CHAPTER 3
18th birthday ko ngayon, gues what? Walang gift sakin si Praised. Pero ako, may gift sa kanya. Frame yun na may picture namin nung 11 ako at 16 sya. Kahit mukha akong butiki dito okay lang, tsaka bumili ako ng pabango yung mamahalin imported. Binigyan ako ng pera ni mama eh tsaka ni papa nag padala sya. Ayoko talaga tumanggap ng galing kay papa pero... para sa love of my life ko, gooo!
Wala namang handaan eh, ayaw ko kase. Busy si mama sa mansyon at ayoko maka abala. Kaya heto ako sa kwarto, naka tuwad at ready nang ibigay kay Praised tong binili ko.
Parang tanga akong naka ngiti at kinikilig kahit wala namang dahilan.
Imagine ganito ang amoy ni Praised, di siguro ako mag sasawang amoy amoyin ito. Yakap yakap ko ang unan ko at iniimagine kong si Praised iyon. Inispray ko kase ang pefume sa unan.
Napawi ang ngiti ko ng tumunog ang keypad kong cellphone. Kinuha ko iyon at binuksan iyon, may isang text dun galing kay Maxim.
Maxim/Maasim
Hi coz, happy birthday. Otw na kami dyan sa Er Puerto.Bigla akong nalungkot habang binabasa ang text nya, ito na ba yun? Iiwas na naman ako? Mag kakabalikan sila? Di naman sa ayaw ko ng nandito sya, pero... paano kong mag balikan sila. Nasa legal age na ako, ready na ako maging gf ni Praised Rofus.. kong papayag sya.
Bumangon ako at nireplayan siya.
Maya maya ay napag desisyonan kong iayos ko ang sarili ko. Naligo nag bihis ng maganda. Pumunta kaming dalawa ni mama sa mansion para mag linis.
Ang birthday ng isang katulong..
Inalis ko sa isip ang lungkot at parang lantutay na gulay akong tumulong kay mama sa paglilinis ng mansion, wala akong nakitang Praised sa loob ng mansion kaya di ko parin na bibigay ang regalo ko.
Lumingon ako ng may marinig akong yabag.
"Happy Birthday hija" bati ni Mrs. Rofus nang may magandang ngiti sa labi.
Sinuklian ko siya ng isang magandang ngiti. "Thank you po."
"I have something for you, wait kukunin ko lang." Nag paalam ito at sinundan ko siya ng tingin habang nag lalakad siya patungo kong saan niya kukunin ang ibibigay niya.
"Happy Birthday, Bitch!" Napalingon ako kay Eris. Kumunot ang nuo ko ng makita ko itong hawak ang regalo ko kay Praised. "Basura mo?" Tanong nya habang naka taas ang isang kilay.
"Ayaw kong makipag away sayo, kase baka umiyak ka" inirapan ko siya saka tumalikod.
Tinapon niya ang regalo ko at nag madali akong saluhin yun, buti nalang nasalo ko. Baka kase mabasag. Sayang ang 6k.
"Ang trying hard mo noh, di ka gusto ni kuya!" Sigaw niya sakin. "Bakit nga ulit kayo mahirap at sila Maxim ay humihiga sa pera?" May pang iinsulto sa boses niya.
"Okay." Ignorante kong sagot sa kanya habang nanatili sa tayo ko. Mas lalo pa siyang naasar at aaktong sasaktan ako.
Narinig ko ang yapak ni Mrs. Rofus kaya lumayo si Eris, baka kase bulyawan sya ng mama nya. Mas mahal yata ako ng mama nya eh.
Maarte itong rumampa paalis. At napapikit ako ng mariin ng dahil sa nangyare, ayoko masira araw ko, kase araw ko to. At ayoko nang nag aaway kami bukod sa magiging asawa ako ng kuya nila ay napapagod na ako sa away na yan. Ano bang nakain nilang dalawa ni Gaveion bakit ayaw na nila sakin. Samantalang noon nag tutumbang preso pa kami.
"Here hija." Binigay ni Mrs. Rofus ang isang paper bag.
Nakangiti siya habang ako kunot ang nuong tinanggap iyon. Binuksan ko iyon at nalaglag ang panga ko ng makita ang isang Gucci bag.
Mamahalin iyon, bakit ba niya ako binibigyan ng ganito?
"Hala ma'am. Ayoko tanggapin mahal po yan." Inilalahad ko sa kanya ang paper bag at pilit na ibinabalik iyon.
"Ano kaba, take it. Birthday mo eh." Aniya habang tinutulak iyon papunta sakin.
Ngumiti ako, hindi naman ako pikipot. Basta wag nya nang bawiin to. Grab na nag kukunware pa akong ayaw ko eh.
"S-salamat po" sabi ko sa kanya tsaka yumakap. Mamanugangin ko to eh. Hinalikan niya ako sa nuo.
