Part 2

30 6 0
                                    


"Uy nabalitaan n'yo na ba na may bagong psychologist sa 5th floor? Grabe, ang pogi nga raw e," sabi ng isang nurse.

"Tingnan mo nga naman itong si nurse Xenia, puro harot ang inaatupag!" reklamo ni Elijah, isa ring nurse sa hospital na pinapasukan ko. Siya ang medyo kaclose ko sa lahat.

Napakamot nalang ako sa batok at sinaway siya, baka marinig pa kami.

"Overtime ka mamaya?" tanong ko.

"Nako bes, nakalimutan ko nga palang sabihin na a-attend ako ng kasal bukas kaya 'di muna ako mag-oovertime ngayon. Ikaw ba?"



"Papasok ako sa night shift dahil wala rin naman akong gagawin sa apartment. Duty sina Reysha at Bella." tukoy ko sa mga ka-roommate ko.



"Xenia, tawag ka ni doctora Clemente," tawag ko sa nurse na busy sa pakikipagusap sa mga kasamahan namin.



Tumigil naman ito sa pagchichismis at agad na lumapit sa 'kin. Nagpaalam na rin ang ibang nurse na mauna na sila sa canteen, lunch break kasi namin ngayon.



"Sige bes ha, una na ako. Good luck sa bunganga ni Xenia," sabi ni Elijah. Tumango lang ako at sumunod kay Xenia.

Nang makasakay na kami sa elevator ay nagsalita si Xenia. "Jusko nurse Sheryn. May tea ako ngayon," Aniya. Alam ko na kung ano ang tea na sinasabi niya. Chismis na naman.



"Alam mo ba, sa 5th floor may poging psychologist, omg!" hinampas niya ako sa braso.



"Tss," napa-iling ako at pinindot ang 5th floor.



"Halla, omg ulit. Sa 5th floor pala tayo?"



"Oo? Andun si Doctora Clemente?" Patanong kong tugon.



"Swerte! Makikita natin 'yung poging psychologist."



Umirap ako "Di mo sure, malawak ang 5th floor." Nagkibit-balikat lang ako at hindi na siya pinansin pa. Wala naman akong pakialam kung sino 'yang newbie na pogi na 'yan.



I sighed. It's been eight years pero hindi pa rin talaga ako maka-move on kay Kyle. Ano bang gayuma ang nakain ko? I'm still into him. Laman at laman pa rin siya ng isip ko. That's why I love being busy, kung kaya kong mag morning shift at night shift, ginagawa ko para lang maging busy at hindi na siya maisip pa. But everytime I pause, he's all I think about. Ang hirap kasi five years na kaming hindi nagkikita o komunikasyon man lang pero hindi ko pa rin siya magawang maalis sa isipan. Ang huling pagkikita namin ay no'ng binisita ko siya sa mental hospital. It was five years ago at hindi na naulit pa.



Halos araw-araw ko siyang binibisita pero pinagtatabuyan niya ako at sinasaktan.




(FLASHBACK)

When ate Kyline said that Kyle is in the mental hospital, kinabukasa'y pumunta agad ako roon. Hindi ko matiis si Kyle e. Kahit nga nag-aaral ako ng college naiisip at naiisip ko pa rin siya pero pinipigilan ko ang sarili ko at inabala nalang ang sarili sa ibang bagay. Busy rin kasi kapag nursing student pero ayun nga, kahit gaano kabusy naiisip ko pa rin ang lalaki.



"Kyle Laurel Perez po,"

The psychiatric nurse guide me kung saan ang kwarto ni Kyle. "Thank you,"

"Dito lang po muna ako sa labas ma'am ah, the patient isn't aggressive naman like other patients here pero mag-iingat pa rin po kayo. Just call us if there's any concern." sabi nito. Tumango lang ako at nilingon ang kwarto ni Kyle. I sighed heavily.



The Solace In Our Scars (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon