Deimour
11:31 | AUGUST 22, 2012 | QUADRANGLE FIELD, ELIONOIR HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS, MERRIMONT CITY
"Please, students calm down!" Saad ni Miss Defiana, isa sa mga teachers dito sa school. Hanggang ngayon pa rin kasi ay puno ng takot at pagkataranta ang mga estudyante dahil sa nangyaring lindol kanina. Naabisuhan naman ang lahat sa mga badyang aftershocks kaya ginagawa namin ang lahat para pauwiin na ang mga estudyante nang may dobleng pag-iingat.
"Mr. Tuazon, please do help me maintain the calmness and peace here." Pag-uutos niya. Napasinghal na lang ako sa utos niya.
"Tch. There's no such thing as calmness and peace right now." Pabulong kong sabi saka tinignan ang mararalitang estudyante sa harapan ko na takot na takot mamatay.
'Pathetic.'
"Oy," sigaw ng pinaka walang kwentang taong nakilala ko sa buong buhay ko. I gave him an "i-don't-have-time-for-your-shit-look" na obviously hindi niya nagets. "Halatang easy lang at hindi kabado? Don't tell me alam mo na na mangyayari to?" Sabi ni Gizo habang umaakto na para bang gulat na gulat.
"Shut up. No one can predict an earthquake, stupid." Mahina kong tugon saka inilagay sa bulsa ang mga kamay ko.
"I thought you can? After all, you can be considered as a God? Hahaha!" Pang-aasar niya pa dahilan para titigan ko na siya nang masama.
"Shut your mouth or I will." Sabi ko sabay lapit doon sa mga nakapilang estudyante para mag-assist sa mga lalabas na ng school premises.
"Are we going to die?" Tanong sa akin ng isa sa mga nakapila na halatang-halatang umiyak nang sobra.
"Technically, yes. But not now." Walang gana kong sagot.
"This is God's wrath! We will all die! We will all die!" Hiyaw ng isa sa mga batang obviously ay nawalan na sa katinuan sa pagkagulat sa mga nangyari. As soon as he stood up and shout those weird words, I prompted some of the officers to grab him and bring him to the other side of this quadrangle. Ms. Defiana also helped to attend to the kid's needs.
Dahil sa ginawa niya, may mga estudyante na nahawa na ng pagkabaliw niya at mayroon din namang pinagtatawanan siya o kaya naman ay nawi-wirduhan sa ginawa niya.
Agad akong pumunta malapit sa kinatatayuan ni Gizo nang may maalala ako. Nakalimutan kong i-check ang mga violators sa detention kanina. Panatag naman ako na ligtas sila at umalis na sa room na 'yon the moment na narinig nila ang emergency alarm. Ngunit hinanap ng mga mata ko ang mga pasaway na yun dito sa kumpulan ng mga estudyante pero ang tangi ko na lang nakikita ay ang iyaking bata at ang magpapapirma ng transferee slip.
"Where are the violators?" Bulong kong tanong kay Gizo. Bumuntong-hininga siya nang malalim saka ako hinarap at sinagot ang tanong ko.
"I checked the room kanina. Pero wala na sila. Iyon na lang ang natira." Saad ni Gizo nang itinuturo si Ms. Verama. Tumungo naman ako sa kanya bilang pagtugon saka siya umalis sa harap ko.
'They're all gone. Especially Castriño and Kazuko. Akala naman nila makakatakas sila.'
Isa-isa na rin namang pinapauwi ang mga estudyante sa pagkakataong ito. Ako naman ay napagpasyahang magstay para tapusin lang ang ilan pang mga gawain. Gayundin naman at maiiwan ang mga admin staff kaya hindi ako mag-iisa sa eskwelahang ito.
BINABASA MO ANG
The Nova: Fade Away
AdventureTHE NOVA SERIES #1 • COMPLETED • Magkakasama-sama sina Gizo, Deimour, Nighzelle, Armina, Vincent, at Lacey sa isang biglaan at kahina-hinalang camp. Ang dapat sana'y masaya at kapana-panabik na aktibidad ay mauuwi sa trahedya nang biglang sugurin an...