"Weekend na! Wala tayong schedule!"
"So what?" tanong ni Bella kay Reysha.
"Sana pala 'di na lang ako nag-nurse," Naiiyak niyang saad. "Ganito pala ka hectic ang schedule!"
"After 3 years of working, ngayon mo pa lang na-realize?" I asked and she just smile.
"Let's have some fun naman. Mag-bar tayo! Sunday naman bukas!"
"I'll go to church tomorrow, hindi ako pwedeng mag-hangover." sagot ko.
Sumimangot si Bella. "As if naman umiinom ka ghurl?" Sabad ni Bella. I just shrugged.
"Hindi naman tayo magtatagal do'n. Tsaka kailangan din natin ng stress reliever. Puro na lang tayo trabaho, paano tayo makakahanap ng love life niyan!" reklamo ni Reysha.
Sa huli ay napapayag din nila ako. I'm wearing my black tube top and white skinny jeans. Alangan namang mag sneakers ako sa bar kaya nagsuot ako ng itim na stilettos. I also tied up my hair at nagdala na rin ako ng sling bag na kulay itim para paglagyan ng cellphone at wallet.
Si Reysha naman ay nakasuot ng maikling dress na sobrang hapit sa katawan niya. Kulay pula ito kaya bumabagay sa makinis at maputi niyang balat. Samantalang si Bella naman ay naka denim skirt at white backless tops. Si Elijah ay nakasuot lang ng simpleng violet off-shoulder dress na hapit din sa katawan niya. They have a good body figure kaya kahit anong pang-sexy na damit ay bumabagay.
Tumingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin. I changed a lot, my body shape changed. May kurba na ako ngayon at pinaghirapan ko talaga ito no'ng nakaraang mga taon. I was called perfect by the people around me. But they don't know the story behind this body.
"Let's go guys!"
Nag-taxi kaming magkakaibigan at ilang minuto lang ay nakarating na kaagad kami. Malapit lang kasi dito ang bar na sikat sa syudad. Kadalasan itong dinadayo ng mga mayayaman.
Pagpasok namin sa loob ay sumalubong kaagad sa 'kin ang baho ng iba't ibang klase ng mamahaling pabango. Nahaluan din ito ng amoy ng klase-klaseng alak. May mga amoy pa ng flavored vape at sobrang ingay ng paligid.
"Sa second floor, andoon ang mga expensive na mga tao! Tahimik lang daw doon dahil kadalasan mga sobrang yayaman ang nakatambay roon. What if doon tayo?" Saad ni Bella.
"Naku, huwag. Mas masaya dito! Pumunta naman ako dito para mag enjoy kaya iinom tayo at sasayaw. Come on!!" Tumalon-talon si Reysha at sinasabayan ang bawat tugtog ng music.
Sumunod lang ako sa kanila papunta sa isang couch na may maliit na lamesa sa gitna. Si Elijah na ang nag-order ng inumin namin. This is not my first time here dahil halos kada buwan naman kaming pumupunta sa mga bar pero tuwing weekend minsan lang ako sumasama.
"Uy, andito rin pala si Doc!" My heart skipped beat fast nang marinig ko ang sinabi ni Bella.
Lumingon ako at nakita ko sa kabilang table ang sinasabi ni Bella. There, I saw Kyle with his black button down shirt and black pants. His favorite match and he looks very hot tonight. Hindi ko kilala ang iba niyang mga kasama pero may mga namumukhaan ako, mga pinsan niya!
Tumikhim ako at nilagok ang alak na nasa shot glass. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko saka nag-uusap sa mga bagay na hindi naman ako relate.
"Maghahanap talaga ako ng makaka-one night stand ngayon!" saad ni Reysha at nagsalin ng alak sa baso niya. "Puta! 26 na ako pero hindi ko pa rin nahanap ang true love na 'yan! Boyshet, paano ba kasi?" Naiiyak niyang tanong sa sarili. Tinawanan lang siya nina Bella at Elijah.

BINABASA MO ANG
The Solace In Our Scars (Complete)
Short StoryWhen high school lovers reunited. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story is in the first draft. Bare...