CHAPTER 1
WARNING : MIGHT TRIGGER (HARASSMENT)
"Good Morning!" Bati ko kay Praised dahilan kung bakit siya natigilan sa pag lalakad. Ngumiti ako sa kaniya at kinawayan siya, di niya ako pinansin at nilagpasan niya ako. Napasimangot ako dahil dun.
Almost 2 years na ng mawala si Maxim sa kaniya pero iba parin ang kaniyang mga aksyon.
May skin cancer si Maxim stage 1 at kailangan niyang umalis ng bansa para mag pagaling. Walang cure ang cancer pero may mga nakaka survive dipende sa type ng cancer at dipende din sa treatment, hindi pa malala ang cancer ni Maxim kaya't may pag asa pang gumaling sya.
Masaya ako kase mahal ko si Maxim pero maiisip ko pa lang na mag babalikan sila ni Praised parang sinasakal ang puso ko.
Dalawang buwan na lang 18th birthday ko na. Mag dadalawang taon ko ng kino-comfort si Praised at 2 years na syang di nakaka-move on kay Maxim.
Naglalakad ako papunta sa terrace upang ihatid sa kaniya ang kaniyang meryenda. Nakita ko siyang nag babasa ng magazine habang naka kunot ang kaniyang mga nuo, nilapag ko ito sa lamesa'ng nasa tabi niya.
Napatingin siya sa akin at ngumiti ako sa kanya habang nag kurap kurap. Nainis siya sa ginawa ko kaya't ibinalik niya ang kaniyang mga mata sa magazine.
"Leave me alone." Malamig niyang sabi sa akin.
Umayos ako ng pagkakatayo bago umimik.
"No, hangga't nandito ako you will never be alone." Tamad niya akong tinignan at isang malaking ngiti lang ang sinukli ko sa kanya.
Napahampas ito sa sariling mukha. Na para bang nahihiya sa ginagawa ko.
Napawi ang ngiti ko ng makarinig ako ng mabibigat na yabag ng heels. Agad akong dinapuan ng kaba, dahil alam ko na kong sino iyon.
Lumingon ako and i saw Eris and Gaveion glaring at me. Bumutong hininga ako na para bang pagod na pagod na ako at sawang sawa na sa ganitong laging nangyayare.
Naka taas ang isang kilay ni Eris habang ang kaniyang mga kamay ay nasa baba ng kaniyang dibdib.
"So trying hard." Paninimula nito. "Hard working talaga ang mga gold digger." tumawa ito na parang baliw habang si Gaveion naman ay masama ang tingin sa akin.
"Ano na naman ba?" Irita kong tanong.
Earlier i clean the mess they made. Yung kwarto nila sobrang dumi para bang sinasadya nila iyon. Pero okay lang dahil sila naman ang pinagalitan ni Mrs. Rofus
"Wala kang mapapala kase never kang magugustohan ni kuya, diba kuya?" Tumingin siya kay Praised na tahimik lang na nasa likod ko.
Di niya ba ako pag tatanggol?
"Kuya doesn't need a desperate woman, and he never liked a desperate woman like you"Malamig na ani ni Gaveion, may diin sa pag kakabigkas nun.
"Teka nga, ano bang ginawa ko sa inyo?" papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Gold digger? Ako? Ede sana kong gold digger ako pinatulan kita Gave kase 'Rofus' ka rin naman tapos gusto mo naman ako.. noon. So mas madali ako makaka-tikim ng yaman ng Rofus, kase di ko na kailangan sundan ka, mag papansin sayo di katulad ng ginagawa ko kay Race. Eh wala pa nga akong ginagawa gusto mo na ako eh." Nakita ko ang pag kuyom ng mga kamao ni Gaveion habang si Eris ay mataray na naka tingin sa akin na para bang gigil na gigil na siya. "He never liked a desperate woman like me. but you did, Gaveion."
Para siyang nahulog sa kaniyang sariling patibong. Napa lunok siya like he was defeated. Tumalikod si Gaveion at nag matsa paalis.
"Gave!" Tawag ni Eris ng maka layo na si Gaveion. Tumingin siya ulit sa akin. "We're not done yet, dirty bitch!" Aniya pa bago sinundan si Gaveion.
Napapikit ako at pinakalwan ang buntong hininga, Nang hina ang tuhod ko at muntik akong matumba buti nalamang ay naka hawak ako sa railing ng terrace.
Nawala sa isip kong nandito pala si Praised at nakita kong naka tingin ito sa akin. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Bago ngumiti ulit sa kaniya.
"Gandang ganda ka sakin noh?" Inayos ko ang salamin kong tumabingi na pala.
