CHAPTER 22

128 13 0
                                    

Late date?

Kring... Kring... Kring...

Maingay na tunog ng alarm na nasa study table ko lang naman.
Ikinisap kisap ko ang aking mga mata mula sa maliit kong higaan.
Medyo maingay na din sa labas at kahit ang araw napaka silaw na.

Nag pa ikot ikot pa ako sa kama ko dahil sa tinatamad pa akong bumangon. Itinigil ko na din ang maingay na alarma.

Ng mawala na ang antok ay agad naman na akong bumangon. Ng tignan ko ang cellphone ko ay tadtad na naman ng mga tawag at text ang phone ko kaya tinignan ko nalang ito.

From Kumag ;

We're the hell are you now? I'll pick you up....

Bakit parang galit ka? Maaga pa naman ah!..

From Haxe ;

Hindi kaba papasok ngayon, may problema ba?

Marami lang akong iniisip pero hindi ko alam kung problema ba yung hindi ko padin naoopen kay Mama ang tungkol kay Papa?

From Xe ;

May sakit kaba? Pupuntahan kita..

Ayy ang sweet....

Yun lang naman ang mga text message ng mga kaibigan ko. Pero bakit ba ang OA nila?
Para saan naman ang concern nila?

Ng tignan ko ang wallpaper ko ay medyo nagulat pa ako sa nakita ko!!

10;35 Am na....

Agad akong bumangon ng tuluyan at nag ayus ng sarili. Pero paano pa, kung late na naman na ako wala na akong magagawa kundi ang mag tanga dito. Pag baba ko ay may nakahanda na ng pagkain doon.
Bakit ba kasi hindi ako ginising ni Mama!

Napasabunot nalang ako sa ulo ng wala nalang magagawa.

"Bumabawi kaba?"

"Palakang pangit!"

Gulat ko na lamang ng kaharap ko si Kairus ngayon naka pang uniporme pa ito pero anong ginagawa niya rito?

"Anong bawi ba ang sinasabi mo?"

" Kasi hindi ako pumasok ng tatlong araw kaya gumagaya ka din."

"Anong karapatan ko naman para gumaya sayo hah?" Taas kilay na sagot ko.

"By the way, Kaya kaba late na nagising dahil nag iyakan na kayo ng Mama mo?" Pag iba nito.

"Hindi." Tipid kong sagot at dumiretso sa kusina.

Hinayaan nalang ako ni Kairus na makakain ng payapa at naroon lang siya sa sofa nanonood pa ng palabas sa tv.

"B-bakit kaba narito?" Muli konb tanong habang nag sisipilyo.

"Wala. Akala ko kasi may problema na at hindi kapa talaga sumasagot sa mga text and calls ko." Kahit naroon siya ay alam kong inis na naman ang pagkakasabi nito.

Kahit kaylan talaga... 'di na nag bago!!

"Required bang sagutin ko pa ang mga tawag at text mo."

"Yes because it's my command being your president."

Aba lakas ng tama ng kumag na 'toh!

Daming alam talaga wala namang konek dun sa pagiging prisedinte niya sa school at sa mga tawag at text niya. Tss..

"Bumalik kana nga lang sa School."

When The Skies Are Fallen (COMPLETED)Where stories live. Discover now