CHAPTER 7

29 2 0
                                    

Shanel's POV
Nagulat ako sa ginawa ng b*stos na lalaking ito. Mukhang lasing pa yata.

*Blag*
"Oh my ghad! Stop him!" Mas nagulat ako nang may magbalibag sa lalaking nangh*po sakin.

Hindi ako makagalaw sa nakikita ko. Hawak nya ang buhok ng lalaki habang may kung anong sinasabing hindi ko marinig dahil sa lakas ng tugtog dito sa loob ng bar. Nangbitawan nya ang lalaki ay dinaluhan ito ng mga kasama nya.

"Uy Teka! Sino ka ba bat ka ba nanghihila?! Huy may work pa ako sa loob ano ba?!" Pilit akong kumakawala sa hawak nya. Aba eh hilahin ba naman ako palabas.

Hindi nya ako pinapansin at hinihila pa rin ako. Ramdam ko ang panggigigil nya dahil sa sakit ng pagkakahawak nya sa wrist ko.

"Ano ba? Huy kapre! Bitawan mo nga ako! Aray!" Napasigaw ako sa sakit nang mas idiin nya ang pagkakahawak nya sakin. Feeling ko magkakapasa iyon eh kahit naman makapal ang taba sa kamay ko magkakapasa pa rin yun.

"F*ck! I'm sorry." Nagulat ako nang tumigil sya tsaka biglang humarap sakin. Nauntog pa ako sa dibdib nya masakit kaya sa ilong.

"Bakit ka ba kase nanghihila?!" Inis kong sabi.

Hindi sya umimik at nagtungo sa loob ng isang magarang kotse. Nasa parking lot na pala kami hindi ko namalayan sa kakareklamo ko. May kinuha syang kung ano sa loob ng sasakyang iyon tsaka bumalik sakin.

"Teka anong gagawin mo dyan?" May dala syang alcohol at wipes. Ano ba gagawin nya dyan? Baliw yata ito eh.

"Talikod!" Sa gulat ko ay napatalikod ako ng wala sa wisyo.

"Huy huy huy! Anong ginagawa mo? M*nyak ka din eh." Napalayo ako sakanya nang maramdaman ko yung wipes na pinahid nya sa legs ko.

"I just want to take the b*st*rd's germs away from you. Hinawakan ka nya! He f*ck*n' touch your legs! Bakit ka ba kase nakasuot nyan?!" Ay wow lo ikaw ba yan? Makasermon kala mo kilala ako.

"Makasermon ka ah hindi naman kita kilala. Balik na ko sa loob hmp!" Maglalakad na sana ako nang bigla nya ulit akong hilahin at sapilitang pinatalikod.

Oh wag green minded!

"I'll clean you bago ka bumalik sa trabaho mo." At talagang tinuloy ang pagpupunas ng wipes sa legs ko. Binuhusan pa ng alcohol. Para naman akong kitikiti sa sobrang kulit at talagang iniiwasan ko yung pagpupunas nya.

"Ang laswa ng sinabi mo m*nyak!" Sigaw ko habang iniiwas ang legs ko sakanya. Hindi ako makawala sa hawak nya eh.

"Ang sweet nyo naman boss." Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking matangkad din.

"Go lang bes para may lovelife ka na." Aish andito na pala ang kaibigan ko at talagang magkasama sila ng lalaking ito na mukhang m*nyak din.

"Shut up, Howard!" Sigaw nito na mukhang tapos na sa ginagawa nya at binitiwan na ako.

Mabilis akong naglakad papunta sa tabi ni Isay na ngayon ay parang kinikilig pa sa nakikita samin. Pano ko ba kase naging kaibigan ito eh parang binub*gaw pa ako.

"Hahaha! Naku boss alam ko galawang yan. Nananantsing ka lang eh." Tama Tama! Yan nga ginagawa nya kaya Sige asarin mo pa.

"You should not wear that skirt again." Binelatan ko nga.

"Ayoko nga!" Nakipagtitigan pa sya sakin pero sumuko din hahaha!

"Then I'll be here every night para bantayan ka." Ano ba talagang gusto nitong mangyari sa buhay nya?

"Huy m*nyak! Sino ka ba? At ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo at kung makapagsalita ka para kang si lolo?" Lumapit pa ako sakanya habang dinuduro duro sya.

"I'm Dark Tristan Lynch and I'm not your lolo. I'm your future husband always remember that." Hindi ko inaasahan ang sagot nya

"Nyenye! Umalis na nga kayo... Tara na Isay baka hindi ko matantsa yang lalaking yan." Nauna na akong naglakad papasok sa loob para ituloy ang trabaho namin.

Payapa na din sa loob at balik sa dati. Kaya bumalik na din kami sa trabaho. Buti at di na sumunod ang dalawang lalaking yun. Napakapossessive masyado kala mo jowa ko. Tsaka future husband daw? Baka future pet.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon