Deimour
11:52 | AUGUST 24, 2012 | CAFETERIA, ELIONOIR HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS, MERRIMONT CITY
"Hey, what happened?" Tanong ni dad nang mawalan ng malay ang babaeng ito—si Armina.
"She saw the gun. Panic happened and she fainted." I said answering dad's question.
'Hoplophobia.'
"Bring her to the nearest infirmary immediately." Utos naman ni lolo na pinatutungkulan ang isa sa mga bodyguards sa likod namin. Nananatili lang ang kalmado at malamig niyang tono kahit pa may humandusay na sa harapan niya.
Agad namang kumilos ang isa sa mga bodyguards namin at binuhat ang babaeng walang malay papunta sa infirmary kasunod ng lalaking kasama niyang kumakain kani-kanina lamang.
"Poor girl." Nasabi na lang ni lolo saka nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang nangyari.
Lahat ng laman ng cafeteria'ng ito ay nanatili pa rin ang tingin sa amin at hindi makaalis sa kinatatayuan nila. Different people with different expressions. Some are shocked, frightened, worried, and others have their own mixed emotions.
'Mga tsismoso't tsimosa nga naman.'
"Deimour, make sure everyone is enlightened about the drama happened." Utos ni lolo sabay lingon sa akin.
"Of course, Chairman." Agad ko rin namang tugon. Sinulyapan pa muna niya ako mula ulo hanggang paa tsaka dinugtungan ang nais niyang sabihin.
"Finish your works early. There's something I need you to do." Dagdag niyang utos at tumungo naman ako bilang sagot.
Nag-bow pa muna ako sa kanila bilang paalam at saka na sila tumalikod at umalis. Nilingon ko ang mga taong naririto sa cafeteria; medyo nabawasan na ang bilang nila kumpara kanina kaya hindi na ko nagsayang ng oras at lumabas na.
'I'm getting sick of this. Drama everyday.'
Actually, I'm already done working on the follow-up letters, financial statements, and session plans in The Nova Camp. I just can't help myself but be curious about how Vhonn was able to raise such a big budget for this camp.
12:00 | AUGUST 24, 2012 | STUDENTS' LOUNGE, ELIONOIR HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS, MERRIMONT CITY
As I'm on my way to my classroom, nakita ko si Vhonn na may kausap sa cellphone niya. And there goes my curiosity again so I stayed a bit.
"Yes of course, everything is under control. No, you don't have to worry. Double money rin tayo after this event." Saad niya habang kausap ang sinumang nasa kabilang linya. Hindi pa niya ata batid na nasa likuran lang niya ko at masayang pinakikinggan ang bawat salitang binibitawan niya.
'Ngayon alam ko na kung bakit nagawa niyang makahanap agad ng budget coordinator. Planado ang lahat.'
"Don't worry! Walang sasabit sa atin. That's for sure." Agaran niyang sabi sabay baba ng linya.
"You sure?" Sabi ko sabay ng pagtalikod niya kung saan naroroon ako.
"Kanina ka pa ba nanjan?" Biglang tanong ni Vhonn sa gulat. Lumingon-lingon muna ako sa paligid upang makumpirma kung mayroon pa bang ibang tao sa mga oras na ito.
"What's the real deal about the camp?" Diretso kong tanong habang ang mga kamay ko'y nasa bulsa ng aking pants at ang tingin ko'y diretso sa kanyang mga mata. Hindi ko binitawan ang titig na 'yon sa kanya at hinayaan ang unti-unting pagtakas ng dugo sa kanyang mukha sa tanong kong iyon.
BINABASA MO ANG
The Nova: Fade Away
AdventureTHE NOVA SERIES #1 • COMPLETED • Magkakasama-sama sina Gizo, Deimour, Nighzelle, Armina, Vincent, at Lacey sa isang biglaan at kahina-hinalang camp. Ang dapat sana'y masaya at kapana-panabik na aktibidad ay mauuwi sa trahedya nang biglang sugurin an...