Una palang pamilya na turing niya sa akin. Nakita kong nasa likod niya si Lola Agnes ang nanay ni Mrs. Rofus.
Ngumiti ako sa kaniya.
After nun ay na assign akong mag linis ng kwarto ni Praised at Gaveion inuna ko yung kay Gaveion kase alam kong sinasadyan niyang dumihan ang kwarto niya para pahirapan ako, hate na hate ako nun eh, pero crush nya ako dati.
Magkasing edad lang kami, mas matanda kase ng 2 tao si Eris, kesa sa amin. Pero kong umasta parang bata.
Habang nililinis ko ang kwarto ni Gaveion ay naka kita ako ng isang regalong naka patong sa kaniyang kama, na-curious ako at hinawakan ko iyon. Nabigla ako ng mabasa ang letter'
'for Ali' binitawan ko agad iyon. Di ko naman kase akalaing para sakin yun di ako nag assume kahit birthday ko kase ayaw nya sakin. Baka ibang Ali yun eh.After kong linisin ang kwarto niya ay dumiretso ako sa kwarto ni Praised, siguro naman di magulo yun kase malinis naman talaga si Race sa kwarto. In addition, Wala siyang galit sakin. Bakit naman sya magagalit sa mapapangasawa nya?
Ngunit pag bukas ko ng pinto nakita ko agad ang isang basag na vase, naka kalat na papel at damit at ang magulo niya higaan kong saan siya nandun at nag mumukmok. Mali ang ini-expect ko.
Anong nangyare?
Tumingin tingin ako sa paligid at di ko makilala ang kwarto.
"Race.." mahina kong tawag sa kanya at nabigla siya sa akin.
"Putangina lumabas ka!" Halos mapalundag ako sa gulat ng sigawan niya ako.
"M-mag lilinis ako ng kwarto." Sabi ko, at sa di inaasahan ay binato niya ako ng ballpen at humiwa ang tusok nito sa nuo ko.
"Umalis ka nalang!" Aniya na para bang wala lang sa kanyang nasugatan ako.
Di ako nakaramdam ng hapdi akala ko pawis lang ang tumutulo pero ng hawakan ko ito ay dugo ang tumambad sakin. Lumunok ako habang sapo sapo ang sugat.
Lumapit ako sa kanya ng walang takot. Patuloy ang pag daloy ng dugo sa nuo ko pero di ko iyon pinansin.
"Bakit ka nag kaka ganyan?" Tanong ko ng hawiin ko ang kumot na tumatakip sa kaniya.
Biglang lumungkot ang kanyang mga mata. "She's with other guy... fuck! She's with other guy!" Siya yung nasasaktan pero ako yung umiyak. Di dahil masakit yung sugat kundi dahil masakit na di nya parin nakaka limutan si Maxim.
Nagpigil ako ng hikbi, parang kaseng sinasakal ang puso ko.
I wiped my tears at naisip na ibahin yung usapan. " B-birthday ko ngayon.." tumingin siya sa akin at nanlaki ang mata niya na para bang ngayon nya lang nalaman ang ginawa niya. "A-alam kong wala kang regalo sakin, di ako nag eexpect pero ako meron." Binigay ko sa kaniya ang paper bag.
Tinanggap niya iyon at parang hindi siya makapaniwala.
Without saying a words, bumangon siya at akala ko kong saan niya iyon dadalhin, pumunta siya sa kong saan naka lagay ang trashcan tinapon niya iyon at halos piniga ang puso ko sa nasaksihan.
Humiga siya sa kanyang kama na parang walang nangyare. "Umalis kana." Sabi nya. Habang naka talikod siya.
Now i realize na kahit gaano mo pa kagusto ang tao, pag di ka nila gusto wala din lahat ng efforts mo. Tangina ang laking pera ng nagastos ko para dyan. Pagod yan namin ni mama tapos tinapon nya lang.
Humagulhol ako at alam kong naririnig niya ang mga hikbi ko.
"P-papunta na dito s-sila Maxim, i'm sure miss ka nun. Mag usap kayo baka sakaling maagaw mo pa sya sa boyfriend nya..." hindi siya kumibo at alam kong hindi siya tulog. "Sorry ang kulit ko. Sana... sana di nalang kita pinansin. Nasasaktan mo ako eh."
Tinuloy ko ang pag lilinis ng kalat niya, nasugatan pa ako sa pag pulot ng ng vase na nabasag, nanginginig kase ang mga kamay ko. "Happy Birthday to me.."Naramdaman ko rin ang hapdi ng sugat sa nuo ko na hindi ko naramdaman kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/349639219-288-k384863.jpg)
YOU ARE READING
I Love You Mr. Dangerous
Storie d'amoreAleighney Dorotheo has a big crush in Praised Rofus ever since she was a child. Praised always pushing her away because he dont like her, she'a annoying, loud, and not matture. She's too young for him. Aleighney always find a way to get his attentio...