"Congratulations!" I smiled while looking my boy friend. Proud ako para sa 'ming dalawa. We just completed our junior high school today. Para sa 'kin, malaking achievements na 'to. Dumaan kami sa hirap at saya na akala ng iba ay madali lang ang junior high. Siguro mas mahirap ang senior high at college pero hindi rin maitatanggi na mahirap din ang junior high.
"Finally! Natapos din!" Ngumiti ako at kumapit sa braso niya.
"Let's take a picture together? I would like to decorate it to my room." He smiled and nodded.
"Okay. 1, 2, 3, smile mga lason!" Sigaw ng photographer na kaklase lang din namin. Natawa nalang kami pareho ni Kyle. Mas lalo pa namin silang pinainggit. Kyle smirked when I kissed his lips in front of our batch mates.
"WOAHHH!! Sa una lang 'yan!" Sigaw nila.
Just how fast the night. I can still remember our first day of school. From good morning class to good bye. Nakakamiss but we have different paths to take. Today is not the ending but the new beginning of our journey.
I decided to take STEM strand while Kyle took ABM. Magkaiba pero we still see each other at school during our free time. Kapag senior high, hectic na rin pala ang schedule. Maraming task na dapat gawin at medyo strict na rin kumpara sa junior high. Despite of our struggles in senior high, natapos din namin ang grade 11. With honors lang ako pero okay na sa 'kin 'yon. At least nakuha pa rin, hindi rin naman kasi biro ang STEM. Akala ko solve-solve lang ng math e hindi pala. There's more than you think. Proud naman ako kay Kyle dahil with high honors siya. Madali lang para sa kanya ang ABM dahil mahilig naman siya sa math at sa pag-analyze ng mga word problem.
Dumating na ang grade 12, mas naging busy pa kami at minsan nalang nagkakaroon ng time para sa isa't isa. Kung hindi naman ako busy sa acads ay nagpapahinga naman ako, he's my rest pero hindi kami same ng schedule. Kung siya ang hindi busy, ako naman itong maraming ginagawa. Vise versa.
Kyle graduated valedictorian. He's giving his speech in front of us. In front of our parents, teachers, faculties, and students. I'm so proud of him. Very proud but I can't help to cry. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Ang dating consistent with honors noon ay nakaupo nalang ngayon at nanonood na sabitan sila ng mga awards. Yes, hindi na ako nasali sa honors. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang kasi hindi naman medal ang basehan pero hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko. Siguro may parte sa 'kin na naiinggit at nahihiya. Nakakainggit sila habang sinasabitan ng medalya at makikita ang ngiti sa labi ng mga magulang nila. Nakakahiya dahil valedictorian ang boy friend ko pero heto ako nakaupo lang at kahit man lang masali sa with honors ay 'di ko nagawa.
"Kyle, let's end this." Malamig kong sabi.
"H-huh?"
"Bingi ka ba? Sabi ko, tapusin na natin 'to." Ulit ko.
Nag-alanganin siyang ngumiti. "P-pagod ka ba? Ahm, pahinga ka muna love. Usap nalang tayo kapag okay kana hmm—"
"Hindi ako pagod, ayokona talaga." sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang buhok ko na napunta sa mukha.
"Stop, I know you're just tired. Take a rest okay? Let's talk about—"
Natigil siya nang alisin ko ang kamay niya. "Let's break up."
"N-no," umiling-iling siya. "Hindi ako papayag, 'w-wag naman 'yung gan'to Sheryn," nanginginig ang boses niya habang pinipigilan na lumuha.
Nangako ako, nangako na hindi ko siya paluluhain pero heto ako't nakatayo sa harap niya habang binabato siya ng mga masasakit na salita.
"B-bakit? A-ano bang dahilan? May nagawa ba akong mali?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Wala naman, I just want you to focus on you goal. Mag-co-college na tayo, Kyle. Let us focus muna? I don't think I can handle this relationship pa. Ayoko na maging toxic tayo, ayoko na maging distraction 'tong relasyon natin. Maybe, we can still see each other after we'll graduate in college? Maybe– kung pwede na at sana pwede pa." Mahaba kong lintaya. He just stared at me.
"You're my inspiration to my studies, Sheryn. How come? Habang inspirasyon kita, distraction pala ako sa 'yo." He bitterly smiled.
"Whatever you want, as long as sa tingin mo ay nakabubuti sa 'yo then I'll go for it, kahit na ikakawasak ko pa." Dag-dag niya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry. . . I promise, Kyle na babalikan kita at sana sa pagbalik ko– may babalikan pa. . ."
"CONGRATS, you're now a licensed nurse. I'm proud of you, Sheryn!" Ngumiti lang ako kay Rylla.
"Kudos sa 'tin, Rylla and good luck sa doctor journey mo."
"At kung hindi papalarin, house wife nalang ng isang poging doctor!" Biro niya. Umirap lang ako habang natatawa.
"Happy, huh" Nilingon ko kung sino ang nagsabi no'n. Si Ate Kyline. Kyle's sister.
"A-ate Kyli–
"Wag mo akong tawaging ate. After what you did to my brother? May lakas loob ka pang tawagin akong ate?"
"P-pero, may dahilan po ako kaya nakipagbreak ako kay Kyle. H-hindi niya ho ba nasabi sa inyo?" tanong ko pabalik.
"Nang-gagago ka ba, Sheryn? Iniwan mo ang kapatid ko! Iniwan mo siya sa panahon na kailangang-kailangan ka niya! Napaka-makasarili mo!"
Tiningnan ko si Rylla ngayon na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Binigyan ko siya ng ngiti at 'ayos-lang-ako-look'.
Pumunta kaming dalawa ni ate Kyline sa isang lugar na wala masyadong tao.
"Ano ho ba ang sadya n'yo sa 'kin?" tanong ko.
"Congrats, Sheryn." Mapait siyang ngumiti. "Kudos, dahil habang unti-unti mong naaabot ang mga pangarap mo. . . hindi mo alam na may isang taong sinira mo." Pumatak ang luha sa mga mata niya.
"A-anong..."
"B-bakit ang selfish mo? Bakit nagawa mong maging masaya kung may tao kang sinaktan? Ang selfish mo! Habang nagpapakasaya ka, nababaliw naman ang kapatid ko!" Sigaw niya. Sobrang frustrated na ang mukha niya ngayon. Tumalikod siya at napasapo sa sariling mukha habang humahagulgol.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko. Looking at my younger brother who's far from being him."
Tumingin siya sa 'kin. "You know what? Hindi ko matanggap na minahal ka niya." Mahinang sabi nito.
"A-ano ba talagang nangyari kay Kyle? B-bakit," Napalunok ako sa sariling laway.
"Araw-araw, bukambibig niya ang pangalan mo. Kapag naaalala niya ang mga masasaya n'yong memories tumatawa siyang mag isa. Kapag naaalala niya kung gaano kasakit ang mga salitang iniwan mo ay iiyak siya't magwawala." Tinuro niya ako. Galit, pagkamuhi at pagkalungkot ang makikita ko sa mga mata ni ate Kyline.
"Hindi gano'n yung kapatid ko eh. Sobrang talino no'n pero mukhang tama sila. Kung sino pa ang matalino ay bobo at tanga naman pagdating sa pag-ibig. Ngayon, naniniwala na ako sa sinasabi nila na LOVE IS CRAZY. Kasi literal na baliw na ang kapatid ko dahil sa 'yo!" Isang malakas na sampal ang natamo ko.
Umiyak ako hindi dahil sa sampal kundi dahil sa nalaman. N-nabaliw si Kyle?
"A-asan siya ate?" tanong ko.
"Metal hospital." Maikli niyang sabi saka ako iniwan.
Napatakip ako sa aking bibig. A-anong nagawa ko?
BINABASA MO ANG
The Solace In Our Scars (Complete)
Short StoryWhen high school lovers reunited. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story is in the first draft. Bare...