CHAPTER 13

31 1 0
                                    

Isay's POV
Nakapagluto na ako at nakaligo na. Ready na ako for school pero itong kasama ko hindi pa rin bumabangon kanina ko pa ginigising.

"Huy bes ano ba gising na malelate na tayo!" Sigaw ko mula dito sa kusina. Naghahain na kase ako.

"Mauna ka na lang." Parang nahihirapan syang magsalita. Anyare dun? Mapuntahan nga.

"Uy bes anyayare sayo?" Natatarantang tanong ko sakanya nang makita ko syang nanginginig sa lamig eh hindi naman kami naka Aircon o kahit electric fan man lang.

"Bes... Huy ang init mo teka." Ang init nya. Hindi ko alam gagawin ko sa may lagnat.

"Pumasok ka na sa school. Kaya ko na." Hindi ko sya pinansin at naghanap ako ng gamot sa may medicine kit namin.

"Inom ka ng gamot." Inabot ko yung gamot sakanya.

"Iinom ako eh asan ang tubig?" Ay oo nga.

Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Hindi ko alam pano magalaga ng may lagnat ano. Eh si mudra kase hospital agad kapag may lagnat ako eh.

"Teka tatawag ako kay dean---" naputol yung sasabihin ko nang magsalita sya.

"Pumasok ka na itutulog ko na lang ito nakainom na rin naman ako ng gamot." Bumalik sya sa paghiga nang matapos nyang inumin ang gamot nya.

"Sure ka ba? Kase kung hindi, dito lang ako." Umupo pa ako sa tabi nya.

"Sure ako." Sabi nya.

Wala na akong nagawa at umalis na lang pero may napansin akong van sa tapat ng apartment. Hindi ko na lang pinansin dahil late na ako sa first class. 8:05 na kase. Nagtricycle na lang din ako para mabilis kase kung maglalakad pa ako baka hindi na ako umabot.

"Manong thank you etu po keep the change." Sabi ko sabay takbo. 50 lang naman yun at may 10 pesos na sukli pero hayaan na.

Tumakbo ako hanggang sa room namin.

"Ma'am sorry I'm late." Walang ano anong binuksan ko ang pinto ng room. Nadatnan kong nagdidiscuss na si ma'am.

"Why are you late miss Park?" Napayuko ako.

"Si Shanel po kase may lagnat, ma'am." Sagot ko

"Sige you may take your sit. Ieexcuse ko na lang si miss Luna ngayon." Buti na lang mabait si ma'am. Kaclose ito ni bes eh dahil lagi si ma'am sa may library at minsan tumatambay si bes ng di ko alam sa library.

Nagpatuloy sa discussion si ma'am pero nagulat kami nang biglang may sumigaw Mula sa labas. Sigaw ba o tili yun? Dko alam basta.

***
Author's note

Thank you for supporting OWMP!! And thank you so much RM of BTS sa pag live nagkaroon ako ng inspiration para sa ud ko today.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon