01NOVA - SIXTEEN

287 24 0
                                    

Vincent


3:01, MORNING | AUGUST 26, 2012 | CAMPSITE - WOODS, TIMBER CITY


"She's dead, Mina. Kailangan na nating umalis dito. Nakita mo kung anong kayang gawin no'n." Paghila ko kay Mina. Kasalukuyan niyang hawak-hawak ito saka binitawan.

'I'm sorry, Pim. Hindi ka namin nailigtas.'

Pinauna ko nang maglakad si Mina sa gitna ng makapal na usok na bumabalot pa rin sa lugar na ito. Nangangapa naming sinuong ang usok na ito nang magkahawak ang kamay nang bigla silang huminto.

"B-bakit?" Sabi ko saka napatingin sa dahilan ng paghinto niya.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Mayroong kung anong nilalang ang nasa harapan namin. Isa itong hulma ng tao ngunit walang mukha at buhok. Ramdam ko sa kamay ni Mina ang matinding pangiginig kaya pinisil ko ang kamay niya para senyasan siyang magdahan-dahan sa paglalakad.

Gaya ng nangyari kay Pim, sobrang bilis ng mga sumunod na nangyari. Bigla na lang nagkaroon ng mukha at buhok ang kaninang hulma lamang. Mas napako ang aming mga paa sa lupang kinatatayuan namin nang luminaw ang istura nito. "M-mina?!" Gulat na gulat kong sabi.

"Run!" Hiyaw ni Mina dahilan para maibalik ako sa kasalukuyan. Agad kaming nanakbo paalis sa lugar na 'yon nang biglang mayroon na namang sumulpot sa harapan niya na kamukha niya.

"Ahhhh!" Tili ni Mina saka nahawakan nitong nilalang na ito si Mina. Biglang nawalan ng malay si Mina at bumagsak sa lupa.

"Mina! Shit shit shit!" Sabi ko nang saluhin ko siya mula sa pagkakahulog. Tumingin ako sa paligid at nawala na ang kaninang mga kamukha niya. "Mina! Gising!" Pilit kong pagyugyog sa kanya para magising. Chineck ko ang pulso niya at kakaibang ginhawa ang ibinigay sa akin nang maramdaman ko itong tumitibok.

Dahil mas lumalala ang sigawan, pagsabog at takbuhan ay wala na kong inisip pa at binuhat na si Mina papalayo rito. Hindi ko ininda ang hapdi at kirot sa tuwing mababangga ang sugat ko ng mga kung sinu-sino na nagmamadali rin sa pagtakbo, buti na lang at hindi ganoon kabigat si Mina kaya kahit papano ay kinakaya ko pa.

Nang medyo makalayo-layo na ko sa tent na pinanggalingan namin ay tsaka ko iyon nilingon.

"Gumising ka na Mina please? Nanghihina na rin ako." Medyo asar kong tawag sa kanya kahit alam kong hindi naman niya ito maririnig. Huminga muna ako ng malalim para bumwelo saka nagpatuloy sa pagtakbo palabas dito sa makapal na usok na 'to.

"Tabi!" Sigaw ko sa mga humaharang sa daraanan ko. Bukod kasi sa ingay ng mga tilian at paghingi ng tulong ay mas masakit sa tenga ang hatid ng malalakas na pagsabog.

'Kung mas tatagal pa kami si lugar na 'to ay mabibingi kami ng tuluyan.'

Nakahinga na ako ng maluwag nang makalabas na kami sa makapal na usok. Nanakbo ako nang nanakbo kahit hindi pa tukoy kung saan patungo. Basta ang alam ko, mas malayo sa lugar na 'yon mas ligtas.

Nang makalayo-layo na ako ng tuluyan sa lugar na pinanggalingan namin ay ibinaba ko muna si Mina mula sa aking mga bisig.

'Ligtas na kami rito kahit papaano.'

Pinagmasdan ko mula dito sa malayo ang campsite na nababalot pa rin ng usok. Hindi man kasing lala ng usok kanina ay agaw-pansin pa rin ito.

'Sobrang hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyari. Sobrang gulo, sobrang daming misteryosong bagay. Si Pim, ang babaeng kumuha ng buhay niya, mga clone ni Mina.'

The Nova: Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon