Armina
6:30 | AUGUST 24, 2012 | DAZAS' RESIDENCE, MERRIMONT CITY
"Good Morning, dear." Bati ni mom pagkarating ko sa dining area. Nakahanda na sa lamesa ang iniluto niyang almusal na mukhang mainit-init pa dahil sa maliliit na usok na ibinibigay nito. Nakabihis na ko ng uniporme at handa na para pumasok. Nakaupo siya sa may dining area habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Siguro iniintay na lang talaga niya akong bumaba.
'Hukluban talaga siya. May radio naman, may television or even internet to catch up with the news pero mas gusto niya pa rin yung traditional.'
"Can you please stop calling me dear, mom? Binigyan mo ko ng pangalan 'tas wala naman palang gamit." Reklamo ko sa kanya nang malumanay saka umupo na sa tabi niya. Ikinabigla naman ni mom ang sinabi ko sa kanyang 'yon at tinaasan ako ng kilay.
"What's with the morning attitude huh?" Tanong niya sa akin saka muling humigop sa kape niya.
"Woke up on the wrong side of the bed." Sagot ko nang hawak-hawak ang sintido ko. Pag-gising ko pa lang kasi ay sumasakit na agad ang ulo ko. Sinubukan ko naman ang lukewarm water na pagligo pero wala pa ring epekto. "Plus, this monthly subscription I didn't sign up for—a curse." Dagdag ko pa saka siya napagiti.
"Haha hindi ka pa ba sanay." Sabi niya nang tumatayo sa kinauupuan niya at nagkalkal ng gamot sa medicine box malapit sa kusina.
"Maybe umabsent ka na rin muna sa araw na 'to kung hindi mo talaga kaya." Suhestiyon naman niya.
'As if pwede.'
"Nawp. I can handle. Kasisimula ko lang sa bagong school. Ayoko namang ang impression sa akin ng mga teachers doon ay palitaw—lulubog at lilitaw kung kailan gusto." Sagot ko naman saka siya bumalik sa kinauupuan niya at nag-abot ng dalawang gamot.
"Pain reliever. This one, especially for dysmenorrhea, just in case." Tagubilin niya at kinuha ko naman ito saka isinilid sa bag.
"Thank you, mom." Pasasalamat ko at ngumiti naman siya ng matamis.
"No problem, sweetie." Sagot naman niya saka ako napabaling na naman ng masamang tingin sa kanya.
"What?" Painosente niyang tanong habang humihigop sa kape niya.
"Let's not use endearments, 'kay? Sweet cupcake, dear, honey, sweetie pie," sabi ko habang iniisa-isa ko ang mga tawag niya sa akin. "and this is the worst, sweet toothie tofu." I said with all the act at sabay naman kaming nagtawanan.
"Hahaha! Why? That's cute!" Sabi niya nang manghang-mangha.
"Mom, it's not. It's annoying." Sabat ko naman saka kami muling nagtawanan.
Don't get me wrong. I know my mom is sweet and it's her way of expressing her love, pero minsan kasi I really can't stand it. Plus, she's overprotective and clingy so hindi ko alam paano sasabihin sa kanya na mawawala ako ng 3 days and 2 nights. Huminga ako ng malalim saka bumwelo para magpaalam sa kanya.
"Mom, nga pala, mawawala ako ng 3 days and 2 nights. Nirequire kasi ako ng student council president namin na salihan itong camp activity na 'to para pirmahan niya ang transferee slip ko," kwento ko. "And this is the waiver and other details ng tungkol sa school activity na 'yon." Dagdag ko pa saka binigay sa kanya ang iilang papel.
"Grabe naman, pangatlong araw mo pa lang sa school na 'yan pinapagod ka na." Komento naman ni mom while scanning through the papers na binigay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Nova: Fade Away
AdventureTHE NOVA SERIES #1 • COMPLETED • Magkakasama-sama sina Gizo, Deimour, Nighzelle, Armina, Vincent, at Lacey sa isang biglaan at kahina-hinalang camp. Ang dapat sana'y masaya at kapana-panabik na aktibidad ay mauuwi sa trahedya nang biglang sugurin an...