CHAPTER 12

9 0 0
                                    

Shanel's POV
Nakauwi na kami sa apartment at nakakain na din kami. Madami kaseng hindi naubos na pulutan sa bar kaya inuwi na namin para ulamin. Sarap nga eh hahaha!

"Beeees!! Live si RM tara nood tayo." Aish tutulog na eh ano ba yan.

"Tara nood tayo handa mo na translation." Bumangon na ako para makapanood ng live ni RM sa weverse.

Opo, tama kayo ng hinala. Isa po akong army at nagfafangirling kami ni Isay. Wag na lang kayo maingay dahil start na ang live.

"Kyaaah! RM! We missed you." Isay started crying kala mo naman makikita ni RM.

Bias kase ni Isay si RM at sakin naman ay si Suga. Sabi nila kung anong ugali ng bias mo ay ganun din daw sayo. Napatunayan ko namang tama sila dahil kaugali ko nga si Suga. Cold outside pero softy naman inside. Suga's really cold kapag nakikita mo sya pero sa mga BTS brothers nya sobrang sweet nya.

"Manahimik ka hindi nagana yung translator natin sa kaingayan mo." Suway ko kay Isay dahil sobrang ingay nya at nagloloko na ang translator dahil ang napipickup nya ay boses ni Isay.

Gusto ko din si RM sa pagiging matalino at inosente nya. Yes inosente pa yan laging curious sa mga bagay bagay. Sorry na lang sa mga blinks kung hindi ko na ini-stan ang blackpink ngayon. Dati naman multistan ako pero dahil sa ibang blinks ay naging army na lang ako. Loyal and faithful to BTS na ang peg namin ni Isay.

"Ang hot talaga ni joonie sa hairstyle nya ngayon. Kamukha nya future husband ko." Isay habang kinikilig pa.

"Sana matapos na tayo sa studies ano para makapunta na tayo sa concert nila." Wala pa kase kaming napupuntahang concert nila kahit isa. Kailangan muna naming makapagtapos bago yun. Para ipagmalaki naman nila kami kahit hindi nila kami kilala ganun.

Nakatitig lang ako kay RM habang nagsasalita sya. Naiintindihan ko kunti mga sinasabi nya pero mas madami ang hindi ko maintindihan kaya kailangan pa rin ng translator.

"Bes kulitin ko kaya si mudra na payagan tayo pumunta sa Korea?" Napatampal na lang ako sa noo ko nang sabihin nya yan.

Hindi na yata sya makapaghintay. Pero sabagay hindi pa ba ako nasanay eh ganyan lagi sya kapag may naglalive kahit isa sa BTS. Hayst ako din naman gusto ko na pumuntang Korea pero hindi pa ako financially stable eh.

"Magtapos muna tayo. Hindi sila matutuwa pag nalaman nilang nag absent tayo sa school para lang makita sila. Baka pagalitan pa tayo." Tinutukoy ko ang BTS dahil talagang ayaw nila sa ganun.

Hindi nila gusto ang idea na mag cut ng class para makita sila o makapunta sa concert nila. Ganun nila kamahal ang army. We stan them and they stan us, army.

"Lah babye na daw bes. Hays ikli naman sana sa susunod mahaba na live." Tumayo na ako.

Nag end na ang live dahil wala akong naintindihan sa kaingayan ni Isay. Nagtungo na ako sa bed para matulog na. 12am na kaya.

"Anong oras klase natin bukas?" Tanong nya mukhang nakapagligpit na sya.

"Ah 8am first class math na naman." Nakapikit kong sagot.

Nakakaumay ang math. Akalain mong lahat ng subject namin may math. Ano pa ba aasahan ko sa engineering hays.

Goodnight na matutulog na kami para may energy bukas. Masakit pa naman ulo ko.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon