Gizo
3:24, AFTER MIDNIGHT | AUGUST 26, 2012 | TUAZONS' VILLA, CEMBURN CITY
"No!" Hiyaw ng mga kasama ko saka ako bigla na lang bumagsak sa sahig. Agad kong hinabol ang paghinga ko mula sa namuong panic at takot. Muli akong inalalayan ni Nighzelle para makatayo habang nalilito pa rin sa mga nangyayari.
'Binitawan niya ako. Hindi niya itinuloy ang pagkuha sa akin.'
"What the hell?" Usal ni Mina saka kami natulala sa nangyayari kay Anatalia ngayon. "Is she glitching?" Pahabol na tanong ni Mina habang pinapanood namin ang putol-putol na panaghoy na nanggagaling sa kanya kasabay ng pagpundi niya na parang isang bumbilya.
"Is she dying?" Tanong rin ni Lacey. At bigla na lang siyang nawala kasabay ang kahindak-hindak niyang pag-iyak. Natataranta naming tinignan ang paligid sa takot na baka lumitaw na lang siya bigla sa ibang pwesto.
"Lacey!" Pinutol ng boses ni Vincent ang takot at pagkabalisa naming 'yon. Agad namin siyang pinuntahan sa dining area. Pagdating namin doon ay tumambad sa amin ang nakaluhod na si Vincent sa nakahigang si Racey.
"Racey! Oh, God!" Sigaw ni Lacey nang makita ang lagay ng kapatid niya.
"Oh, no"
"Racey?"
"What happened?"
Kanya-kanya naming reaksyon sa nangyari. Kasalukuyang nakahiga si Racey at lumalaban para sa kanyang buhay. Tarantang-taranta si Vincent sa mga nangyayari habang nababalot ang kamay ng dugo.
"Nakadapa siya, so I turned her to me para akayin na paalis. But when I touched her, naramdaman ko agad na may likido akong nahawakan sa kanya." Hindi niya mapakaling sabi. "Nasaksak siya ng glass, for sure it's because of how we were thrown away. What should we do?" Dagdag ni Vincent na hindi pa rin nagagawang kumalma. Pati rin si Lacey ay natataranta na at hindi alam kung saan hahawakan ang kapatid.
"Deimour, can you save her? Please, I'm begging you." Iyak ni Lacey habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid.
"I don't know, Lacey. I'm sorry. Hindi tayo sigurado kung gano kalaki at kalalim ang pagkaka-saksak niyan sa kanya. Hindi natin pwedeng basta na lang hugutin 'yan. Hindi ako doctor. I can't risk another life. Alam niyo ang nangyari kay Mary sa mga kamay ko." Malungkot na sagot ni Deimour.
'Tama si Deimour.'
"Fvck! Can't you just try?! I beg you, Deimour. I will do anything!" Malakas na iyak ni Lacey.
Bigla kaming nabuhayan ng loob nang mag-angat si Racey ng kamay at ilagay ito sa pisnge ni Lacey.
"U-umalis na ka-yo." Hirap man ay nagawa pa rin ni Racey'ng magsalita.
"I'm not leaving you. We will find a way to save you." Pagpupumilit naman ni Lacey.
"You don't have much time, Lacey. Run, now!" Buong lakas na pagsasalita ni Racey kahit pa halatang-halata ang hirap niya sa paghinga.
"Lacey." Paghawak ni Deimour sa kanya sa balikat.
"No!" Sigaw at paghawi ni Lacey sa kamay ni Deimour "I will not leave my sister here! Kung gusto niyong umalis, umalis na kayo. I don't fcking care!" Dire-diretsong pag-iyak niya.
"Vincent," pagbaling naman ni Racey kay Vincent dahilan para matuon ang atensyon namin sa kanilang dalawa. "Take Lacey. Get out of here. There's no time. Please, bring my sister home." Pakiusap niya kay Vincent saka umubo ng dugo. Gayon na lang din ang pag-aalala namin at sabay-sabay kaming lumapit sa kanya para alalayan siya—kung mayroon mang paraan para kahit papano'y maibsan ang hirap niya. Hawak-hawak ni Lacey ngayon ang kapatid niya sa bisig.
BINABASA MO ANG
The Nova: Fade Away
AdventureTHE NOVA SERIES #1 • COMPLETED • Magkakasama-sama sina Gizo, Deimour, Nighzelle, Armina, Vincent, at Lacey sa isang biglaan at kahina-hinalang camp. Ang dapat sana'y masaya at kapana-panabik na aktibidad ay mauuwi sa trahedya nang biglang sugurin an...