CHAPTER 5

15 2 0
                                    

Shanel's POV

"Nakakastress sa bangs ko ang mga taong yun. Para naman silang sunog na lechon. Makabilbil yung isa eh kita din naman bilbil nya. Gigil si ako." Gigil na gigil na sabi nya.

Hindi talaga sya makaget over sa nangyari kaya hanggang makarating kami sa room na nahirapan pa kaming hanapin ay talagang yun ang topic nya.

"Good morning class!" Napatakbo kami sa bakanteng upuan nang may magsalita sa likuran namin.

"Good morning ma'am." Bati namin.

"Do you know what's our lesson for today?... Syempre hindi hahaha! Anyways our lesson for today is basics in precal. Dahil freshman pa lang kayo ay recall muna." Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni ma'am.

Yes hindi pa ang main topics dahil may kahinaan ako sa math pero ang tapang kong mag engineering. Hindi ko nga alam pano ako nakapasa sa scholarship nito eh. Nagstart na ang klase at halatang focus na focus ang mga kaklase namin.

Hays sana walang pumuntang kaklase namin sa bar. Baka kung anong isipin nila samin.

Dark's POV
Papunta kami ngayon sa school na pagaari nila Ash. May inutos sakanya ang mom nya kaya kailangan naming idaan iyon bago dumeretso sa company.

"Gusto mo sumama dark?" Wala namang mangyayari kung sasama ako kaya tumango ako.

Lumabas kami ng sasakyan at pumasok sa building ng school nila. Madaming students ngayon sa hallway dahil lunch na. Madaming tumitingin samin tsk iingay nila.

*Bogsh*
"Ano ba! Ang laki laki kase ng katawan mo!" Napalingon kami nang biglang may sumigaw.

"Pasensya na." Nakita ko ang babaeng hindi maalis sa isip ko mula nang makita ko sya. Napangiti ako nang magpout sya. She's cute. Lumulubo ang pisngi nya.

"Matunaw yan boss baka hindi maging kayo." I glared at Ash nang sabihin nya yun. Kailangan kong makagawa ng paraan para mapalapit sakanya.

"Let's go. I need to plan kung paano sya mapapalapit sakin." Nauna na akong naglakad. Kahit gusto ko pang panoorin ang babaeng iyon ay kailangan din naming bilisan dahil may mga meetings pa kami.

"Sows nagtitiis. Don't worry boss tatanongin natin si mom para sa lovelife mo hahaha!" Hindi ko sya pinansin at binilisan ko pa paglalakad dahil ayoko sa mga tingin ng students sakin.

*Tok-tok-tok*
"Come in!" Kaya pumasok na ako at bumungad sakin si tita Jane na may mga pinepermahang papers.

"Oh andito na pala kayo." Tumango ako at saktong pumasok si Ash.

"Mom ito na pala pinapadala nyo. Sana ang butler na lang natin inutusan mo." Lumapit ako sa table ni tita habang nagrereklamo si Ash sakanya.

Hmm... Shanel Blair Luna. That's her name huh? Bagay sakanya maganda. She's just 18 pero ayus lang wala akong pake sa age nya.

"Nawiwili ka sa mukha ng estudyante ko Dark ah." Napalingon ako kay tita nang tawagin ako.

"Ay nababaliw na yan mom. Kahapon pa nya hinahanap yung babaeng... Teka sinong student ba yan?" Tinignan nya ang enrollment form. "Ah kaya pala parang may stiff neck na naman si boss." Hindi ko sya pinansin at patuloy na tinignan ang form ni Shanel.

"Tita pwedeng makakuha ng info about her?" Tanong ko.

"Confidential dark eh hindi pwede. But I can make you meet her." Napatingin ako sakanya nang sabihin nya yun. Really? She can do that?

"Ay parang nabuhay ang kaluluwa ni dark sa sinabi mo mom. Hahaha! You're so wh*pped man!" Hindi ko pinansin ang pangaasar ni Ash. I don't even care kahit maging under pa ako sa babaeng iyon. Hindi ko alam anong nangyayari sakin pero iyon ang nararamdaman ko. Corny!

"Sige na. Inaasar mo na naman itong kaibigan mo Ash naku! Don't worry Dark ako bahala sayo." Tumango ako.

Umalis kami sa school na yun na payapa. Walang mga students sa hallway na haharang harang baka makabunot pa ako ng b*ril kapag nagkataon.

I can't wait to see you, Shanel.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon