01NOVA - SEVEN

568 31 3
                                    

Armina


10:58 | AUGUST 24, 2012 | CAFETERIA, ELIONOIR HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS, MERRIMONT CITY


"Hello, Armina." Bati bigla sa akin ng isang lalaki habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa. Nandito na kasi ulit ako sa classroom at kasaluluyang hinahabol ang lesson na nilecture kanina.

'Kung hindi lang kasi eskandaloso ang lalaki na 'yon sana wala akong problema ngayon.'

Speaking of the devil, wala na siya sa paningin ko, marahil nasa ibang subject o di naman kaya ay nagcut ng klase. Hindi na ako magugulat. Iyong mga ganong mukha at ugali, wala kang aasahan kundi mga trapong gawain.

Naibalik lang ang malay-tao ko nang may sunod-sunod akong kalabit na naramdaman sa balikat ko at naalalang may kumakausap pala sa akin.

"Ah, hello." Naiilang kong bati pabalik. Kasabay naman nito ay ang pag ring ng lunch break bell.

"Hmm... Hi Im Teejay Kin Salazar, Kin na lang para cute." Energetic niyang pagpapakilala.

'Cute, sirena hehe.'

Pinagmasdan ko muna ang kabuuan niya at n'on ko lang napagtanto na siya pala 'yong pinakamaingay sa klase dahil sa taglay na lakas ng bibig niya kahit bumubulong lang. Napansin ko rin na may itsura din ang isang to. Kung tutuusin sa klase namin, masasabi kong siya ang pinakapogi sa lahat ng lalaki.

"Ehem... Wala ka man lang bang sasabihin? Ang lamig ah?" Bigla na lamang niyang sabi.

"May tanong ka ba na dapat kong sagutin?" Mariin kong tugon sa kanya at lumatay naman sa mukha niya ang pagkapahiya habang nayuyuko pa.

"Ah... Ano so-sorry." Utal-utal niyang tugon at agad naman akong nakonsensya dahil sa ekpresyong ibinibigay niya.

"Hindi ko alam kung nasan ang cafeteria, hindi ko mabasa nang maayos ang mapa dito sa handbook. Samahan mo ko." Sabi ko na lamang sa kanya para kahit papano ay makabawi sa katalasan ng sinabi ko sa kanya kanina. Agad naman siyang tumugon ng isang magandang ngiti at tumungo.

"Tara do'n! Kasisimula lang ng lunch break. Sabay na tayo." Saad niya na galak na galak pa.

"Wala ka bang iba pang mga kasama?" Pagbubukas ko ng mapag-uusapan dahil batid ko naman na hindi hilig ng isang ito ang tumahimik at siguro dala na rin ng kuryosidad. Maingay siya sa klase kaya't sigurado ko na may mga kaibigan siya pero bakit hindi niya kasama?

"Meron naman. Kaso may mga ginagawa pa sila kaya pinauna na nila kong mag-break. Gumagawa ata sila ng assignment for the next subject kaya mag-isa na muna akong kakain. Eh sakto naman na nakita kita na mag-isa kaya nilapitan na kita at yayayain sana kumain kaso nga ako na ang niyaya mo! Tapos may mga itatanong and at the same time may mga iku-kwento rin ako sayo kaya naisipan kong sabay na tayo mag-break. Pangatlong araw mo pa lang naman ito ayon sa pagkakatanda ko kaya sa tingin ko naman ay matutulungan ka ng mga impormasyong sasabihin ko sayo at sigurado ako na sa mga ilang impormasyon na sasabihin ko ay talaga namang ikagugulat mo. Alam mo ba na ang Elionoir High ang pinaka tinitingalang school sa mga nagdaang taon—" Dire-diretso niyang sabi. Jusme 'meron' at 'wala' lang naman ang sagot sa tanong ko ta's ang dami dami nang sinabi. Madaldal talagang tunay, pero kung pagbabasehan mo ang pisikal niyang kaanyuan at paraan niya ng pagsasalita, hindi mo mapapansin na bading siya. Judgemental lang talaga ako with 80% accuracy.

"Armina? Nakikinig ka pa ba?" Bigla niyang tanong sakin. Sa paglalakad kasi namin papuntang cafeteria ay wala na siyang ginawa kundi dumaldal at nagsawa lang talaga akong makinig kaya hindi ko na lang pinansin. Nauuna rin siyang maglakad at hindi rin naman ako kalayuan sa likod niya kaya't naririnig ko pa rin naman kahit papaano ang mga sinasabi niya.

The Nova: Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon