Prologue

25 5 0
                                    

PROLOGUE

WARNING : MIGHT TRIGGER (HARASSMENT)

“Race kumain kana—” naputol ang nga sasabihin ko ng ibato nya ang baso sa akin mabuti nalang at mabilis ko itong naiwasan.

Parang nahiwalay ang kaluluwa ko sa sobrang pagkabigla. Nasa sahig na ang basag na baso at kailangan kong liligpitin iyon

Nanginig ang nga tuhod ko at halos mabitawan ko na ang dala kong tray ng pagkain para sa kanya.

“Umalis kana!” Malamig na sabi niya at aaktong hihiga ulit sa kama niya.

Nag-kakaganiyan si Praised dahil kay Maxim. Bata palang kami gusto ko na sya at alam niya iyon ngunit hindi ko pinag pipilitan ang sarili ko sa kanya kase mahirap lang kami, kasambahay lang ang nanay ko sa kanila at hindi ako ang gusto niya...

Si Maxim, ang pinsan ko na iniwan sya ang dahilan kong bakit sya nag kakaganyan yun yung gusto nya.

Kinuyom ko ang kamao ko at marahas na inilapag ang pagkain nya sa lamesa malapit sa kama niya dahilan para mabigla siya sa ginawa ko.

“Alam ko naman eh! Alam ko namang walang wala ako kay Maxim, mas maganda sya, matalino, mayaman, tapos nakukuha nya gusto nya. P-pero ako yung nandito..” tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil di ko kayang makitang nagkaka ganito siya. “Hindi kita iniiwan kahit ilang beses mo akong pinapaasa, ginagamit para mag selos sya, at halos masaktan ng pisikal. Katulad nalang nyan binato mo ako ng basong babasagin—" i paused

"Tangina! kaya bumangon ka dyan at magpaka lalaki, pakita mong malakas ka! Kase ako all this years sobrang sakit pero di ako nag mukmok!” Sigaw ko.

Bumangon siya sa pag kakahiga. “Ano bang gusto mo Ali? Gusto mo bang magustohan kita?” Tanong niya at bawat bitaw nun ay parang tinutusok ako sa puso.

Gusto ko siyang sagutin, sigawan pero ayoko pang dagdagan ang pinagdaraanan niya. Masakit sa para kanya ang gawang pag iwan sa kanyan ni Maxim ng walang paalam.

Halos mag kanda kuba ako kaka alalay sa kanya kapag lasing sya, halos lunukin ko ang takot ko sa dilim masundo lang siya sa bar, isinakripisyo ko ang pagiging inosente ko dahil may nakikita akong di kaaya aya tuwing nasa bar ako, tiniis ko ang madalas na pang mamanyak ng mga lalaki tuwing nandun siya para lang sa kanya kahit pa ika-pahamak ko, maalagaan lang sya.

Nasa labas ako ng maingay na bar ngayon at hinaharangan ako ng bouncer dahil minor pa raw ako.

“Kuya papasukin mo na po ako, susunduin ko po yung boyfriend ko feeling ko po kase may kabit” pang ngungumbinsi ko sai bouncer.

“Ma'am kailangan ko ng ID” ani ng bouncer

“Eh di naman ako minor, 23 na ako.” Nag beautiful eyes pa ako sa kanya. “Baby face lang” dagdag ko habang pekeng ngumiti.

“Kaya nga po hinihingi ko po ID nyo para mapatunayan.”

Napakamot ako sa batok. Parang ayaw talaga ako papapasukin nito.

“Kuya naman wala akong dalang bag, ikaw ba namang lokohin ng boyfriend mo iisipin mo pa bang mag dala ng ID?” Pag dradrama ko habang pilit na pinapaluha ang sarili para mapaniwala siya.

Sinuri pa ako nito na parang nag dududa, wala siyang sinabi pero tumabi siya para maka pasok ako.

“Yes!”

"Thank you kuyang kalbo!" Nag fly kiss pa ako sa boucer.

Masakit sa tainga ang ingay, nakaka hilo ang mga christmass light? Christmass light nga ba? Hirap pala pag di sanay sa ganito, mga 3 ulit na akong pumasok sa bar pero di ko alam tawag dyan sa ilaw, basta ilaw sya na nakaka hilo pag sinundan mo ng tingin.

I Love You Mr. Dangerous Where stories live. Discover now