01NOVA - FORTY-THREE

200 13 2
                                    

Mina


3:30, NOON | AUGUST 26, 2012 | CLOCK TOWER, MERRIMONT CITY


"Anong ibig niyang sabihin, Deimour?" Tanong ko kay Deimour na kasalukuyang nakayuko at hindi kami matignan.

"I mean this." Si Mary ang sumagot sa tanong kong 'yon. Hinagis niya sa harapan namin ang isang maroon folder. Ibinalik ko ang tingin ko kay Deimour at gulat na gulat siya sa nakikita niya sa lapag.

"Tuazon's archive?" Basa ni Nighzelle sa folder nang pulutin niya ito. Agad itong hinila ni Gizo mula sa mga kamay ni Nighzelle.

"Bakit na sa'yo 'to? I've been looking for this. It's my article. Deimour, binigay mo 'to sa kanya?" Tanong ni Gizo kay Deimour. Nanatiling gulat ang reaksyon niya habang nakatingin sa folder.

"Your target is really me. Everyone was just caught in the middle." Sa wakas ay pagsasalita ni Deimour ngunit hindi patungkol sa folder na binigay ni Mary o 'yong sinabi niyang koneksiyon naming lahat sa isa't-isa.

"Care to tell them Deimour what's inside that folder?" Diretsong tanong ni Mary kay Deimour nang may halong pambubuyo.

"That's the family's record of confidential transactions." Matipid niyang sagot.

"Which includes our family?" Sabi ni Gizo habang binabasa ang laman ng folder. "And Castriños, Kazukos, and Dazas." Dagdag pa ni Gizo habang binubuklat ang bawat pahina sa folder.

"What the hell?" Sabi ni Vincent saka lumapit kina Gizo. Pinanood ko silang isa-isang paghiwa-hiwalayin ang bawat pahina at kunin ang may kinalaman sa kanila. Lumapit si Nighzelle sa akin para iabot ang parte tungkol sa akin. Ilang pahina rin ito at sa unang pahina ay nakalagay ang apelyido ko. Sa baba ay isa-isang nakasulat ang pangalan ng mom ko, si uncle, ako, at pangalan ng isang kilalang businessman.

"Deimour, wh-what is this?" Tanong ko sa kanya na hindi na naitago ang kaba.

'Ito ang ikinatatakot ko. Ang magkaroon kami ng dahilan para sirain ang isa't isa.'

"I can't just tell you. It's best for you all kung babasahin niyo na lang. I'm sorry." Tangi niyang sagot sa akin na hindi man lang ako nagawang tignan.

Tumingin ako sa katabi kong si Nighzelle. Hawak-hawak naman niya ang dokumento na may nakasulat na Castriño. Bakas din sa mukha ni Nighzelle ang pag-aalala niya para kay Deimour. Badya ko na sanang babasahin ang mga nakasulat sa mga papel na hawak ko nang biglang agawin ni Gizo ang atensyon naming lahat. Sinugod niya si Deimour at kwinelyuhan ito. Mabilis na nakapagreact si Nighzelle at lumapit sa kanila. Pinigilan niya si Gizo habang si Vincent naman ay pumagitna sa dalawa.

"Gizo, calm down! What's happening?" Tanong ni Nighzelle sa kanya.

"You knew what happened to her. Nanay Patricia went to your family after ours rejected her. Pero gaya ng ginawa ng pamilya ko, ganon din ang ginawa niyo sa kanya. How could you, Deimour? Paano mo nagawang itago sa akin ito? Paano mo nagawang hayaan nilang gawin 'to kay nanay Patricia?" Panunumbat ni Gizo habang unti-unting nalulukot ang papel na hawak niya dahil sa pang-gigigil niya. "Answer me!" Lalong nanggalaiti si Gizo nang hindi makakuha ng sagot sa kaibigan.

Sa gitna ng diskusyon nila ay nagawa kong silipin ang lagay ni Mary. Kasalukuyan na siyang nakalutang sa ere at masayang-masayang nanonood.

'This is exactly what she wants.'

I turned back to Deimour. Sinisigawan pa rin siya ni Gizo at patuloy pa rin ang pagpigil ni Nighzelle sa kanya. Si Vincent ay nanatili lang sa gitna nilang dalawa.

The Nova: Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon