CHAPTER 1

22 1 0
                                    

"You were born to be real, not to be perfect."

-Min Yoongi

***
Chapter 1

Third Person's POV

"Hello world!" Sigaw ng isang dalaga pagkalabas nila ng bus.

"Manahimik ka nga bes. Nakakahiya oh ang daming nakatingin sayo isama mo na ako sa laki kong babae." Saway sakanya ng kaibigan nya.

Shanel Blair Luna. Isang maganda, mabait at matalinong dalaga ngunit may isa syang kapintasan na nagiging dahilan ng pambubully sakanya ng mga tao. Ang kanyang katawan. Sobrang taba nya sa paningin ng mga tao pero ang totoo ay hindi naman ito gaanong mataba. Malaman lang.

"Ano ka ba? Nagagandahan lang sila nyan." Natatawa nitong sagot sa kaibigan.

Shanel's POV
Nakarating na kami dito sa Manila at talagang nakakahiya ang kakulitan at pagkabungangera ng kaibigan ko.

"Teka sabi ni mudra may susundo daw sating taxi. Sosyalin talaga yun." Tumango na lang ako para tumigil na sa kakadaldal. Ingay eh.

Shanel Blair Luna nga pala, 18 taga Ilocos. Wag na kayo magtanong syempre alam ko mag ilocano pero kunti lang kase hindi naman ako talaga taga dun.

"Uy ayun p*t*k na yan bakit ang pangit ko dyan?!" Napatingin ako sa tinuro nya. Pfft! Grabe naman si tita may tarpaulin ba namang dala si manong driver.

'Welcome Shanel and Isay!' insert mukha naming napakaepic. Stolen yata namin ito noong nag birthday si Isay.

Sa picture nakaupo lang ako kita pa yung bilbil ko tapos si Isay nakanganga at sumusubo ng pansit. Ibang klase si tita yan pa talaga nilagay nya. Natatawa na lang ang mga nakakakita sa tarp kahit si manong driver. Kaya pala ganyan reaction ng babaita ay pangit pala talaga ang kuha.

"Hayaan mo na tara na. Gusto ko na magpahinga." Nauna na ako sa taxi habang si Isay nagpapadyak pa habang nakasunod sakin.

"Manong pakibaba na yan andito na kami. Nakakahiya yung mukha ko." Nagpipigil na lang ako ng tawa ayokong mapalo na naman. Sadista isang yan eh.

Siguradong mamaya ay tatawag yan kay tita para magreklamo. Spoiled yan nag-iisang babae sa pamilya nila kaya ganyan. Kilala ang pamilya nila samin dahil syempre mayor ang ama.

Walang imikan kami sa loob ng taxi mukhang badtrip si Isay. Ganyan sya kapag nasira ang mood nya hindi nagsasalita. Mas pabor sakin yun dahil payapa ang paligid walang maingay.

To be continued...

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon