CHAPTER 4

7 0 0
                                    

Chapter 4

Angel P.O.V,

NAPAHAWAK ako sa ulo ko dahil nahihilo talaga ako. Ang hapdi ng mukha ko dahil nginudngod ba naman ng baliw na 'yon sa mesa! Inis akong napatingin sa kanila,lumapit naman si Charles sa akin at tinignan ang mukha ko halatang galit ito.

“What are you doing,Anika?!”galit na tanong nito kay Anika.

“I-I'm s-sorry,she's-she's flirting with you!” sigaw na sabi nito at tumingin sa akin. Napakuyom naman ako sa kamao ko. “At s'ya 'yong nauna! Sinabihan n'ya ako ng masakit na salita, Ryan.”naiiyak pa na sabi nito. Ang kapal naman ng mukha para ako 'yong gawing suspect! Hindi uubra sa akin 'yang kabaliwan mo!

Inis akong pinuntahan ito at hindi nag-alinlangang suntukin ang mukha nito. Mas mataas s'ya ng konti sa akin pero sakto parin ang taas ko para maabot na suntukin ang mukha nito.

“Hey,stop it.” hinawakan ni Charles ang braso ko pero mabilis kong binawi iyon at sinuntok ulit si Anika sa kabilang pisngi.

“Ouch,Ryan,please,she's hurting me.”lumapit ito kay Charles at nagtago sa likod nito.

“Huwag mo akong ma ouch ouch tanginang babae ka! Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo sa mukha ko kanina?Kulang pa 'yan!”inis na sigaw ko. Nanginginig ako,alam kong nawawalan na ako ng control dahil sa galit ko at hindi ko na mapipigilan 'to. Hinila ko ang buhok n'ya at nginudngod ang mukha n'ya sa mesa,napasigaw naman s'ya sa ginawa ko at humihingi ng tulong kay Charles pero kahit anong pigil ni Charles ay hindi ko parin binibitawan ang buhok ni Anika at inumpog pa ito sa mesa.

“Hey yaya!”
“Angel!”

Rinig kong sigaw mula sa malayo. Ilang saglit lang ay namalayan kong hinawakan ni Charles ang braso ko at pinipigilan ako,si Anika naman ay umiiyak at hinahawakan ng dalawang kasama nito.

“Angel okay ka lang?”nag-aalalang tanong ni Chin. Hindi ako makasagot dahil nanginginig talaga ako sa galit.

“Walang hiya ka talagang babae ka!” sigaw ni J.F at hinila ang buhok ni Anika. Mabilis na inawat nina Steph si J.F at inilayo ni Charles si Anika rito. Nanginginig ang kamao ko at naramdaman kong may humawak doon napatingin naman ako sa kay Chin na humihikbi na nakatingin sa akin. Si Brix naman ay s'yang pumalit kay Charles na nakahawak sa kanang braso ko. Yumuko ako dahil hindi ko na talaga kaya dahil nanginginig ako. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat ang magalit ako dahil nanginginig ako at naiiyak.

“Huwag kang magpakita sa aking bruha ka dahil talagang uubusin ko 'yang buhok mo!” rinig kong sigaw ni J.F. “Okay ka lang A.L? Anong ginawa n'ya sa'yo?” bakas sa boses nito at pag-aalala. Tinignan ko naman ito. Ngayon ko lang napansin na nandito pala ang magkakapatid,nandito rin si Rose,Chin at J.F,hindi ko na nakita si Charles.

“Namamaga ang mukha mo,ano bang ginawa n'ya sa'yo?”inis na tanong ni J.F.

“Let's take her to the clinic first,she's shaking.”seryosong sabi ni Brix at inalalayan akong maglakad. Nakasunod lang ang ibang kasama namin sa likuran. Si J.F at Rose ay nag-uusap,bakas sa mga boses nila ang inis dahil sa Anika na 'yon. Si Chin ay nanatili lang sa tabi ko at ganoon din si Brix na umaalalay sa akin. Tahimik lang naman ang apat na nakasunod. Hindi ko talaga maunawaan ang babaeng 'yon eh,sa dinamidami ba naman ng mga babaeng lumalapit sa Charles na 'yon eh ako pa talaga ang nagawa n'yang ganitohin? Kung tutuosin hindi ko naman nilalandi ang Charles na 'yon at may mga babaeng talagang lumalandi sa kan'ya!

Pagkatapos gamutin ng sugat ko sa mukha ay pinakain nila ako pagkatapos ay pinagpahinga muna nila. Nakausap din nila si P.Z pero hindi ako nakipag-usap dahil wala pa akong ganang makipag-usap. Natuwa nga ako dahil kahit nasa malayo si P.Z ay grabi parin talaga ang care n'ya sa akin. Siya nga ang nagsabi rin sa kanila na hayaan muna ako na magpahinga,natutuwa talaga ako dahil may mga tungkol sa akin na alam na alam ni P.Z,para ko na nga talaga s'yang nanay eh.

MY PRINCE (ON-GOING)Where stories live. Discover now