01NOVA - TWENTY-FOUR

265 22 0
                                    

Lacey


3:16, MORNING | AUGUST 26, 2012 | CITY JAIL, MERRIMONT CITY


"Hindi ka pa ba tapos? The last time you went here, you almost fcking kill me. Ngayon ba nakapagdecide ka na?" Nanghihina ngunti matapang kong tanong sa taong pumasok sa kinalalagyan ko. Nakapiring pa rin kasi ako kaya kahit ang mismong kinalalagyan kong kwarto ay hindi ko alam ang itsura. Basta ang distinct lang sa obserbasyon ko ay itong gate at kalawang na amoy.

'Hindi ko alam kung ilang araw na kong nandito at kung ga'no katagal na nila kong pinapahirapan. Mga bwiset.'

Sa tingin ko ay nag-iisa lang ang taong ito base na rin sa naririnig kong kaluskos ng mga paa niya. Ramdam at rinig ko rin ang mabagal at hirap niyang paglakad. Mali ako sa pag-aakalang sasaktan niya ako sa oras na makalapit siya dahil agad niya akong pinakawalan mula sa pagkakaposas. Inintay ko lang din ang sandaling magsalita siya ngunit tila pipi ito kaya nauna na kong magsalita.

"Sino ka?" Mahinahon at pabulong kong tanong. Wala siyang naging tugon kaya inulit ko ang tanong ko ng medyo malakas. "Pssst. Sino ka? Ba't mo ko pinapakawalan?" Pero katulad lang din kanina ay hindi siya sumagot kaya nilakasan ko na talaga ang pagkakatanong. "Hey! Sino ka? Binga ka ba? Pipi? or what?"

"Ugh! Your voice is really annoying." Pauna niyang salita at agad ko 'yong nakilala. Bagama't nakapiring ay naramdaman kong namumuo na ang mga luha ko sa mata sa matinding galak at gaan ng pakiramdam. "Ilakas mo pa 'yang nakakairita mong boses para lalo kang hindi makalabas dito." Dagdag niya pa.

'I feel safe.'

Nang maramdaman kong nakawala na ko mula sa pagkakaposas ay agad kong tinanggal ang piring sa aking mga mata. Tama nga ako sa pagkakakilala ko sa kanyang boses. Hindi ko na tinignan pa ang kabuuan ng mukha niya dahil agad ko na siyang niyakap ng mahigpit.

"Y-you're safe." Garalgal at naluluha-luha kong bati sa kanya.

'Akala ko may nangyaring masama sa'yo no'ng huli kong narinig ang mga boses nila Gizo. Para kasing nasa panganib ka n'on. Nag-alala ako ng sobra.'

"Hey, I can't breathe." Sabi niya kaya naman kumalas na ko sa pagkakayakap. Noon ko lang napag-aralan ang mukha niya. Wala siyang kahit na anong galos at masaya ako dahil do'n.

"T-thank you." Mata sa mata kong pasasalamat sa kanya.

"Don't thank me. You're not saved yet," Prangka niyang sagot. "As long as we're here, we're not safe." Dagdag niya pa habang inaalalayan akong makalakad.

"I have a lot of questions." Pilit kong pagsasalita kahit nanunuyo na ang lalamunan ko.

'Oh wait. I'm not sure kung lalamunan ko lang ang tuyo sa'kin. I feel like my whole body is withered and in too much pain.'

"Save it for later. I told you, we're not safe yet." Mataray niyang sagot habang tinatahak namin ang daan palabas sa pasikot-sikot na lugar na ito. Ito ang unang beses na nakita ko ang paligid. Ang mga bakal na nagtutunugan, pati tunog ng gate kapag may papasok sa kwarto ko, ang kalawang na amoy–sa kulungan pala nila kami nilagay.

"Where are they?" Pasaway ko pa ring tanong kahit pa sinabi na niyang save it for later.

"Tsk, tigas ng ulo." Pauna niyang sabi pero sinagot pa rin naman niya. "May kanya-kanya kayong selda. Sinugurado nilang magkakalayo talaga kayo. Lahat sila ay ligtas na. Ikaw na lang ang iniintay nila. I am working with Ron. Thanks to him nalaman ko kung saan-saang selda kayo naroroon. Hinang-hina na sila kaya hindi ko na sila pinasama pa sa mission: save the bitch na 'to. Saka isa pa, mas mabuti kung hindi tayo masyadong kumpol-kumpol at magkakasama. Masyadong takaw pansin." Detalyado niyang sagot.

The Nova: Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon