Chapter 9: Too Good at Goodbyes

1.6K 47 28
                                    

Mikha's POV




"Cheers sa last night natin sa Baguio!" Gwen said. Tinaas namin lahat ng baso namin at nag cheers. Nairita na ako kay Colet dahil ang lungkot lungkot ng mukha kanina pa. Parang kinusot na damit 'yong itsura.




"Makikita pa ba kita sa Manila?" Tanong ni Queen na nakaupo sa tabi ko. Humarap ako sakanya at ngumiti.




"Oo naman. What makes you think na hindi na?" Tanong ko.




"Baka may girlfriend ka back there eh." Natawa naman ako at umiling.




"Wala. Hinintay kita eh." I wiggled my eyebrows sabay batok niya sa akin. Luh, anong masama sa sinabi ko?




"Mas hinintay kita."




Pagkasabi niya n'on, lahat ng kuryente sa Meralco naramdaman ko sa buong katawan ko. Eto ba yung tinatawag nilang tunay na kilig? Kasi kung oo, kahit kuryentehin niya na lang ako lagi hanggang sumabog ako. After Aiah died, ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito.




Is it bad? Na kiligin ako sa iba? I looked up and saw a star shinier than the other stars. It's like looking at me kaya napangiti ako. My Aiah.




"Bakit wine lang yung ininom ni Colet?" Tanong ni Queen sabay turo kay Colet na nakaupo sa tabi ni Sheena na may hawak hawak na wine glass. Tumawa naman ako at nagsalita.




"Gwen, tinatanong ni Queen kung bakit daw wine lang tinitira ni Colet." Nanlaki naman ang mata ni Colet nang sabihin ko 'yon.




"Tuwing nalalasing kasi yan, kung san san yan nakakatulog. Nung isang beses nga, sabi niya nanaginip siya ng masama na may pinagtutulakan siyang tao tapos sinabihan niya kaming natulog siya sa airport kasi pupuntahan niya daw si Jho- aray Colet!" Binatukan ng malala ni Colet si Gwen. Nakita ko naman yung expression ng mukha ni Jhoanna nung malaman niya yung kwento.




Tinungga niya yung alak sabay tingin kay Sheena.




"Uhmm, laro na lang tayo!" Sigaw ko para matanggal yung awkwardness na namumuo sa sala. Pumayag naman sila pero tumayo si Jhoanna at nag-excuse na magpapahangin lang siya.

About You (In The Midst of The Crowd Book 2)Where stories live. Discover now