Nakatulala lang ako nang magsalita si Elijah. "Nababahala na ako sa 'yo, Sheryn ah. Kanina ka pang tulala," aniya.
"Hindi nga ginagalaw ang pagkain e," dag-dag ni Reysha.
Umayos ako sa pagkaupo at tiningnan ang pagkain sa harap ko. Andito kami ngayon sa canteen, tapos na silang kumain at kami nalang ni Xenia ang naiwan dahil pumunta pa kami sa 5th floor kanina at hindi ko talaga keri ang mga ganap today. I just saw my ex! Nang magtama ang aming paningin kanina ay agad akong tumalikod at nagmadaling umalis.
I still can't believe! Kyle is now a psychologist and take note, he's working now in this hospital. There's 50% of probability na magkakasalubungan kaming dalawa. 50% naman na hindi kasi malaki naman ang ospital na 'to and clinical psychologist often work in hospitals, hindi everyday kagaya namin.
"Asus, ganyan lang 'yang si Sheryn, nakita ata si doc Perez kanina."
Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. "Akala mo naman first time," bulong ko.
"Ha?" tanong ni Elijah.
"Wala," tugon ko at susubo na sana nang may biglang pumasok na lalaki sa canteen. Agad akong nagpanggap na busy sa paghihiwa ng steak. Nakayoko lang ako at hindi ulit nagtaas ng tingin. Holy shit, si Kyle.
Kinalabit ako ni Elijah, "Ano ba?" naiirita kong tanong.
"Oh, ba't galit ka?" Kunot-noo niyang tanong.
"Kitang kumakain yung tao e," sagot ko.
"Oh e 'di sorry na, ayun si doc Kyle oh. Grabe ang bango niya no'ng dumaan siya dito sa pwesto natin."
Tumikhim ako at sumubo ng pagkain. Alam ko, same brand of perfume pa rin ang gamit niya hanggang ngayon. I miss his scent pero as long as kaya kong umiwas ay iiwas ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin pero baka nakalimutan niya na ako. High school love lang 'yon! Sobrang tagal na.
Noon gusto ko siyang makita pero ngayon natitiklop ako.
"Pupunta ba kayo ngayong Saturday sa Birthday ni Mrs. Oliveros?" Narinig kong tanong ni Elijah sa mga kasamahan namin sa table.
Tinapos ko kaagad ang kinakain at uminom ng tubig. Tinanong din ako ni Elijah kung sasama ba.
"Hindi ako sure, baka may duty ako sa araw na 'yan." sagot ko.
"Aysus, morning shift ka ata sa sabado 'di ba? Sa gabi pa naman ang party,"
"Baka mapagod ako sa shift–
"Dami mo talagang palusot, Sheryn tss"
LUMABAS na ako sa canteen pagkatapos kumain. Malapit na mag 1 pm kaya kailangan ko nang bumalik sa second floor. Nasa first floor kasi ang canteen.
Nauna na ako sa kanila dahil nagpaplano sila sa gaganapin na party this Saturday. Birthday kasi ni Mrs. Oliveros, isa sa mga doctor dito na kapatid din ng may-ari ng ospital.
Pumasok na ako sa elevator at kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniform ko. Nag open muna ako ng instagram para aliwin sana ang sarili. I pressed the 2nd floor button at bago ito magsara ay may isa pang pumasok sa loob. Hindi ko na ito pinansin at naka-focus lang ang tingin sa cellphone nang maamoy ko ang pabango nito. Bango niya pa lang ay kilalang kilala ko na kung sino ito.
Tumikhim ako't 'di siya pinansin. Dahan-dahan itong lumapit sa pwesto ko dahilan kung bakit nagpanic ako.
"Excuse me," aniya gamit ang malamig na boses. I gulped three times.
BINABASA MO ANG
The Solace In Our Scars (Complete)
Short StoryWhen high school lovers reunited. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story is in the first draft. Bare...