan sa building, hindi pwedeng hindi niya ipaliwanag iyon. Mali naman ang ginawa nilang pag prank sa akin at hanggang ngayun naiinis parin ako.



Kairus kasi...!


Tumawa ito. "Yun ba, hehe. Eh pasalamat ka nga dahil kung hindi sa akin hindi kayo mag kakaaminan. Actually sa akin dapat yang si Kai e, inagaw mo lang. Hmpt!" Sabay irap. Wow, namang babaeng toh! Payakap nga.. sa leeg.




Kaylangan ko na namang mag timpi. "Huwag mong ibahin ang usapan, gusto kong malaman bakit mo nagawa iyon?!"




Sumeryoso ito sabay buga ng hangin. "Oo na. Plano lang lahat ng yun, si Kairus ang may pakana tumulong lang ako."


Sinasabi ko na nga ba, alam kong hindi mangyayari iyon kung hindi dahil kay Kairus at isa pa si Via, hihingi ng tulong sa akin? Hello... Kahit nga siguro ako nalang ang nag iisang pwedeng kaibiginin e, baka lumiko pa siya para lang hindi ako maging kaibigan!


"Halata nga pero paano yung sakal sayo?"

May pag-aalala pa naman ako kay Via at yung sakal sa leeg kahit gusto kong gawin sakanya yun hindi ko naman magagawa.

"Ito ba?..turo nito sa leeg. "Totoo naman talagang may sumakal sa akin, boyfriend ko nga lang I mean ex boyfriend ko na." Sambit nito ng may pag kakadiin sa 'boyfriend'.


"Back then naging toxic na ang pag sasama naming dalawa, kinausap ko siya that I want to breakup with him pero ayaw niya. Nagpumilit naman ako kaya ito ang natamo ko, actually he always did it to me." Pag papatuloy nito.



Sumalubong naman ang dalawa kong kilay. "Ano?! So hindi ang Daddy mo. Kung ganoon Daddy mo nga hindi ka pinag bubuhatan ng kamay tapos boyfriend mo may gawa?!"


"Exactly. Nasa night club kasi kami noon sakto namang nanduon si Kairus so nilapitan niya kami. Tinulungan niya akong makaalis sa hawak ng ex boyfriend ko, nag-away sila hindi ko inakalang ang galing pala makipag laban niyang si Kai." Dadgdag pa nito.


Grabe naman pala ang sinapit ni Via hindi ko alam na ang isang matapang at walang inuurungan na Via ay may katapat din pala pero mali nga lang ang ginawa ng ex boyfriend niya. Kahit ako mapupuno din sa ganoong karelasyon. Nakaksuka na...



"Tapos, doon ako nag pasalamat sakanya pero may kapalit iyon."



"Sinabi niya sa akin ang plano. At yun na nga, noong una ayuko kasi I hate helping people pero dahil kay Kairus mali ako. Ang gaan pala sa pakiramdam ng tumutulong..."

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now