CHAPTER 4

11 1 0
                                    

Shanel's POV
Naghahanda na kami para pumasok. It's already 5am and 7:30am ang klase namin pero kailangan pa naming magluto at kung ano ano kaya maaga kaming nagising. Si Isay ang magluluto ng ulam namin at ako sa kanin. Magbabaon din kami para iwas gastus.

"Isay ligo ka na. Ako na muna dito salitan tayo." Sabi ko na agad naman nyang sinunod. Ayaw naming malate pareho kaya talagang minamadali namin. Babyahe pa kami.

Ilang sandali pa ay luto na ang ulam at sinaing namin. Sakto namang lumabas si Isay mula sa banyo. Ibang klase talaga bagal nito maligo. Buti hindi inabot ng Isang oras eh kundi malelate kami pareho.

"Oh Ikaw na bes. Madami ka pa kukuskusin." Binato nya sakin ang towel ko na nakasampay sa may upuan. Nasalo ko naman.

"Makadami ka parang hindi ka matagal maligo ah." Bara ko dito na ikinatawa nya.

"Hahaha eh sa kailangan malinis para madaming pogi maakit." Napatampal na lang ako sa noo ko sa sagot nya. Ibang klase hanggang dito talaga.

Hindi ko na ito pinansin at nagtungo na sa banyo. Liligo ako ng maayos para kahit mataba ako ay walang masabi ang mga tao na iba maliban sa mataba ako. Ayoko namang sabihan nila akong may putok ano o di kaya ay sabihin nilang kakamoy ko na ang baboy.

Hindi ko na sasabihin ginawa ko sa banyo Basta naligo ako. Nagbawas din baka kase mayt*e ako sa school nakakahiya yun. Alam nyo yung kasabihang sa school mas maalala nila ang kahihiyan nyo at kalokohan kesa sa mga magagandang alaala. Ganun ayoko namang pag nakita nila ako in the future sasabihin nila "uy ayan yung nat*e sa school" oh edi napahiya ang lola nyo.

"Tara na." Tawag ko kay Isay na susubo pa lang ng ulam.

"Hindi tayo kakain?" Umiling ako

"Ikaw kung gusto mo malate. 7am na" nang sabihin ko ang oras ay mabilis pa sa alas kwarto syang naglagay sa baunan ng pagkain.

"Tara na." Napangiti ako sa kinilos nya. Mukha syang t*ng* eh 6:30 pa lang. Binibiro ko lang sya. Pfft! Iba talaga nagagawa ng lutang.

"Teka don't tell me... Gosh! St*p*d me may relo ako d ko pa nakita." Bumalik sya sa pagkakaupo nang marealize nya ang ginawa ko.

"Lutang ka pa rin." Natatawang sabi ko na ikinatingin nya ng masama sakin.

*Fast forward*
Papasok na kami sa school gate at talagang makikita mong sobrang gara ng university na ito. Sa gate pa lang pwede na akong kumita ng malaki kapag binenta ko yun.

"Ang taba naman nyan." Clown 1 Nakarinig na ako ng bulungan nang umapak ako sa loob ng school.
"Oo nga baka ubusin nyan ang mga pagkain sa cafeteria." Clown 2 ang kapal ng makeup parang clown talaga.
"May baboy na nakapasok pre! Hahaha!" Napayuko ako sa narinig ko hanggang dito pala may mapanghusga.

"Huy mga tsunggo! Kung makahusga kayo parang ang sesexy nyo ha. Mukha naman kayong sunog na lechon. At least ang bestfriend ko maputi at maganda. Hmp!" Napalingon ako nang bigla na lang lumapit itong kasama ko sa mga nagsalita kanina. Napakabungangera talaga pero thankful naman ako sa pagiging bungangera nya dahil pinagtatanggol nya ako.

"Tara na nga ang daming monkey. Jungle yata napasukan natin hindi school bes." Hinila nya ako papasok sa building. Nasa labas pa lang kase kami ng building eh pero loob na ng school area ito.

"Dapat hindi mo na pinatulan para walang gulo. Tsaka wag mo masyadong bilisan paglalakad mo pinagtitinginan ka." Saway ko sakanya.

"Wag mong inaano b**bs ko, bag. Baka anohin ko din yang bilbil mo." Natawa ako sa sagot nya. Tinawag na naman nya akong bag.

San ba kase nakuha ni mama ang pangalan ko at tunog brand ng bag? Yung chanel(Sha-nel) daw sabi ni Isay. Yun tuloy tawag nya sakin pag inaasar ko sya. Pero all in all maganda ang name ko kasing ganda ng mga bag na may tatak ng brand na iyon.

To be continued...

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon