Special Part

56 6 2
                                    


"Kyle, change your perfume please." Tinakpan ko ang ilong ko at lumayo sa kanya.

"I thought... you like my smell, Sheryn?" taka niyang tanong.

I just shrugged. "Basta, hindi na ngayon. Ampangit na ng amoy. Nakakasawa," tugon ko at tumalikod. Nagsalin ako ng tubig sa baso. Andito kami ngayon sa apartment ni Kyle. It's been 3 weeks nang magkabalikan kaming dalawa at minsan na lang akong umuuwi sa apartment namin, palagi kasi akong andito.

Nang mapansin na hindi na malamig ang tubig ay binuksan ko ang ref. Bumungad sa 'kin ang amoy ng spaghetti, I immediately closed the refrigerator.

"Kyle!" tawag ko sa lalaki.

Lumapit naman ito sa 'kin. "Kanino ba 'tong spaghetti? Pwede bang alisin mo 'yan? Naiirita ako sa baho!" Maldita kong saad at inirapan siya. Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay.

"Grabe ka naman, paborito ko pa naman." Ani Kyle at walang magawa. Mahal niya ako e, may magagawa pa ba siya?

"May problema ba tayo, Sheryn? Bakit parang galit na galit ka sa 'kin?" Nakanguso niyang tanong.

Lumapit siya sa 'kin at malambing na yumakap sa likuran ko. Siniksik niya pa anng kanyang mukha sa leeg ko kaya agad ko siyang tinulak.

"Huwag kang lumapit sa 'kin, ayoko nga sa amoy mo 'di ba?"

"Sheryn naman..." Parang nahihirapan niyang saad.

"Ano? Galit ka na sa 'kin? Ayaw mo na sa 'kin?" Naiiyak kong tanong.

Nataranta naman siya, hindi alam kung lalapit ba o ano. "It's not like that! I really love you."

"We? Mahal mo talaga ako? Bilhan mo ako ng yogurt, please?"

"Kakakain mo lang kanina, wala na bang natira?"

"Ang damot mo talaga," tumalikod ako at naglakad papunta sa living room. Padabog akong umupo sa sofa.

Pagod na nga ako sa trabaho tapos nasasaktan pa ang damdamin ko ngayon. Ewan ko ba pero nasaktan talaga ako. Gusto ko lang naman kumain ng yogurt— hindi pa napagbibigyan.

"Fine, I'll buy you again. Anong flavor ba?" tanong niya.

"Strawberry," maikli kong sagot habang hindi siya tinitingnan. Nagtatampo talaga ako sa kanya.

"Please stop being mad at me, my love..."

Umirap ako, "I'm not mad..." I'm just. . . Hays!

"Sheryn, are you pregnant?" Seryosong tanong ni Kyle sa gitna ng katahimikan.

Muntik na akong masamid sa sariling laway. The fvck.

"Stop kidding around, Kyle tss."

"I'm not kidding, napapansin ko kasi these past few days na palagi ka nalang galit at sobrang sensitive mo. Palagi ka ring may cravings," Ani Kyle at tumabi sa 'kin.

Niyakap niya ang tiyan ko. "Ayaw mo?" tanong niya.

Napalunok ako. "Hindi naman sa gano'n..."

"I'll buy you a yogurt and... a pregnancy test," he said.

Nag-iwas ako ng tingin. "S-sige."

Oo nga 'no? Parang hindi nga ako normal nitong mga nakaraan.

Shit, nurse ako pero b0b0.

Umalis si Kyle kaya binuhay ko muna ang TV at nanood ng movie.

"Shit my love, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Kyle. Isiniksik ko ang mukha ko sa katawan niya at do'n umiyak.

The Solace In Our Scars (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon