Chapter 20

16 3 0
                                    

Chapter 20

Kinabukasan naging busy ako sa pagtuturo sa mga aspiring models namin. Buong araw akong nagturo sa kanila kasi tatlong batch 'yon kaya nang sumunod na araw ay tanghali na ako nagising. Mabuti na lang, wala akong masyadong ganap ngayong araw. Kailangan ko lang munang magpakita kay Tita Roce. Sabi niya noong welcome party ay huwag ko na siyang tawagin na Ma'am kaya sinasanay ko na ang sarili ko na tawagin siyang Tita. She's busy yesterday kaya hindi niya ako napuntahan habang nagtuturo ako. But Guia told me kaninang umaga na maghanda ako dahil may susundo sa akin.

May mga nagpapicture pa sa akin habang naghihintay ako sa lobby ng hotel. Lantad na lantad kasi ang mukha ko dahil hindi ako makahinga ng maayos kapag may suot na mask. I'm only wearing a denim short and a simple white crop top. Hiniram ko lang rin ang crocs na binili ni Guia. Napaka init kasi sa Pilipinas and besides sabi ni Tita Roce ay kahit ano raw ang suotin ko. Sa bahay lang naman niya kami pupunta.

"Let's go," I was surprised to see Riki, Gab's ex-boyfriend. He's wearing a tuxedo. Formal na formal. Sobrang intimidating pa rin talaga niyang tingnan. He looked taller than the last time I saw him. "Stop staring at me. Hindi ako pumapatol sa babae."

Hindi ko napigilang mapatawa pero kaagad ko ring pinigilan nang samaan niya ako ng tinggin. Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. He has his personal driver. I mean hot personal driver. Magkatabi silang dalawa sa unahan habang ako ay nasa backseat.

"How are you na Riki? Ngayon na lang ulit kita nakita ah. May boyfriend ka na ba ulit?" Hindi ko mapigilang magtanong. Gusto kong malaman para may maikwento ako kay Gab kapag nagkita kami.

"None of your business."

"Sungit pa rin." Napangiwi na lang bago ibinaling sa driver niya ang tinggin. "Ikaw, Mr. Driver, do you have a girlfriend?"

Pilit siyang ngumiti sa akin bago umiling.

"I guess pwede kitang ireto sa friend ko. Her name is Kai. I think bagay kayo but she's in New York pwedeng-"

"Pwedeng huwag mo siyang guluhin. He's busy driving." Inirapan ko na lang ulit si Riki bago ako nanahimik. Buong byahe ay nag-cellphone na lang ako.

Sa katabing mansion nila ako bumaba. Ako lang dahil sa kabila raw siya nakatira at kaya ko na raw ang sarili ko. Pangit talaga ng ugali noon. Mabuti na lang pinagbuksan agad ako nang guard nang mag-door bell ako. May isang maid din ang nagdala sa akin sa garden kung saan naghihintay si Tita Roce.

"Shan!" Kumaway siya nang makita ako. May malaking kubo sa gitna ng garden at nandoon siya kasama ng iba pang maids. "I'm glad you're already here."

Bumeso ako sa kanya nang tuluyan akong makalapit. "Ang dami pong foods ah."

"Don't worry they are all healthy foods. You won't gain too much weight. Madali mo lang mababawi, kapag nag-gym ka. Have a sit."

Masyadong malaki ang table para sa aming dalawa. Pati ang mga pagkain ay alam kong hindi namin mauubos pareho. Umupo ako kagaya ng sabi niya and she did the same. Tumabi siya sa akin.

"I'm super thankful talaga sa 'yo, Shan. You did a lot for me kaya nga gusto ko sanang bumawi sa 'yo." Sabi niya habang ipinagsasandok ako ng pagkain. Tita is already in her mid 60's but she looks younger than her age. She's a former miss universe candidate. Matapang talaga siya kapag nasa trabaho. But she's actually super sweet lalo na sa akin. Marami akong naririnig before na may favoritism daw si Tita Roce and hindi ko naman maitatanggi 'yon.

"Ako po dapat ang magpasalamat sa inyo, Tita. Kung hindi po dahil sa inyo, wala po ako ng kung ano man ang meron ako. Habangbuhay ko pong tatanawin na malaking utang na loob ang lahat-lahat ng tulong ninyo sa aming magkakapatid." Hindi ko napigilang pangiliran ng luha. I'm just happy na nakilala ko si Tita Roce.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now