CHAPTER 8
"We are officially in a relationship!" Tuwang tuwa kong anunsyo kay Ylony
"We?" Di makapaniwala niyang tanong. Tumango ako biglang sagot. Bigla siyang kinilig at ganun din naman ako "Galing mamikot!"
"Tanga hindi!" Utas ko
Agad naman siyang naging seryoso na para bang may iniisip. "Boba ka, diba gusto nya si ate Maxim?"
Agad nawala ang ngiti ko ng marinig iyon. Tama siya, hindi niya lang gusto, mahal niya si Maxim.
Inirapan ko siya. "Mahalaga ako ang girlfriend nya." Dinilaan ko siya na parang nang aasar upang itago ang nararamdamang pag aalangan.
Sa totoo lang masaya ako pero hindi ko alam kong ano itong pinapasok ko. Anong papatunguhan nito dahil alam ko namang di niya ako gusto. Sa kaniya na mismo nanggaling na 'hate' niya ako.
"Pag ikaw umiyak, naka handa na ako ng isang katirbang tissue beh" aniya. Kanina ay parang kinikilig siya sa nalaman ngayon ay parang natauhan siya.
Inirapan ko na lamang siya. Iiyak ba talaga ako sa huli? Handa naman ako eh, hinanda ko ang sarili ko para dito. Alam ko dadating ang panahong matitigil din itong kahibangan ko.
Boong klase ay ang nasa isip ko lang ay si Race at ang naka raan nila ni Maxim. Ang ganda ng samahan nila. nag kakatampuhan sila pero agad na aayos iyon dahil parehas silang mapag kumbaba.
Umuwi ako sa bahay at nasa palengke na naman si mama kaya ay na isipan kong pumunta sa mansion hindi para mag duty as a kasambahay kundi mag duty as a girlfriend ng pina pangarap kong lalaki.
Nasa loob ako ng kwarto ni Race at nakahiga kami sa kaniyang kama. Palaging ganito ang nangyayare sa araw araw dahil hindi naman kami pwedeng lumabas dahil baka makita kami ng mga tao lalo na ng pamilya niya.
Buti nalang walang nakaka pansin sa amin dahil labas pasok lang naman ako dito sa mansion. Iniisip din kase nilang walang mangyayare dahil di ako guto ni Race.
"Rael, sasabihin ko kay mama na boyfriend na kita." Sabi ko habang hinahawakan ang pisnge niya. Nag bago ang kaniyang ekspresyon na para bang may nasabi akong mali.
Inalis niya ang kaniyang kamay at tumingin sa akin. "Hindi pwede, Ali." bumangon siya sa pagkakahiga at parang malalim ang iniisip.
Nawala ang ngiti sa aking mukha, napalitan iyon ng sakit. Bumangon rin ako sa pag kakahiga at pinantayan siya "Bakit naman?"
"Aleighney pag may ibang naka alam mapapahiya ako. Ano nalang sasabihin ng mga tao?—"
"Na pumatol ka sa mas bata? Sa isang mahirap? Sa isang nerd na katulad ko?" Putol ko sa sasabihin niya.
Naka tingin siya sa aking mga mata, para akong sinaksak sa puso dahil din sa sinabi ko.
Mabuti ng ganito, kase hindi ko kakayanin pag sa kanya mismo nanggaling iyon. Nag igting ang bagang niya.
"It's not the right time, Ali." Aniya at nag iwas ng tingin. Yumuko ako at Tumango tango na lang ako. Ayoko humaba pa ang usapan.
Alam ko din naman ang totoo eh.
Di nya manlang ba sasabihing mali ang naiisip ko? mali ang mga sinasabi ko?
Di nya pa ako mahal at hindi nya pa tanggap ang nangyare sa amin kaya nahihirapan siyang may maka alam.
"Na iintindihan ko." Sabi ko kahit hindi ko matanggap na kinakahiya niya ako.
Hinawakan niya ako sa baba at inaangat ang ulo ko upang mag tama ang aming mga mata. Di na mapakali ang puso ko, for the firstime he did this, ito pa lang ang ginagawa niya sa akin ay iba na mag react katawan ko. i think he wasn't using me, ang sarap isiping mahal nya pala talaga ako.
YOU ARE READING
I Love You Mr. Dangerous
RomanceAleighney Dorotheo has a big crush in Praised Rofus ever since she was a child. Praised always pushing her away because he dont like her, she'a annoying, loud, and not matture. She's too young for him. Aleighney always find a way to get his attentio...