CHAPTER 6

19 2 0
                                    

Ash's POV

Ano ba yan ngayon lang ako pinagbigyan magkaPOV. Anyways, ako nga pala si Ash Gelo Howard, 22 gwapo at cute. Wag na kayong umangal. Ganun talaga.

Nasa company na kami ng kaibigan kong deads na deads dun sa babaeng mataba. Maganda naman pero mas gusto ko yung kasama nya.

"Wag kang ngumingiti mag-isa boss nakakakilabot." Kita kaseng parang kinikilig aba mukhang may iniisip na kung ano ah.

"Manahimik ka." Natahimik naman ako dahil grabe yung boses nya akala mo si k*mat*yan sa sobrang takot na mararamdaman mo talaga.

Hays ewan ko ba dito kay Dark. Siguro dahil mataba din si tita dati kaya gusto nya din mataba. Maaya nga syang magbar mamaya.

Isay's POV
Nakakaasar talaga yung prof namin kanina. Aba eh kami na lang lagi ni bes ang pinagiinitan at talagang laging may recitation ang mga magagandang tulad namin.

"Itatapon ko talaga sa mukha nya papel ko kapag napuno ako dun sa baklang yun." Gigil kong sabi habang naglalakad kami. Magwowork na kami walking distance lang naman.

"Hayaan mo na. At least walang Mali sa sagot natin edi pahiya sya." Ewan ko talaga kanino nagmana ang bestfriend ko at sobrang kalmado kahit naiinis na din sya.

Hindi ko naman kase kilala ang parents nya. Yung lolo at lola lang nya nakilala ko. Ewan ko kung saan ang magulang netu.

"Hello boss Arch!!" Sigaw ko nang makita ko ang boss naming bakla.

"Ay ang mga daughter ko!! Ano ba naman kayo hindi man lang kayo nagpalit." Pinalo nya ako nang makalapit kami sakanya. Masakit ha.

"Teka sya din paluin mo boss." Reklamo ko nang hindi nya paluin si bes.

"Wag na baka mamula pa." Sabi nya kaya napasimangot si bes.

Pano ba naman eh ang puti nya. Picture perfect ang bes ko yun nga lang mataba kaya laging pinipintas ng mga kaklase namin.

Pumasok na kami sa bar. Nasa labas kase si boss Arch nang makita namin eh. Wala namang masyadong tao pero mamaya daw dadami na yan. Isa daw kase itong tambayan ng mga mayayamang tao. Makabingwit nga ng isa hahaha char baka mabatukan pa ako ng kasama ko pag narinig nya pinagsasabi ko.

"Ano okay na kayo dito? Pag may problema nasa office lang ako. Kayo lang ang babae dito sa loob kaya mag ingat kayo ha. Yung ibang babae sa labas sila." Tumatango lang kami dito.

Good girl kaya kami lalo na ako hehehe. Trabaho lang naman namin eh maghatid ng mga alak, maglinis at syempre tulungan si chef na magluto ng mga pulutan. Pinakilala na nga kami sa mga katrabaho namin eh.

Habang naglilinis ay walang imik kaming dalawa dahil focus sa trabaho ang peg namin.

"Shanel patulong naman sa labas maghahatid lang ng mga alak." Tumayo si bes at iniwan ako dito na naghuhugas huhu

Shanel's POV
Naglakad ako palabas ng kusina nang tawagin ako ni ate Gian. Mukhang kulang sila sa tao para maghatid ng mga alak.

"Ito ihatid mo dun sa mga lalaking yun." Turo nya sa apat na lalaking may mga babae nang katabi.

Kinuha ko naman ang binigay nya mukhang order nila tsaka dinala sa mga lalaking tinuro nya.

"Naks! May malaman pala dito. Kinis ng legs miss ah." Napalingon ako sa lalaking nagsabi nun. Nakakab*stos pero kailangan ko munang ihatid ang order na ito.

Hindi ako pinansin ng mga taong pinaghatidan ko ng alak kaya umalis na ako pero hindi ko nagustuhan ang sumunod na nangyari.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon