CHAPTER 9

11 1 0
                                    

Shanel's POV
"Ms. Shanel Blair Luna please proceed to the dean's office. I repeat, Ms. Shanel Blair Luna please proceed to the dean's office. Thank you." Nagulat kami sa biglang pagbukas ng speaker at may nagsalita.

"T-teka wala akong kasalanan." Bat ako pinapatawag?

"Ay bes Ikaw lang pinatawag dapat ako din para bonding tayo sa detention room hehehe." I glared at Isay nang sabihin nya yun. Hindi kami pwedeng madetention.

"Gusto mo talagang madetention ano? Ikaw na lang pumunta." Asar ko pero umayaw din hays ano kaya kasalanan ko?

"Ms. Luna you're excused." Sabi ni ma'am kaya tumayo na ako para pumunta sa DO.

Buti na lang walang students sa hallway dahil may klase pa. Ayokong mabully na naman baka ako pa maging mali kapag pinatulan ko. Hindi naman ako nagtagal sa paglalakad dahil malapit lang naman sa room ang dean's office.

*Tok-tok-tok*
"come in!" Sigaw mula sa loob kaya pumasok na ako.

"Oh Ms. Luna andito ka na pala. I called you here para---" dean

"Detention po ba?" Putol ko sa sinasabi nya na ikinatawa nya.

"No. Gusto ko lang sabihin sayo na tatanggalin namin ang scholarship mo..." Teka yung scholarship ko?

"Teka lang po wala naman po akong ginawang mali para tanggalin ang scholarship ko, dean." Reklamo ko.

"Oh no ija. Wala kang kasalanan. May gusto lang bigyan ka ng ibang scholarship. Hindi ka na under sa scholarship program ng school after you sign this." May nilapag sya sa harapan ko na isang folder.

"Sino naman po gustong maging scholar ako?" Kakamot kamot ako sa ulo ko saa sinabi nya.

"Ako. Bakit?" Napalingon ako sa bagong dating.

Anong ginagawa ng m*nyak na ito dito? Teka sya ang sasagot sa scholarship ko?

"Problema mong lalaki ka at natritripan mo talagang guluhin buhay ko?" Tinuturo turo ko sya at talagang nakangisi pa ang luko.

"Just sign it." Umiling ako.

"Ayoko." Sabi ko

"Sign it or mawawalan ka ng scholarship? Diba tita?" Aish iblackmail ba naman ako?

"Dean wag kayo magpapaniwala dito sa lalaking ito." Humarap ako kay dean.

"Ija totoo ang sinasabi nya. Kailangan din kase naming magtanggal ng scholars. Nagshort kase ang allowance for scholars." Seryoso ba sya? Sa yaman ba naman ng school na ito talagang magkakashort pa?

"Seryoso po?" Paninigurado ko na ikinatango ni dean.

"So will you sign it or bye scholarship?" Napalingon ako sa lalaking ito na ewan ko kung nananadya ba sya. Kung makangisi para ano.

"Ito na nga peperma na. Di ka makahintay?" Pumerma ako ng hindi ko binabasa yung pinirmahan ko. Basta for scholarship alam ko dun.

"Good. You can go now." Inirapan ko sya bago humarap kay dean.

"Wala na po bang ibang gusto maging scholar ako? Gagawin kong sugar daddy---" biro ko

"SHANEL BLAIR!" sigaw ng nasa likod ko kaya natawa ako.

"Pikon! Hmp!" Umalis ako dun at bumalik sa room.

"Ano sinabi ni dean?" Naku Isay mamaya mo ako tanongin baka magulat ka sa nangyari.

"Nilipat scholarship ko." Inis kong sagot.

"Ha?! Seryoso?" Tumango lang ako. Kita nyo na

"At sa lalaking m*nyak pa na yun nilipat." Tumawa sya at ang nakakainis pa may kasamang palo.

Alam nyo yung mas masakit? Yung may kasamang kurot ang palo nya sakin. Argh kainis talaga lalaking yun.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon