01NOVA - TEN

340 22 1
                                    

Deimour


10:17 | AUGUST 25, 2012 | CAMPSITE, TIMBER CITY


"Okay, Wake up campers! Wake up!" Boses mula sa isang megaphone ang umistorbo ng gising ko. "Proceed to the field! Go get your things and proceed here." Anunsiyo pang muli ng boses na 'yon. Hinawi ko ang kurtina ng bus at nakumpirmang si Vhonn nga ang nagsasalita.

"Deimour, where are we?" Tanong ni Gizo na katabi ko lang. Mukhang nakatulog din kasi siya sa buong biyahe. Ang bus na sinasakyan namin ngayon ay nilalaman lang ng mga working committee at mga team leaders ng bawat team.

"Like I know." Matipid kong sagot. "Is this your jacket?!" Iritable kong tanong sa kanya nang mapagtantong nakapulupot sa akin ang jacket niya. "Kaya pala ang baho." Saad ko pa saka binato ito sa mukha niya.

"Nilalamig ka tanga. Ako na nga 'tong nagmagandang loob." Usal niya pa nang nakasimangot.

Naglakad na ako papunta sa harapan ng bus at kinuha ang organizer's kit kung saan naroroon ang mga papel, session plan, etcetera. Kinuha ko nang muli ang mga gamit ko sa upuan saka naghanda para lumabas.

"You even fell asleep?" Pangungulit ni Gizo nang humihikab pa.

'Obviously, bobo talaga kahit kelan.'

"Hi, sir. Good morning. Will you be staying here until the last day or you'll just come back?" I politely asked the driver nang pababa na ako.

"Get your things and leave my bus." Masungit niyang pag-uutos. Gulat naman akong napatingin kay Gizo na ngayo'y ngi-ngisi ngisi dahil sa nangyari.

"Guess someone's too tired." Sabi na lang ni Gizo saka ako tinapik sa balikat at bumaba. Sumunod na lang ako nang hindi pa rin binibitawan ang nagtataka kong reaksyon.

Kinuha na ng lahat ang sari-sarili nilang mga bagahe at nilisan ang bus kagaya ng iniutos ng driver. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang iba pang bus na may kalayuan sa amin. Katulad din namin, naglalabasan na ang mga estudyante dala-dala ang kani-kanilang mga bagahe.

"Okay, campers proceed here in front of me! Again, campers proceed here in front of me!" Anunsiyo ni Vhonn nang paulit-ulit. Inintay kong mag-gather sa harapan niya ang lahat ng participants bago sumunod.

"WELCOME! WELCOME! WELCOME!" Ganadong-ganado niyang pagbati. "So, let's start the camp!" Dagdag niya pang ani. Ang ilan sa mga participants ay nagulat at ang ilan naman ay na-excite.

"Really? As in now?" Gulat na tugon ni Gizo. Ako man din ay nagulat rin. Agad kong binuksan ang kopya ko ng session plan at ini-scan ito.

"Gizo, what the fvck?" Sabi ko nang hindi iniaalis ang mga mata ko rito. "Sinong nagbago ng mga ginawa kong session plan each day? Ibang-iba ito sa nagawa ko!" Iritable kong tanong sa kanya.

"Well, tatanungin sana kita bakit mo naisipang bombahin agad sa activity ngayon itong mga participants. But looking at your reaction right now, you don't have any answers for me." Sagot naman niya sa akin.

"Hindi mo rin alam na binago ang session plan? Activities?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ang alam ko lang ikaw ang nagplano at gumawa. Hindi ko alam na napalitan pala." Agad niya ring sagot sa akin.

Gustuhin ko mang putulin si Vhonn sa pagsasalita niya ngayon ay hindi ko na magawa dahil nakuha na niya ang interes ng lahat. Mas minabuti ko na lang na kalmahin ang sarili ko at kausapin na lang siya mamaya.

The Nova: Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon