CHAPTER 11

12 1 0
                                    

Shanel's POV
Naglalakad na ako pauwi galing school. Dadaan muna ako dun bago ako pumunta sa trabaho. Mag-isa lang din ako kase nauna na sa work si Isay. Kailangan ko kasing kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo ko. May stock naman ako dun eh. Dagdag gastus pa kapag bumili ako.

"Uy ganda natin ngayon Shanel ah." Napalingon ako nang may magsalita.

"Ang aga nyo namang maginuman, Mang Kanor." Tumawa sila sa sinabi ko. Sa mga nagdaang araw na dito kami naglalakad ni Isay papuntang school ay naging mabait sila samin.

"Chix na sana tabachoy lang." Napatingin ako dun sa kasama nilang bago yatang kainuman nila.

"Wag mong ginaganyan yan Chris." Saway ng mga kasama ni Mang Kanor sa binatang kasama nila. Mukhang tambay naman.

"Ah Sige Mang Kanor kailangan ko pa po pumunta sa work dadaan lang ako sa bahay." Paalam ko tsaka naglakad na ulit.

Mababait naman sila kahit mga nagiinuman sa kanto. May mga anak kasing babae kaya. Hindi naman ako nagtagal sa apartment at nagpunta agad ako sa trabaho.

"Ah Shanel dun ka na muna sa kusina. Wala pa namang masyadong costumer eh." Tumango ako. Nadatnan ko kase silang nagkwekwentuhan sa labas.

"Good evening chef!" Bati ko kay chef na nagluluto pa lang ngayon.

"Andyan ka na pala. Halika tulungan mo ako dito." May hinahalo syang pagkain.

"Ano gagawin chef?" Tanong ko.

"Ah pakihiwa naman yung mga carrots oh." Tumango ako tsaka nagtungo sa lagayan ng apron at nagsuot nun.

Naghiwa hiwa ako lahat ng mga sinabi ni chef sinunod ko. Andami nga naming niluto dahil ayaw na akong palabasin ni boss ay kay chef na lang ako nangulit at tumambay. Ayus naman dahil hindi naman kulang sa tao. Pinagpalit yata pwesto namin ng assistant ni Chef.

"Shanel, Isay alis na ako. Tulungan nyo sila Chef dito ha. May kailangan lang akong asikasuhin." Tumango kami ni Isay.

Bago umalis si Boss ay sinabi muna nya kung anong gagawin namin at kung sino mga vip ngayon. Hindi naman kami nagreklamo sa dami dahil mas madaming vip, mas madaming tip ganun.

Gusto ko na talagang umuwi pero madami pang gagawin.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon