Chapter 7

10 2 0
                                    

CHAPTER 7

Bumalik ang sigla ko sa mga araw na lumipas dahil inaaya na ako ni Praised makipag date. binibigyan niya rin ako ng flower's at chocolates. It's a good thing na nalabas ko ang sama ng loob ko sa kaniya kase talagang masasabi kong bumabawi siya.

But i just hate the fact that he just doing this because of what happen between us, he didn't want this. Di sya sweet at para lang kaming mag kapatid na kumakain ng lunch.

Pababa na kami ng sasakyan niya at hinihintay ko siyang pag buksan ako ng pinto, ngunit hindi niya iyon ginawa naka tayo lang siya na para bang hinihintay ako bumaba kaya ako nalang nag bukas ng pinto ng sasakyan upang maka labas ako.

Ngumiti ako sa kanya at di nalang pinansin iyon.

maliit lang iyon na bagay.

Ipupulupot ko sana ang kamay ko sa malaki niyang braso niya nang marahas niya iyong hawiin.

"What the fuck, Ali?"

"Hahawak lang naman ako-"

"Don't be so clingy."

Para akong sinaksak ni hindi ako maka galaw sa sakit na nararamdaman at sa kahihiyan.

Lumingon lingon ako sa paligid at pinag titinginan nila ako.

Ini-angat ko ang tingin ko sa kaniya. Tumango tango na lamang ako kahit napahiya ako sa maraming tao.

Ayaw niya lang siguro ng PDA.

Papasok na kami ng restaurant ngayon at pinag titinginan ako ng mga kababaihan doon. Agad naman akong napa tingin sa suot kong damit. Dress iyon pero di iyon ilegante katulad ng mga suot nila. Pang mayaman palang restaurant to, bakit ba dito nya ako dinala. Okay na ako sa kwek kwek at fishball.

Kinakain ko ang macaroni na ini-order niya para sa akin nang maka upo na kami. While his bussy reading a magazine. Laging ganito ang nangyayare, di nya ako kinakausap pag lalabas at ang flowers na inibigay niya ay walang letter, parang na pipilitan lang siya.

Napansin kong di pa pala sya kumakain. Iniinom nya lang ang black coffee nya. Kaya sumandok ako ng macaroni at itutok sa kaniya ang kutsara.

Kunot ang kaniyang noong tinignan ang kutsara bago tumingin sa akin. Nag tiim ang kaniyang bagang na para bang nagagalit siya.

Anong ginawa ko?

"What are you doing?" Malamig na tanong niya.

Binaba ko ang kutsara sa plato ko. "A-ah napapansin ko kaseng di ka pa kumakain-"

"Kakain ako kong kailan ko gusto. di mo ako kailangang subuan. di ako bata Aleighney." Putol niya sa sasabihin ko bago na iinis na nag basa ulit ng magazine.

Napa tingin ako sa baba habang sinasabi niya iyon, kanina pa ako na iilang dahil sa mga matang naka tingin sa amin. Para bang walang lugar dito ang mga katulad ko. Para akong isang dumi sa lugar na ito.

Di ako maka hinga habang dahang dahang pinoproseso ang kanyang mga sinabi. Bakit si Maxim okay lang subuan siya noon?

Concern lang naman ako.

"You don't really like me that much-"

"No, is not that i don't like you.. i hate you." Parang may kong anong tumusok sa puso ko. "I really do,"

Mas yumuko pa ako upang hindi niya makita ang nag babadyang mga luha sa mata ko. Bahagyang nanginig ang kamay ko.

Alam ko namang di nya ako gusto, pero ang sakit pala pag galing na mismo iyon sa kanya. Para naman akong tangang pinag tutulakan pa ang sarili ko. Ang desperada ko. Nakuha ko nga ang gusto ko pero di naman masaya sa akin.

I Love You Mr. Dangerous Where stories live. Discover now