(A day before Gian and Chie went to Sydney)
Gwen's POV
"Ang pokpok mo talaga, Gwen!" Mikha teased because Kevin's trying to fix my hair. Oh bakit? Sinusubukan niya bilangin bangs ko.
"Kapag inggit, pikit bitch. Lumayas nga kayo mga bashers! Hindi patitinag ang isang Apuli." I told her and sticked out my tongue.
"Feeling relevant ampota." Maloi shook her head at naupo sa tabi ni Stacey.
We're all here in Gian's restaurant. Chie's coming too, simple lunch lang because we're so busy lately. Nang makadating si Chie, agad nang inilagay na nung mga crew ni Gian yung pagkain sa mesa namin kaya naman nagsimula na din kaming kumain.
"San ba kasi kayo nagpupupunta?" Maloi asked Gian and Chie habang inaayos ang plates ni Stacey. Napangiti naman ako habang pinapanood sila dahil kahit gaga si Maloi, kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ngayon.
"May inaasikaso lang kami sa business ko." Sagot naman ni Gian sabay tingin kay Chie na tahimik at sina Sheena lang ang kinakausap.
"Baka mamaya may plano na kayo patayin mga exes niyo ah." Pagloloko ko naman at bigla kong naramdaman na kinurot ni Sheena sa tagiliran ko.
"Bunganga mo." Panunuway ni Stacey sa akin kaya naman napatahimik ako. Tumawa naman ang mga kaibigan ko kaya naman inirapan ko lang sila.
"Exes? Hindi pa naman kami break." Rinig kong sabi ni Chie kaya naman napatingin kaming lahat sakanya. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya kaya naman napalunok ako.
"Nakakatakot siya, Gwen. Ayoko na. Yari talaga si Colet." Sinabi naman ni Mikha sa akin ng pabulong.
"Yari si Colet? Why? Ano na namang ginawa niya?" Tanong ulit ni Chie kaya naman napapikit na ako dahil gusto ko nalang kainin ng lupa. Gian's looking at us too, with confused eyes.
"Hindi niyo ba alam na kasama ni Colet ngayon si Jhoanna sa Sydney?" I asked. Binato ako ng tissue ni Mikha and Maloi, that's when I realized na hindi pala nila alam.
YOU ARE READING
About You (In The Midst of The Crowd Book 2)
FanfictionAfter 10 long years, Colet decided to go back to the Philippines to manage her dad's business. Surprisingly, someone sent her a wedding invitation. While reading the invitation, her blood ran cold when she saw Jhoanna's name. "For the past years I'...