CHAPTER 10
"Maayos na ba pakiramdam mo, nak?" Tanong ni mama habang pinupunasan ang aking katawan ng basang towel.
Tumango tango ako kahit ang totoo ay hindi pa masyado. "Sorry mama, pinapatawad mo na ba ako?" tanong ko sa kanya dahilan para mapa tigil siya sa ginawa niya. Binaba niya ang basang towel bago tumingin sakin.
"Masyado akong maganda para magkaroon ng sama ng loob." Nag bibiro siya pero seryoso ang kaniyang mukha. Inaayos niya ang takas kong buhok na tumatakip sa mukha ko. "Pero di ibig sabihin nun ay agree ako sa ginawa mo, hindi ko tanggap ang nangyare. Wag mo na uulitin yun." Dinuro niya ako na para bang na nanakot.
Hilaw akong ngumiti. Tumango tango ako, "Naiintindihan ko po." sabi ko at niyakap siya.
The day went normal, naiiwan ako ni mama na tulog dahil kailangan niyang pumunta sa mansion and pagbalik niya kasama niya si Gaveion na may dala pang prutas. Laging ganun ang set up. laging nandito si Gaveion.
Nag kaayos na kami ni mama at hindi ko makakalimutan ang mga nangyare. yun na yata ang pinaka malala naming pag tatalo.
Lumipas ang mga araw at bumuti ang pakiramdam ko, naka pasok ako sa school dahil ginawa ko talaga lahat para lang bumuti ang pakiramdam makapasok lang ako sa school.
Top Student ako habang si Ylony ay laging nasa gitna. mas matalino siguro siya sa akin kong di siya pasaway.
Pumasok ako sa school. Nag kukwento kami ni Ylony pag walang klase, nakikinig sa prof, kakain together pero wala akong sinabi sa kanya sa mga nangyare sa nakalipas na holiday.
Ayoko mag sabi dahil alam kong walang kwenta ang kaniyang payo at ang lalabas sa bunganga niya ay puro ka bastosan. Di siya naging seryoso kahit pa sobra na yung pinag dadaanan ko. Minsan lang siya makaka usap ng matino. Samantalang siya pana'y ang kwento sa mga nangyare sa kanya nung holiday.
Ang perfect ng holiday ni Ylony. pumunta sila sa isang private resort ng family niya para doon mag holiday then may nakilala na naman siyang gwapo.
Niyaya ako ni Ylony mag punta sa bar ngunit tinaggihan ko na siya dahil wala ako sa mood at may i-memeet na naman siya maiiwan na naman ako.
Naka uwi na ako sa bahay at naka labas na rin si Maxim sa hospital pero aalis din siya agad dito sa Er Puerto dahil kailangan nya mag pagaling sa ibang bansa. Kahit naman masakit para sa akin ang nasaksihan sa hospital ay di ko pwedeng talikuran ang pagiging pinsan niya ng dahilan sa lalaki.
Binigyan ko siya ng kaniyang gamot at tubig ng matapos ako sa pag bibihis. Namumutla siya at mapungay ang mata. Ininom niya ang gamot at kahit nang hihina ay ngumiti siya sa akin.
Nag iwas ako ng tingin. Nakaka awa ang kalagayan niya. Naawa ako sa kanya. Mukhang lumalala na talaga ang kaniyang sakit.
"Thank you, Ali." Sabi niya sa akin.
"Wala yun, gusto kong bumawi. Na-guguilty ako na di kita nakakasama at mas inuuna ko ang ibang bagay kesa sayo." Sabi ko sa kaniya.
"Ali, natural lang na unahin mo ang pag aaral mo."
Hindi naman yung pag aaral ko ang tinutukoy ko. tumitig ako sa kanyang mukhang maputla. Nag iwas ulit agad ako ng tingin dahil naaawa ako sa kalagayan niya.
"Ako ba dahilan kong bakit lumalala yang sakit mo?" tanong ko at nag kunwaring may inayos.
Hindi siya naka sagot agad, nabigla siguro siya sa tanong ko.
"Oy, hindi ah.. dumadating naman talaga sa ganito, lumalala talaga ang sakit ko Ali. bibihira lang ang nakaka-survive dito." Ngiti niyang sabi kahit bakas sa mukha niya ang lungkot.
YOU ARE READING
I Love You Mr. Dangerous
RomanceAleighney Dorotheo has a big crush in Praised Rofus ever since she was a child. Praised always pushing her away because he dont like her, she'a annoying, loud, and not matture. She's too young for him. Aleighney always find a way to get his attentio...