CHAPTER 8

12 2 0
                                    

Dark's POV
"Naks nalapitan mo na sya boss baka gusto mo nang umuwi. Hahaha!" Umiling ako

"No. Sa nangyaring yun hindi tayo uuwi hangga't hindi siya nakakauwi." Matigas kong sabi tsaka sumandal sa kotse.

Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya nakakauwi. Kahit anong oras pa sila ng kaibigan nya lumabas ng Bar maghihintay pa rin ako.

"Ikaw bahala." Kibit balikat nyang sagot at gumaya din sakin.

Ilang oras pa kami naghintay hanggang sa makita ko na sya. She's still wearing that skirt litaw na litaw ang maputi nyang legs. Naiisip ko na naman nangyari kanina nakakakulo ng dugo.

"Ay kala ko pa naman umuwi na kayo." Sabi nung kasama nya pero sakanya lang ako nakatingin ngayon.

"Tara na wag mo sila pansinin lalo na yang m*nyak dyan." Ako ba sinasabi nya?

"Ako ba pinariringgan mo?" Nilingon nya ako. Paalis na kase sana sya.

"Wala akong sinabing pangalan. Bakit natamaan ka ba?" Arggh! What did she do to me para hindi ko sya patulan? Kung ibang tao ay patay na agad kapag inaasar ako pero sya hindi ko kayang saktan.

"I'm not m*nyak!" Reklamo ko pero natawa sya. She's cute.

"Ay ang conyo mo naman hahaha." Tawa nya pati yung dalawa natawa na.

"Stop teasing me okay?" Tawa pa rin sila.

"Edi don't... Teka bakit andito pa kayo?" Shanel

"Wala sige na." Pumasok agad ako sa kotse dahil hindi ko kayang makipagtitigan sakanya.

"Ay pikon." Rinig ko pang sabi nya.

Ilang sandali lang ay nagpaalam na sila. Naglakad lang naman sila pero sinusundan pa rin namin sila. Gusto kong safe siya makauwi. Baka may tambay dyan.

Shanel's POV
Naglalakad na kami pauwi ngayon at ang mga mokong pasimple pa eh kita namang nakasunod sila samin. Hays ngayon nga lang namin sila nakilala eh pero parang close na ewan ko ba.

"Parang gusto ko na lang din magjowa." Napatingin ako kay isay nang sabihin nya yan.

"Mag-aral muna tayo." Hindi pwedeng magjowa hangga't hindi nakakagraduate ano. Yun ang pangako ko kina lola

"Ano ka ba naman! Pero crush ko yung kasama ng boylet mo." Aba makaboylet!

"Hindi ko yun boylet, isay. Nandito na tayo san punta mo?" Lumagpas na kase sya pfft. Ibang klase talaga pagkalutang nya hahaha

"Ay dyan na ba? Kala ko dun pa eh hahaha!" Yung hiya nya tinawa nya na lang parang t*nga.

Hays may klase na naman bukas sana payapa ulit para naman wala akong problema lagi. Yung mga bully sana walang manakit para walang pasa mabilis pa naman akong magkapasa.

Obsessed with Ms. Probinsyana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon