Mga salitang nakasulat sa pader ng aking bungo.
Mensaheng nabuo ng mga permanenteng peklat sa puso.Kumakalabog papalabas nang kay tagal.
Nagpupumilit kumawala sa ilang taon.Mula sa mga alaala ng kasiyahan hanggang sa kadiliman ng sakit.
Mga bagay na hindi napahalagahan at mga bagay na nasobrahan sa pagbuhos ng oras at atensyon hanggang sa naubos ako.Namanhid at nabingi habang lumalakad palayo sa mga tao at bagay na dating kinakabaliwan.
Iba't-ibang kwento kung saan naging mabuti ako at masama.
Mga istoryang nagsimula at natapos nang walang nakakaalam.Mga alaalang dapat iwanan.
Mabuting limutin na lang, tama? Pero yung totoo?
Nalilimutan ba talaga o nililibang lang natin ang mga sarili sa ibang bagay?
Pagsapit ng gabi, kapag wala nang ibang humahatak sa isip, hindi ka ba minumulto ng mga bagay-bagay?
Gabi-gabi ka rin bang nakikipaglaban sa mga multo ng buhay mo?Kaya ngayon, huhukayin ko silang lahat.
Isa isa, unti-unti. Hindi para saktan lang uli ang sarili pero para harapin sila.
Titigil muna sa pagtakbo at 'pag umabot na sila sa likuran ko, haharapin ko silang lahat.Mas nakakagaan daw ng loob kapag nasasabi mo pero hindi lahat may mapagsasabihan.
Hindi lahat kaya nating sabihin nang ganun-ganon lang.
Iisipin mo pa kung katiwa-tiwala ba yung pagsasabihan mo.
Pagsisisihan mo ba sa huli na nagsalita ka?
May makakaintindi ba o masasabihan ka lang ng punyetang "Ako nga e"?Mga bagay na nakakulong sa isip.
Mga mensaheng nais iparating ngunit pilit na hinaharang.
Hanggang sa isang sandali, sasabog na lang lahat.
Kung hindi man ay isasama na lang sa hukay.Hindi lang sa salita maipaparating ang mga bagay-bagay.
Sa iba't-ibang paraan masasabi ang isang mensahe o ideya.
Sa tingin, kilos, simpleng ngiti, pagtapik sa balikat o yakap.
Maging ang katahimikang ibinibigay natin ay may mensaheng dala.
Sa paglabas natin sa pinto nang walang kibo.
Pag-iwas makipagtinginan sa mga mata ng taong hindi na natin gustong makausap.Hindi natin kailangan ikulong lahat sa salita para maiparating ito sa iba.
Unti-unti, isa-isa. Mga bagay na tingin mo ay dapat marinig o malaman.
Iba't-ibang paraan para mailahad ito. Hanapin ang paraang komportable ka.
Alam kong alam mo na ang dapat. Hindi na mananatiling nakatikom.Ito ang simula.
BINABASA MO ANG
Unsent
PoetrySalitang hindi nabigkas. Mensaheng hindi nakarating. Damdaming hindi napakita.