Nag iwas lang siya ng tingin. Ang suplado talaga..
"Yan talaga gusto ko sa lalaki eh, yung pakipot, suplado." Parinig ko pero di niya parin ako pinansin. Napasimangot ako dahil sa pagka suplado niya.
"Hija, pwede ka bang mautusan?" Napatalon ako sa pag kabigla sa Nanay ni Mrs. Rofus ng sumulpot ito sa likod ko.
"O-opo." Ngumuti ako ng awkward dahil malakas parin ang tibok ng puso ko dahil sa pag kabigla.
Ngumiti ito at di ko maiwasang humanga sa ganda niya kahit kulubot na ang maputi nitong balat. "Pwede mo ba akong ibili ng gamot sa bayan, hija?"
"Opo naman po."
"Ang bait mo namang bata ka, ipag dadrive ka ng apo ko, diba apo?" Tanong niya kay Praised na nasa likod ko.
Napa irap si Praised "Fine."
Ibinalik ng matanda ang kaniyang tingin sa akin at ng may nakaka lokong ekspresyon. Kumindat pa ito sa akin.
At nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin. Maaring narinig niya ang mga sinabi ko kanina at siguro ay gusto niya ako para kay Praised.
Finally may kakampi na ako!
Kinuha ni Praised ang susi at nauna na siyang nag lakad patungo sa parking. Tinapik pa ng matanda ang balikat ko at ngumiti ako sa kaniya bago halikan ang pisnge nito.
"Thank you po." bulong ko rito at ngumiti ito sa akin kita ko ang gilagid nitong wala ng mga ngipin.
Tumakbo ako palabas para sundan si Praised. Kitang kita ko ang makisig nitong katawan, Naka talikod palang siya ay ang gwapo gwapo na niya.
Sumakay siya sa Driver seat at ako naman sa passenger seat tahimik kong sinoot ang seat belt.
Di parin maalis ang ngiti ko dahil sa nangyare parang kanina lang ay naiinis ako sa mga kapatid niya ngayon naman ay sobra pa sa sobra yung kasayahan ko.
Nakarating kami sa bayan at hanggang sa pag labas ng sasakyan ay naka buntot lang ako sa kanya. Ako yung inutusan pero siya ang bumili.
Ang pagiging gentleman niya talaga patago.
"Hi Miss." Napatalon ako ng may bumulong sa mga tainga ko. Agad ko iyong nilingon at nakita ko ang isang lalaki na naka ngisi sa akin.
Siguro ay nasa 40's na siya.
"Problema mo kuya?" Suplada kong sabi at lumayo sa kaniya pero hinila niya sa baiwang papalapit sa kanya.
"Kasalanan mo yan, masyado kang maganda." Nanginig ang kamay ko at nanghihina ang mga tuhod ko. Boong pwersa ko siyang tinulak ngunit dahil sa panginginig di sya natinag.
Hinalikan niya ang leeg ko at dinapuan ako ng kaba, umiyak ako habang pinipilit kumawala. Sinampal sampal ko ang lalaki at paulit ulit na tinutulak pero masyado siyang malakas kaya di siya natitinag.
"Race!.. R-race..." Halos bumulong nalang ako dahil sobra na akong nang hihina habang ang lalaki ay paangat ng paangat ang kamay, konte nalang ay hahawakan na niya ang dibdib ko.
Isang malakas suntok ang tumama sa mukha ng lalaki dahilan para matumba siya.
Tinignan ko ang lalaki at para itong naka tulog dahil sa suntok. Nilingon ko kong sino ang sumuntok.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang si Praised iyon habang masama ang tingin sa lalaki.
Hinila niya ako paalis at nakatingin lamang ako sa braso kong hawak niya. Tumulo ang luha ko.
For the firstime, he protected me.
Sobrang saya ko.Feeling ko.. Ang araw nito ay may mga nangyayareng hindi maganda pero after naman nun ay may mangyayareng ikakasaya ng puso ko.
Tumigil ako sa pag lalakad dahilan kong bakit siya napa hinto.
Walang pasabi na humakbang ako palapit sa kaniya, konti na lang ang espasyo namin sa isa't isa. Tumingkayad ako upang abutin ang kaniyang mga labi.
As his lips touch mine while his eyes are wide open. I know, he wasn't expecting it, me either.
Di ko alam na ganito pala ang magiging firstkiss ko.
YOU ARE READING
I Love You Mr. Dangerous
RomanceAleighney Dorotheo has a big crush in Praised Rofus ever since she was a child. Praised always pushing her away because he dont like her, she'a annoying, loud, and not matture. She's too young for him. Aleighney always find a way to get his attentio...